Chapter 56: The Power of Kent

2.1K 70 7
                                    

Race's POV 


Masama ang timpla na pumasok ako sa kwarto ko. Nakahiga dun si janine na napabangon ng makita na masama ang timpla ko, agad na bumangon si janine sa kama. Nilapitan ko naman din siya agad, at binigay yung papel na binigay sakin ni kuya. 



"Ano to babe?" pagtataka niya. Binasa niya ito. "Ah, eto na ba yung files na tungkol kay kei?" tanong niya pa habang binabasa yung files. "T..teka, a-ano to?" nag iba ang ekspresyon niya ng mabasa ang nasa dulong papel. 



"Ginawa ng lola mo na maging fiance mo si kei ng takeshima group. Ma babankrupt na ang takeshima group, para maisalba ang kumpanya kailangan nilang kumapit sa isang malaking kumpanya pa. Ang Takeshima Group at ang Kent Group of Companies ay matinding hidwaan noon noon pa. Kaya wala silang choice kundi kumapit sa isa pang malaking kumpanya," sabi ko. 



"At kumpanya yun ng lola ko, diba?" naiiyak na sabi niya. "Bakit pa kasi kailangan na makialam siya sa buhay ko? Lola ko siya oo, pero wala pa rin siyang karapatan gawin to sakin dahil apo niya lang ako!" tuluyan ng naiyak si janine. Wala na akong nagawa pa kundi yakapin siya. 



Diko na rin alam ang gagawin ko. Mukhang di talaga titigil ang lola ni janine na magkatuluyan kami. Pero, di rin naman ako papayag na humadlang pa siya samin. 



"Don't worry babe. Im gonna do anything, in my power, para mapigilan ang engagement party niyo." sa nakuha kasi naming files, may nakatakda ng engagement party ang lola ni janine sa ikalawang linggo ng december. 



November pa lang ngayon at marami pa kaming oras at araw para makaisip ng paraan. "Ano pa at naging isa akong Kent, ang pinaka makapangyarihang pamilya sa bansa kung etong problema natin ay diko masosolusyunan. Gagawin ko lahat mahal, in my power na pagiging Kent. Matigil lang ang engagement na yan." seryoso na sabi ko. 



Diko ugaling gamitin ang pagiging Kent ko sa lahat ng bagay. Minsan nga, tinatago ko pa na isa akong kent sa iba para lang tratuhin nila ako ng normal. Pero ngayon, hindi na. Gagamitin ko lahat ng koneksyon na meron ako o kami ng buong pamilya ko. Matigil lang itong kalokohan na to. 



"B-babe, k-kailangan kong matawagan sila mommy. Ah hindi, uuwi ako. Sasabihin ko sa kanila." umiiyak na sabi niya pa rin. "Sige mahal, tayong dalawa ang magsasabi." 



Nag bihis lang kami at pinalitan ang suot namin na pambahay tsaka kami umalis ng kwarto. Pagbaba namin sa sala, nakita namin sila mommy at mama na nanonood ng movie. Nakita nila kami, 



"Oh anak, janine, tara nood tayo rito." aya ni mommy snow. Nag iba ang timla ng mukha ni mommy ng makita na parang umiyak si janine. Napayuko naman si janine. 



"May problema ba?" tanong nila mommy at mama. Ngumiti lang ako sa kanila, "Later mom." sabi ko na lang at umalis na kami. 

I just wanna be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon