Chapter 36: Preparing

3.3K 103 9
                                    

Race's POV

"Ano babe? Kaya mo pa ba?"

"Kayaaaaaaa!"

Natatawa akong pinagmamasdan ang girlfriend ko, tinry namin ang soju bomb na gusto niyang tikman. Kaso hindi na tikim ang nangyari, halos nakailang bote na kami. Well, siya lang kasi binabantayan ko siya.

"Taraaaa na baby!" natawa na ako sa sinabi niya. She's so adorable! Lasing na lasing na siya, sinisinok na siya at namumula na.

"Let's go home baby." binuhat ko na siya habang siya naman wala ng palag. Para siyang nakalutang sa hangin sa sobrang kalasingan niya.

I bet ngayon lang siya naglasing ng ganito. Kahit pa, panay ang pag babar niya noon. Ngayon ko lang kasi siya nakitanh wasted na wasted. Hahaha.

Yari ako nito kila ninang. San kita ngayon iuuwi?

Sinakay ko na siya agad sa backseat at inihiga siya doon. Buti na lang may unan ako don, nakasuka naman na siya kanina kaya siguro naman di na siya susuka sa sasakyan ko. Huhu wag naman sana.

Umalis na kami sa korean bar na pinuntahan namin. Nag dri-drive ako habang natutulog na yung lasing na girlfriend ko sa loob. Hahaha.

Medyo nakalayo na kami ng bigla siyang bumangon. Nakikita ko siya sa rear view mirror at natatawa ako sa itsura niya. Gulo gulo yung buhok niya, papikit pikit pa siya na para siyang batang nawawala. Hahaha.

Tahimik lang ako na pinapakiramdaman siya. Nakatutok pa rin ako sa daan. Masagasaan pa kami kapag sa kanya lang ako nakafocus hahaha.

Saglit akong napatingin sa rear view mirror ko ng makita ko siyang naghuhubad na ng bra niya. Napatigil ako bigla at napatingin sa gawi niya.

"Babe! What are you doing?"

"Alis. Eh mainit."

Huh? Hindi ko maintindihan sinabi niya. Magtatanong pa sana ako ng nahubad niya na ang bra niya. Nanlaki ang mata ko na nakatingin sa katawan niya ngayon, mygod!

Tinapik tapik ko ang mukha ko at humarap ulit sa daan. Dun ko lang napansin na nasa gitna pala kami ng daan, buti na lang walang sasakyan na dumadaan sa highway na to. Tinabi ko na muna sa gilid sasakyan ko at bumaba. Binuksan ko ang pintuan sa gawi niya at pumikit na kinover ko ang damit niya kanina.

Jusko po janine!

"Iba pala malasing to. Naghuhubad jusko."

Namumulang naupo ulit ako sa driver's seat. Tangina, tangina talaga. Sorry God pero aish! HINDI MAALIS SA ISIP KO YUNG DIBDIB NIYA!

Kinalma ko na muna yung sarili ko. Nag mamake out kami oo, pero hindi naman sa punto na nahawakan o nakita ko na yung nakatago niyang mga bundok! Jusmiyo!

Nung kumalma na ako tsaka ako nag drive ulit. This time medyo binilisan ko na yung patakbo ko para makarating agad kami sa bahay nila.

Bahala na mapagalitan nila ninang basta ba makauwi kami agad. Baka kung ano pa maihubad nito jusme. MAGKASALA PA AKO.

Maya maya pa nakarating na ako sa bahay nila. Nag doorbell na muna ako, ilang minuto lang lumabas na si ninang sam. Ngumiti ako sa kanya ng alanganin at siya naman eh nagtaka.

"Si janine ba andyan?" sabi niya sakin habang nakaturo sa sasakyan ko. Tumango naman ako.

"Oh bakit hindi pa lumalabas?" lumapit na si ninang sa sasakyan ko at dahan dahan na binuksan ito. Nasa likuran niya lang ako na kinakabahan.

"Ay jusmiyo! Bakit nakahubad to? Amoy alak pa!" masama na tumingin sakin si ninang, ngumiti lang ako ng alanganin sa kanya.

"Sorry ninang, gusto niya daw po kasi mag soju bomb." sabi ko naman. Napailing na lang siya at pumasok sa loob. Mukhang bibihisan si janine.

I just wanna be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon