Janine's POV
Naka discharged na si race kanina. And now, andito na kami sa school sa conference room kasama ang Shinji at ang mga parents ni snow. Lahat sila nakaupo sa mahaba at bilog na lamesa, kanina pa sila andito pero walang nagsasalita sa kanila at parang nagtitimbangan sila ng sasabihin.
Puno ng tensyon ang kwarto, sa totoo lang ayoko talaga ng mga ganitong eksena and hinding hindi ko naimagine na mapupunta ako sa ganitong ka intense na sitwasyon, never in my life jusme! Para akong kakapusin ng hininga. Sa tingin ko, mga sampun g minuto na ang nakalilipas at wala pa rin silang sinasabi sa isa't isa.
Tumingin ako sa mga Kent, as usual, kalmado naman sila. Kalmado pero seryoso at mararamdaman mo talagang konting pagkakamali ng mga sasabihin mo sa kanila, mayayari ka. Aish, may ganyan pala talagang side sila ninang noh? Sa pagkakaalam ko, si ninang snow talaga ang ganito dahil sa mga kwento ni mama jade noon nung mga bata pa sila.
To think na mukhang lalabas yung dating side ni ninang snow ngayong adult na sila. Geez, kahit wala ako sa kapanahunan nila mama jade na ganitong ka cold si ninag snow aba talagang masasabi kong mas intense ang aura niya ngayon. Si ninang summer naman, kilalang president ng school na to dati pa na may striktong aura mas naging strikto pa ngayon.
At si lelouch naman na tahimik lang din. Hays, parang pinagsamang ninang snow at ninang summer ang aura niya. Si race naman, kampante lang na nakaupo roon at patingin tingin lang sa paligid na parang clueless siya sa nangyayari. Argh, seriously? Si race lang ba ang kahit papaano approachable sa kanila ngayon? No wonder, walang imik ang shinji kanina pa.
"Ramdam din siguro ng shinji ang aura ng tatlong kent," bulong ni gray. Katabi ko si gray ngayon since kami ang pinaka malapit na witness andito rin kami. Kaso, hindi kami nakaupo sa may bilog na lamesa kung nasan ang mga kent at shinji, andito lang kami sa likuran nila na nakaupo. Ayoko rin naman maupo dun jusko, dito pa nga lang ako likuran mauubos na hininga ko pano pa kaya kapag doon ako naupo? Baka mahimatay na lang ako bigla!
"O-oo nga eh. Sobrang nakakatakot ang presence dito sa kwartong to," bulong ko pabalik. Tumango naman siya.
"Kaya siguro wala silang imik," tukoy niya sa mga shinji. "Di ko na kakayanin tong tensyon na to, asan na ba ang lawyer ng mga kent? 10 minutes na silang late. Geez,"
"Hirap na nga ako huminga eh. Pucha na yan," hays.
"So.." napatingin kaming lahat kay race na mukhang siya lang talaga ang hindi tensyonado sa lahat ng tao na andito. "Since late yung lawyer namin, pasensya na po kayo." mas nagulat pa kami ng tumayo siya at yumuko sa mga shinji. Damn, this girl really is something.
"C'mon fam, cheer up!" sabi niya na nakaharap sa parents niya at sa kuya niya. "Im aware na hindi ako pwedeng magsalita hanggat wala pa dito yung lawyer natin but, the tension in this room is .. really not pleasant." sabi niya. Napansin niya rin pala.
"Race, sit down." sabi ni lelouch pero nginitian lang siya ni race. "Sorry kuya, pero you know me, ayoko ng mga ganitong aura. Nakakatakot, it really scared the hell out of me." parang bata na sabi niya sabay naupo at nagalumbaba, I smiled. Para talaga siyang bata madalas :)
BINABASA MO ANG
I just wanna be with you
General FictionIm Glisten Race Kent. The only daughter of Summer Rain Canda and Snow Grace Kent. I have a twin brother named John Lelouch Kent. Im a happy go lucky girl. I have everything I want. Because of course, our parents is rich. But there's one thing I can...