Janine's POV
After ng ilang araw na palihim akong nagbabantay at pasulyap sulyap kay race, confused pa rin ako. Sa totoo lang, sinasabihan na ako na tanga at bobo at kung ano ano pa ng bestfriend ni race na si Cyanel, di ko alam kung nagiging mean lang ba talaga siya o concern siya sakin o both. ganun na rin sila Gray, Narsas at Chase na parang itinutulak ako papalapit kay race.
At si race naman? Wala. Minsan pinapansin niya ako pero madalas hindi. Mukhang kinikeep niya talaga ang promise niya sakin, and that makes me really sad. Damn. Im on my way to my favorite restaurant para kumain don, bigla kasi akong nag crave sa mga specialty nila don. I wear just a skinny shirt and jeans paired with may white adidas. I want to be simple as much as possible.
Wala sila mama kaya umalis na ako at sinira ang pintuan. Dahil wala akong sasakyan nag grab na lang ako, after a few minutes nakarating na rin ako sa fave resto ko. Nasa pintuan pa lang ako resto amoy ko na agad ang masarap na pagkain nila, at mas lalo akong natakam. Naghanap agad ako ng pwesto ko, nakakita ako ng pwesto sa may dulo as usual puno na naman kasi ang resto. Nagmadali akong umupo dun dahil baka biglang may umagaw pa.
Pagkaupo ko sakto naman na may umupo rin sa kabilang side ng table ko. Ako ang nauna rito ah? Nag angat ako ng tingin at isang magandang babae ang nasa harapan ko at nakangiti. I awkwardly smile, bat ngumingiti to? I mean, iba kasi ang ngiti niya.
"Sorry pero wala na kasing ibang upuan at nakita kong ikaw lang naman yata? Ikaw lang ba?" tuloy tuloy na sabi niya sakin. Medyo nagulat ako dahil ang ganda ng boses niya, babaeng babae.
"Ah, oo ako lang naman. Pwede kang maupo dyan," nakangiti ko ring sabi. Ngumiti rin siya sakin. Maya maya umorder na rin kami pareho at nakakagulat na pareho kami ng inorder,
"Paborito mo rin ba to?" tanong niya.
"Oo eh, eto talaga binabalik balikan ko rito." sabi ko. Nag simula na kaming kumain, daaaaamn. ang sarap talaga ng ramen nila! Susubo na sana ulit ako ng makita ko siyang nakatingin sakin at mukhang di pa nakakasubo sa pagkain niya, na awkwardan naman ako.
"Oh sorry. You are just.. so beautiful. Kahit kumakain ka," nakangiti niyang sabi. Bigla akong kinilabutan, nabitawan ko yung chopsticks ko. Iba to, ibang kilabot ang naramdaman ko. Parang may something sa kanya na hindi maganda.
"Are you okay?" tanong niya, lalapit sana siya sakin pero umatras ako. Halos mabaliktad ako sa upuan ako nung pagkaatras ko. Bakit ganito? Parang .. iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng to.
"Sorry, i think I scared you." sabi niya, nakatingin lang ako sa kanya halata naman sa mukha niya ang pag aalala, tumingi siya sa paligid sabay ngumiti ng pagpasenya, "Lilipat na lang ako. sorry I scared you, although wala naman akong ginagawa. Sorry," at umalis na siya.
Hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang sa kanya. Weird, ngayon lang ako nakaramdam ng ganon sa isang tao. Parang pakiramdam ko, may halimaw sa loob niya na ewan. Binaliwala ko na lang yon tsaka kumain na lang ulit.
Natapos na akong kumain at nakaalis na rin ako sa resto pero nasa isip ko pa rin yung babaeng yun. Sino ba yon? Bakit ganun na lang yung naramdaman ko sa kanya? Aish! Naglakad na ako pauwi ng bahay, wala akong balak maggala pa dahil nawala ako bigla sa mood dahil sa babaeng yon.
BINABASA MO ANG
I just wanna be with you
General FictionIm Glisten Race Kent. The only daughter of Summer Rain Canda and Snow Grace Kent. I have a twin brother named John Lelouch Kent. Im a happy go lucky girl. I have everything I want. Because of course, our parents is rich. But there's one thing I can...