CHAPTER 11 (PART 2) Last CHAPTER

167 2 0
                                    

CONTINUATION ....


"Anong ibig mong sabihin na ako ang dahilan sa pagkamatay ni Marcus?" Naguguluhan na tanong ni Jacob kay Sen Ferrer.

"Wag ka na ngang maraming tanong dahil mamatay na rin naman kayo dito." Sagot naman ni Sen Ferrer kaya muling nagkatinginan sina Macine at Jacob.

"Bakit sino ang may sabi sayo na dito kami mamatay!" Nakangising biglang saad ni Maxine.

Napataas tuloy ang kilay ni Sen Ferrer dahil sa tinuran ng dalaga. "Aba matapang ka rin pala talaga tulad ng tatay mo!"

"Oo at ipapakita ko sayo hanggang saan ang tapang ko at sinisigurado ko sayo na ito na ang pagbagsak mo!"

"Am I late for the party!?" Bigla silang pare-pareho nagulat dahil sa pagdating na iyon ng isang taong hindi nila inaasahan.

"Ma - Mar-cus?" Nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat na sambit ni Sen Ferrer sa pangalan ng anak dahil sa biglang pagsulpiot nito.

Nakatayo ito at bungad ng pinto na malalapad na ngisi sa labi, may dala din itong isang mataas na kalibre ng baril samantalang sa likod naman niya ay ang ilang mga kalalakihan na may mga dalang matataas na kalibre rin ng baril.

Sina Maxine at Jacob naman ay nagkatinginan din dahil naguluhan din sa pagdating ni Marcus.

"Nagulat ba kita Dad?" Nakangisi pa rin na tanong ni Marcus sa ama.

"Ano - Akala ko -" Hindi naman malaman ni Sen Ferrer kung ano ang sasabihin.

"Akala mo patay na ako? Bakit nalungkot ka ba sa pag-aakalang patay na ako? Nalungkot ka ba na wala ka nang magiging puppet?" Pagpapatuloy ni Marcus.

"Marcus! What are you talking about!?" Nakasalubong ang kilay na tanong ni Sen Ferrer dahil sa tinuran ng anak.

"Well Dad buhay na buhay pa ako, masaya ka ba but - opps - wait lang I'm not back to be your puppet again! I am back to claim my time - ako naman - oras ko naman dahil tapos na ang oras mo!" Anito sabay tutok ng baril na hawak sa Ama kaya mas lalong nanglaki ang mata nito.

Magsasalita pa sana si Sen Ferrer pero hindi na nito naituloy dahil sa walang sabing pagpapaputok ni Marcus dito. Mabuti na lang agad namang nakailag ang Senador.

Maging sina Jacob at Maxine ay napatago din ng mabuti sa pinagtataguan dahil sa pamamaril ni Marcus.

Samantalang ang mga tauhan naman ni Sen Ferrer ay mabilis na hinila ang Senador para itago ito sa isang ligtas na lugar.

"Why are you hiding Dad!?" Nakangising tanong ni Marcus sa Ama. "Natatakot kang mamatay?" Dagdag pa nito.

"Marcus stop this! Gusto mo bang talagang patayin ang sarili mong ama?" Sigaw nito sa Anak mula sa pinagtataguan.

"Bakit? Ikaw din naman ah gusto mo rin naman akong patayin diba, kaya amados na tayo."

"Hindi ko naman intensyon na barilin aka - nabigla lang naman ako that time."

"Nabigla?" Ulit ni Marcus.

"Marcus please stop this! Let's talk about it later - hindi tayo ang magkalaban - ang kalaban natin ay sila!" Saad ni Sen Ferrer na ang tinutukoy ay sina Maxine at Jacob.

Humalakhak ng pagkalutong-lutong ni Marcus sabay sabi. "Sorry Dad but I made up my mind - we are enemies now!" Matigas na pahayag niya saka muling nagpaulan ng bala sa lugar kung saan nakatago ang ama at sumunod na rin ang mga tauhan na kasama niya sa pagpapaputok.

"Boss, gaganti ba tayo?" Tanong ng isa sa mga tauhan ni Sen Ferrer dahil sa pamamaril sa kanila.

Ilang sigundo na hindi nakaimik ang Senador dahil sa tanong na iyon ng tauhan. Ayaw naman niyang kalabanin ang anak pero kapag hindi naman siya lumaban ay sila naman ang mamatay. Hindi pa siya handang mamatay kaya kahit anak pa niya ito ay handa siyang kalabanin ito kung hindi talaga niya ito mapipigilan.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon