CHAPTER NINE

89 3 0
                                    

CHAPTER NINE


31-Jul-18                1530hrs


Kasalukuyang magkaharap na nakaupo ang mag-amang Marcus at Sen Ferrer.

"Dad sigurado ka ba talaga sa Hunter na iyon?" Tanong ni Marcus sa Ama. May pagdududa kasi siya kay Hunter – hindi niya alam pero parang hindi siya kumbinsido na mapagkakatiwalaan ito at hindi rin siya masaya na mas pinagkatiwalaan pa ito ng Ama at ibinigay dito ang misyon na dapat ay sa kanya.

"Aba Marcus si Hunter pa talaga ang paghihinalaan mo, he's been with us for 13 years at marami na siyang nagawa para sa organisasyon natin subok na namin siya kaya hindi mo dapat siya paghinalaan lalo na't siya ang tatapos sa trabahong hinding-hindi mo mapagtagumpayan." Inis na sagot ni Sen Ferrer dahil sa tanong ng anak.

"Pero Dad –"

"No more buts Marcus – I trust him kaya 'wag ka nang magkialam pa sa desisyon ko." Putol agad ni Sen Ferrer sa sasabihin pa sana nito. "Ang mas mabuti mo pang gawin ay maghanap ka na lang magagawa mo para hindi ka naman kahihiyan dito." Dagdag pa nito.

Isang malalim na buntong hininga na lang tuloy ang pinakawalan ni Marcus at napakuyom pa siya ng kamao dahil sa tinuran ng kanyang ama at sa hindi pagpansin nito sa pagdududa niya kay Hunter.

Ewan niya kasi pero parang iba ang pakiramdam niya sa lalaking iyon – parang may nararamdaman siyang hindi maganda dito na parang may something dito pero hindi lang niya maipaliwanag kung ano iyon – hindi – hindi selos ang nararamdamn niya para dito dahil sa pagtitiwala ng Dad niya dito pero talagang masama ang ang pakiramdam niya dito.



31-Jul-18            1535hrs


Nakaisip na si Jacob ng plano at tapos na rin maipaliwanag ni Edward kay Maxine ang lahat-lahat pati na rin ang tungkol sa misyon ni Jacob na pagpatay sa dalaga at pagkuha ng mga ebedinsya mula dito at maging ang operasyon nila para bukas ay ipinaliwanang na rin ni Edward, at ngayon nga ay magkakaharap na silang tatlo habang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Siguro naman malinaw na sayo ang lahat diba?" Si Jacob na ang nagpasyang unang nagsalita.

"Oo pero – hindi pa rin buo ang tiwala ko sainyong dalawa kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sainyo na kapag maramdaman ko lang na may gagawin kayong masama sakin ay hindi kayo magtatagumpay dahil nakahanda ako." Pagbabantang sagot naman ng dalaga.

"Yeah – yeah suit yourself – isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin – maghinala ka na kung gusto mo maghinala hindi kita pipigilan." Sagot naman ni Jacob na nakangiwi pa kaya sumama ang tingin sa kanya ni Maxine na ginatihan din niya ng masamang tingin.

"Hey-hey kayong dalawa relax lang kayo – wala tayo dito para mag-away." Agad nang pampapagitna ni Edward dahil sa tensyon na naguumpisa nanamang mabuo sa pagitan nina Maxine at Jacob.

Pero parang hindi nakikinig ang dalawa dahil masama pa rin ang tinginan ng mga ito sa isa't-isa.

"Hoy ano ba kayong dalawa tigilan niyo na nga yan, pwede – mas unahin na muna natin ang mas importante at kapag natapos na natin ang mga gagawin natin saka niyo na ituloy ang kung ano man ang hidwaan niyong dalawa." Muling saway ni Edward dahil hindi pa rin nagpapaawat ang mga ito.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon