continuation .......
Mula sa sulok na pinataguan niya ay maliit na butas din doon kaya mula doon ay sumilip siya ulit.
Pagsilip niya ay nakahinto na ang sasakyan sa tabi mismo ng kanyang motor. Agad na nagsibabaan ang sakay ng sasakyan.
Apat na lalaki na may mga dalang matataas na kalibre ng baril ang bumababa sa sasakyan kaya mas lalong ikinataka ni Maxine kung sino ang mga ito.
"Ikaw don ka maghanap, at ikaw naman sumama ka sa'kin at ikaw magbantay ka dito." Utos ng lalaki na bumababa mula sa passenger side na katabi ng driver.
Ito si Hunter, pero walang nakakaalam kung ano nga ba ang tunay na pangalan nito basta ang pakilala lang nito sa mga tauhan ay Hunter ang pangalan niya.
Nasa mid 30's na ito na kahit lagi itong nakapoker face at madugis ang mukha ay hindi pa rin maitatago na may itsura ito. Ang ilong nito ay matatangos at ang mga mata nito ay kulay abo na kapag tumingin ay walang kaemo-emosyon at minsan naman ay matatalim na kung nakakamatay pa lang ang tingin ay malamang ay marami na itong napatay.
Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ng mataas na opisyal ng sindikato na iniembestigahan noon ng Ama ni Maxine na si Maj. Mendez.
Wala itong awa at kahit sino ay kayang-kaya nitong patayin, mapabata man o matanda, babae man o lalaki, kahit kaibigan o kapamilya pa nito basta inutos ng amo na patayin niya ay susundin niya.
Agad naman na sumunod ang mga tauhan ni Hunter sa inutos niya.
Mula naman sa pinagtataguan naman ni Maxine ay rinig na rinig niya ang utos ng lalaking matangkad sa mga kasamahan nito kaya sa tingin niya ay ito ang leader.
Hindi niya alam kung sino ang mga ito at kung siya ba ang pakay ng mga ito. Kung sakali man na siya ang pakay ng mga ito ay ano kaya kailangan ng mga ito sa kanya?
Mga katanungan na nasa utak ng dalaga.
Nakarinig si Maxine ng mga yabag ng paa na papalapit kaya yumuko siya.
"Hanapin mo nandyan lang iyon!" Narinig na utos ni Maxine ng lider sa kasama nito kaya mas yumuko pa siya pero sa hindi niya sinasadya ay nasiko niya ang isang piraso ng kahoy kaya nahulog ito na nagsanhi ng malakas na ingay.
Agad na napatingin sa gawi ni Maxine ang dalawang lalaki at sa kasamaang palad ay namataan siya kaya agad na nagpaputok ng magkakasunod ang mga ito sa dalaga.
Mabilis na napadapa si Maxine at mabilis na itinago ang sarili sa tumpok ng mga kahoy para makaiwas sa mga bala.
Dahil na rin pamamaril ng dalawang kalaban ni Maxine ay nagsibasakan sa kanya ang iba pang mga piraso ng kahoy na hindi na niya iyon alintana dahil ang mas pinagtuunan niya ng pansin ay ang pagtatago niya para hindi siya matamaan ng bala.
Nang saglit na huminto ang dalawang lalaki sa pagpapaputok ay ang dalaga naman ang gumanti ng putok sa mga ito.
Parehong napadive padapa ang dalawang lalaki at gumulong papunta sa isang sementong poste na nasa bandang gitna ng bodega. Mula doon ay inereload ng mga ito ang baril na naubusan na ng bala, na dahlan kaya sila napahinto sa pagbaril sa target.
Pagkareload ng dalawa ng baril ay siya din ang dating ng dalawa pang kasamahan ng mga ito.
Dahil sa biglang pagsulpot ng dalawa ay nagkaroon naman ng pagkakataon si Maxine na matamaan ang isa sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)
ActionSa loob ng 72 hours ay kailangan mahanap ni Maxine o mas kilalang sa codename na AGENT Z si Marcus at mailigtas ito sa kamay ng mag kidnapper. Pero ang hindi niya alam ay ang paghahanap niya iyon ay ang magiging daan patungo sa pagkakadiskubre...