CHAPTER 11 (PART 1)

84 2 0
                                    

CHAPTER ELEVEN


01-Aug-18              1930hrs


Maagang umalis sina Maxine at Jacob mula sa bahay ni Eward dahil gusto nilang maagang makarating sa destinasyon nila.

"Handa ka na ba?" Tanong ni Jacob kay Maxine habang nagdidrive ito.

"Oo handa na ako – kahit anong mangyari sa'tin – makaligtas man tayo o hindi na makauwi ng buhay." Mabilis na sagot naman ni Maxine na nabuntong hininga pa ng malalim.

Sinipat naman siya ni Jacob sabay hawak ng isang kamay niya na nanlalamig.

Oo hindi niya ipagkakailang kinakabahan siya. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan. Buhay nila ang nakasalalay at hindi nila alam kung ano ang mangyayari.

Pero gayon pa 'man kahit ano't-ano pa man ang mangyari ay handa sila – handa sila – napaghandaan nila at isa pa ay ang importante ay kahit kakaunting oras na lang ang mayroon sila ay naiplano pa rin nila ang lahat ng maayos at ang tanging inaasahan na lang nila ay ang magtagumpay ang lahat ng kanilang plano.

"Wag kang mag-aalala kahit ano man ang mangyari, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo – kahit buhay ko pa ang kapalit." Wika ni Jacob sabay pisil sa kamay ni Maxine kaya napatingin ang dalaga sa kanya. "Pinangako ko sa Papa mo na proprotektahan kita kaya hindi ko hahayaan na may mangayaring masama sayo." Dagdag pa nito.

Napalunok naman tuloy si Maxine dahil sa tinuran ni Jacob. Hindi naman niyang hahayaan na magbuwis ito ng buhay para sa kanya dahil kaya naman niyang ipagtangol ang sarili.

"Everything with be fine." Muling saad pa ni Jacob bago niya alisin ang kamay na nakahawak sa kamay ni Maxine.

"Yeah, it will." Mahinang sang-ayon naman ni Maxine.

01-Aug-18              1935hrs


"Marcus sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Peter kay Marcus.

Oo, buhay na buhay si Marcus at hindi totong namatay ito dahil hindi naman malubha ang tama niya noong nabaril siya ng Ama, pinakiusapan lang nito si Peter na magsinungaling sa kanyang ama na patay na siya.

Pinakiusapan niyang magsinungaling na patay na siya dahil may iba siyang plano – plano na magbabago sa lahat.

Alam niyang walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ang plano niya pero – ano't-ano pa man ang mangyari ay nakahanda na siya.

Ilang taon – ilang taon na siyang namumuhay na parang patay na rin at walang silbi dahil sa pamamanipula ng Ama niya ng bawat kilos at galaw niya kaya kung ano man ang magyari sa kanya sa gagawin niya ngayon ay wala na siyang pakialam basta pagod na siya.

PAGOD na PAGOD na siya na maging tau-tauhan lang – pagod na siyang maging sunod-sunuran sa lahat. Pagod na siyang sa pag gawa ng mga bagay na hindi niya gusto – pag gawa sa mga bagay na labag sa kagustuhan niya.

Ito na ang panahon niya para tumayo para sa sarili niya – ito na ang tamang panahon para gawin naman niya ang gusto niya at dapat niyang gawin.

Awa? Utang na loob? Wala na siyang nararamdaman na ganon para sa kanyang ama dahil matagal nang panahon nawala ang mga iyon.

Pinatay na ng kanyang Ama ang kapasidad niyang makaramdam ng mga ganong bagay.

Kaya ngayon – ang oras ng kanyang ama ay tapos niya – ito na ang panahon para siya naman – siya naman ang umangat!

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon