CHAPTER SIX
31-Jul-18 O600 hrs
Suot ang uniform ng kompanyang mag-aayos sa sira sa dating bahay ng pamilya nina Maxine ay seryosong naglalakad sina Marcus at ang dalaga papunta sa isang L300 kung saan nakasakay ang mga kasamahan nila.
Nakangiting binati sila ng mga ito ng makalapit na sila, wala ang mga ito kaide-ideya sa gagawin nilang dalawa dahil ang alam lang ng mga ito ay part timer lang sila.
Ngumiti din sila pareho at bumati sa mga ito.
Nang nakapwesto na pareho sina Marcus at Maxine ay umandar na ang sasakyan. Nagkanya-kanya nang kwentuhan ang mga kasamahan ng dalawa at sila naman ay tahimik lang habang nakamasid lang sa mga ito.
Mahigit kalahating oras din silang nagbyahe bago makarating sa destinasyon nila.
Nang makarating na sila ay agad silang lahat nagsibaba para maumpisahan na ang trabaho.
Kanya-kanyang pwesto at trabaho silang lahat buti na lang inassign sila Maxine at Marcus ng supervisor nila na magkasama.
"So saan tayo mag-uumpisa?" Tanong ng dalaga kay Marcus dahil ito naman ang nagplano nito kaya mas ito ang nakakaalam kung saan-saan sila mag-uumpisa..
"Puntahan mo ang sinasabing mong lugar kung saan may posibelidad na naitago ng Papa mo ang mga ebidensya." Sagot naman ni Marcus na pabulong dahil baka may makarinig sa kanila.
"Teka lang paano nga pala ang mga CCTV?" Agad na tanong ni Maxine habang pasimpleng tinuturo ang mga CCTV na nakakabit sa paligid.
"Don't worry okay na ang mga CCTV – hindi na yan nagrerecord."
"Are you sure?" Nakataas ang isang kilay na paninigurado ng dalaga.
"Maxine ang lahat ay naiplano ko na tungkol dito sa paghahanap natin kaya don't worry na bypass na ng mga kaibigan ko ang mga CCTVs." Paninigurong sagot naman ni Marcus.
Napatango-tango na lang si Maxine. "Okay, pupunta na ako doon sa taas." Ani Maxine saka mabilis na siyang humiwalay kay Marcus para pumunta sa lugar kung saan niya titingnan kung tama nga ang kanyang kutob na pwedeng doon tinago ng Papa niya ang mga ebedinsyang hinahanap nila.
Actually hindi naman talaga siya sigurado kung doon pero parang may something kasi na nararamdaman siya na parang tumutulak sa kanya na doon maghanap.
Malikot ang mga mata niya habang naglalakad papuntang taas. Nicheck muna niya kung nasa paligid ang may-ari ng bahay para makapagtago siya kung sakali. Nang masiguro niyang wala naman ay mabilis ang kanyang mga hakbang papunta sa isang silid.
Nang makarating na siya sa silid na pakay ay nagmasid muna siya sa kanan at kaliwa para masiguro ulit na walang tao na makakakita sa kanya at nang wala naman ay mabilis na siyang pumasok sa loob.
Dating lagayan ito ng Papa niya noon ng mga libro at madalas din siya ditong nakatambay dahil hilig din niya ang pagbabasa ng libro noon – pero ngayon ibang-iba na ito sa dating itsura nito – isa na itong parang bodega dahil may mga nakatambak na mga lumang kagamutan – tulad ng mga laruan na sira, pinaglumaan na mga gamit, mga tupperwares at kung ano-ano pang mga lumang gamit.
Hindi naman ganon kalakihan itong silid pero hindi alam ng dalaga kung paano niya uumpisahan ang paghahanap lalo na't halos mapuno ng ang silid ng mga lumang gamit.
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa mga dingding, naghahanap siya ng something sa dinding na baka may hidden storage sa wall pero hindi sapat na ang mata lang niya ang ipanghanap niya dahil kailangan pakiramdaman din niya kung may kakaiba ba sa dingding kaya naman lumapit pa siya dito at marahan na kinapakapa ang bawat sulok.
BINABASA MO ANG
Agent Z: 72 HOURS (COMPLETED)
ActionSa loob ng 72 hours ay kailangan mahanap ni Maxine o mas kilalang sa codename na AGENT Z si Marcus at mailigtas ito sa kamay ng mag kidnapper. Pero ang hindi niya alam ay ang paghahanap niya iyon ay ang magiging daan patungo sa pagkakadiskubre...