CHAPTER 2 (PART 1)

114 2 0
                                    

CHAPTER TWO


29-Jul-18                             2100

Buong magdamag na nagsearch si Maxine ng mga Tattoo studio na mamaring gumagawa ng ganun weird na tattoo at may initial na GTS.

Medyo nahirapan siya maghanap dahil kailangan niyang isa-isahin ang mga design na tattoo na ginagawa ng bawat tattoo studio/artist.

Ang mahirap pa sa ginagawa niya ay sa dami ba naman na tattoo studio ay pakiramdaman na lang kung ano ang titingnan niya para hindi masayang ang kanyang oras.

"Hay! Ang hirap!" Reklamo niya ng medyo sumakit na ang mata niya sa kakatingin sa monitor. Napasandal siya sa pagkakaupo sabay inat.

Ipinikit muna niya ang mata at saka hinilot-hilot ang kanyang sentido ng maya-maya'y bigla siyang napamulat ng mata sabay muling napaharap sa monitor ng computer.

"GTS..." Sambit niya habang nagtatype. "Tattoo studio." Patuloy niya sa pagtatype.

Bigla nanlaki ang mga mata niya ng may mga lumabas na mga Tattoo studio sa initial na itinaype niya pero sa ibang bansa iyon kaya dinagdagan na lang niya ng philippines ang search niya.

Hindi naman siya nabigo dahil may isang Tattoo shop na GTS ang initial.

"Getti Tattoo Studio." Basa niya sa buong pangalan ng Tattoo Studio sabay napangiti siya ng malapad. "Bingo!" Sambit pa niya saka kumuha siya ng papel at sinulat niya ang address nito para bukas ay pupuntahan niya.

Masaya siyang napansandal sa kinauupuan saka dinampot niya ang folder na naglalaman ng ilang mga pictures ni Marcus at ilang impormasyon din tungkol sa binata.

Kinuha niya ang picture ni Marcus saka itinaas niya ito at tinitigan."I'm gonna find you!" Saad niya.

At dahil na rin sa antok at pagod ay hindi na napigilan ni Maxine ang antok at bigla na siyang nakatulog sa upuan habang hawak-hawak pa rin ang larawan ni Marcus.


30-Jul-18                              0100


Sa isang bodega kung nasaan si Marcus dinala ay makikita ang tatlong lalaki na nakapwesto sa madilim na sulok habang magkakaharap ang mga ito.

"So ano na ang plano mo?" Tanong ng lalaking nasa bandang gitna ng mga kasamahan, ito si Gary ang kumuha ng litrato ni Marcus at nagsend din sa Tatay nito ng picture.

Nakatingin ito sa lalaking nasa kaliwang gilid niya na hindi masyadong maaninag ang mukha dahil nakapwesto ito sa mas madilim na bahagi.

Gumalaw ang lalaking tinatanong ni Gary at medyo umusog sa may liwanag at tumambad ang mukha nitong nakangisi.

"Ano ba talaga kasi Marcus ang totoong dahilan mo at nagkunwari kang nakidnap?" Tanong naman ng isa pang nilang kasama na si Patrick.

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Marcus.

Ang dalawang lalaking kasama niya ay mga kaibigan niya na tumulong sa kanya para maisagawa niya ang kunwaring pagkakidnap sa kanya. Ilang buwan din niya pinaplanuhan ito at laking tuwa niya dahil matagumpay naman nilang naisagawa.

"Kailangan ko makita kung ano talaga ang mga kayang gawin ng Agent Z na iyon." Sagot niya sa tanong ng mga kaibigan.

Kumunot ang noo ni Gary. "Agent Z? Kilala mo ba siya?" Tanong nito.

Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon