CHAPTER FOUR
Pagkagaling ni Hunter mula sa opisina ni Ninong ay dumeretso siya sa isang bakanteng silid kung saan madalas siyang tumatambay.
Simula noong sumali siya sa sindikato/organisasyon na ito ay dito siya lagi pumupunta kapag gusto niyang mag-isip. Tahimik dito at walang nakakaalam ng silid na ito. Kung baga ito ang nagsisilbing hidden hideout niya dito.
Dating bodega ito noon na nilinis lang niya. Nadito pa rin naman ang mga gamit na dating nakalagay dito, inorganisa lang niya ng maigi para magkaroon pa ng space na pwede niyang malagyan ng mauupuan.
Pabagsak siyang naupo sa lumang couch na linagay niya. Sa pagkakabagsak niya ay nagtalsikan ang iilang alikabot na nakakapit doon.
Sumandal siya sabay dukot sa bulsa ng jacket niya at inilabas niya mula doon ang iilang piraso ng papel na nakuha niya mula sa envelope na hawak ni Maxine.
Hindi totoo na blakong papel lang ang laman envelope at nagsinungaling siya kay Ninong. Alam niyang magaling itong bumasa ng tao at alam nito kung nagsisinungaling ang kausap pero magaling siya magsinungaling at makailang beses na rin siyang nakakalusot dito kaya hindi na rin big deal para sa kanya ang ginawa niya.
Binuklat niya ang papel na hawak at tumambad sa kanya ang isang litrato ng isang lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanya, si Maj. Raul Mendez, ang ama ni Maxine.
Seryoso ang mukha na nakatitig lang siya sa litrato nito at kahit sinong makakakita sa kanya ay hindi mahuhulaan kung ano ang iniisip niya habang nakatingin sa larawan.
Nang maya-maya'y bumababa ang tingin niya sa mga nakasulat sa baba ng litrato nito.
Wala naman mga mahahalagang nakalagay doon maliban na lang iilang impormasyon na lingid sa kaalaman ng lahat lalong-lalo na sa anak ni Maj. Mendez na si Maxine.
Mga impormasyon na itinago sa mata ng publiko at sa pamilya nito, tulad ng totoong dahilan ng pagkamatay nito na ayon sa balita dati ay isang simpleng aksidente lang pero ang totoo ay inambush ang pamilya nito.
Nakalagay din doon ang ilang mga kilalang personalidad na iniimbestigahan ni Maj. Mendez na pupwedeng nagpatumba dito, na sa pagkakaalam niya ay hindi na rin umusad ang kaso at imbestigasyon sa mga ito dahil na rin sa pagmamanipula ng mga sangkot sa kasong iyon.
Ang totoo ay wala naman sa kanyang halaga ang papel na ito at kaya lang niya kinuha iyon ay para hindi makita ng dalaga.
Kinuha niya lighter mula sa bulsa niya at sinidihan ito, nang umaapoy na ay saka niya ipinatong sa mesa at hindi niya inalis ang kanyang tingin sa mga ito habang unti-unting kinakain ang mga ito ng apoy hanggang sa tanging abo na lang ang matira.
* * * * *
Mula sa Cavite ay dumeretso si Maxine sa Las Piñas kung saan nagtratrabaho bilang doctor ang isa niyang kaibigan sa isang Ospital doon. Kailangan kasi niya ipagamot, ipatangal ang balang bumaon sa balikat niya bago pa man magkaroon siya ng impeksyon at maubusan ng dugo.
"Maxine!?" Gulat ng gulat ang kaibigan ni Maxine na si Edward pagkakita nito sa dalaga.
Si Edward ay matagal nang kakilala ni Maxine dahil anak ito ng isa sa mga kaibigan ng Papa niya. General na ang ama nito sa ngayon na kaibigan at kasabayan nga ng Papa ni Maxine noon. Matanda ito sa kanya ng sampung taon pero hindi naging hadlang iyon na maging malapit siya dito.
BINABASA MO ANG
Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)
ActionSa loob ng 72 hours ay kailangan mahanap ni Maxine o mas kilalang sa codename na AGENT Z si Marcus at mailigtas ito sa kamay ng mag kidnapper. Pero ang hindi niya alam ay ang paghahanap niya iyon ay ang magiging daan patungo sa pagkakadiskubre...