Glisten's POV
Masayang papunta ako ngayon sa school. Diko makalimutan yung gabi na nahalikan ko ng ilang beses si janine. 4 na araw nang nakakalipas, at 4 na araw na din akong di makatulog ng maayos. Diko talaga akalain na makakaisa ako ng halik kay janine. Di lang pala isa, marami pala. Sht, and up until now, kinikilig pa rin ako. Daaaaamn.
Dadaan ako ngayon sa bahay nila. Sa loob ng 4 na araw, pabalik balik ako sa bahay nila syempre nililigawan ko pa rin siya. Medyo ramdam ko na, na medyo ilag o awkward siya sakin nang dahil nga sa nangyari pero diko naman pinagsisisihan. Isang linggo na lang kasi, matatapos na ang deal namin. At baka diko na magawa pa yun kahit kailan.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila, nakita ko siya na kausap si lucas. Ang ka teammate ko. Diko mapigilan makaramdam ng sakit, hays. Akala ko nung una, this past few days nagiging okay na kami nararamdaman ko na parang nagkakagusto na rin siya sakin dahil sa mga ikinikilos niya. Pero siguro nga, nag assume na naman ako. Hindi siya kahit kailan magkakagusto sakin, sa kapwa niya babae, dahil straight siya at sa lalaki talaga siya nararapat. Hays.
Walang gana na naglakad na lang ako papuntang school, hays. Gusto ko siya kunin at ilayo kay lucas, gusto ko siya angkinin na sakin lang siya at wala ng ibang karapatan ang ibang lalaki sa kanya. Pero wala eh, hindi naman kami. Ni hindi nga kami magkaibigan eh, wala akong karapatan. Hanggang tingin a lang talaga ako sa kanya, I guess eto lang talaga ako sa buhay niya. Taga hanga.
Nakayukong naglalakad ako ng may magandang kotse na tumambad sakin. Tiningnan ko ito ng may pagtataka at nakita ko si glarz na nakangiti na lumabas mula sa sasakyan. Sasaktan niya pala to. Ngumiti ako sa kanya at kumaway, ganun din ang ginawa niya sakin at sumenyas na pumasok sa loob ng kotse niya. Dahil wala na rin ako sa mood maglakad dahil sa nakita ko, sumakay na rin ako sa kotse niya.
"Hi race," humalik sa pisngi ko sa glarz pagkapasok ko sa sasakyan niya. Sanay na ako ganyan talaga siya noon pa.
"Hello glarz," niyakap ko naman siya.
"Going to school?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Napansin ko na naoakunot noo siya, "Bakit parang malungkot ka yata?"
"W-wala naman. Tara na, ihahatid mo ba ako?" parang bata na tanong ko. Ngumiti na lang siya at tumango. Mabuti naman at hindi na siya nagtanong pa, baka kasi maiyak na lang ako bigla. I now, im such a gay. Hays.
Ilang minuto lang naging byahe namin sa school ko. Sa ibang school siya napasok kaya hinatid niya lang ako hanggang gate. "Thank you glarz," pagpapasalamat ko sa kanya. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko ng bigla niya akong niyakap. Hindi na ako nakatanggi dahil mukhang kailangan ko naman talaga ng yakap ngayon. Isa to sa mga nagustuhan ko kay glarz noon, kahit hindi mo sabihin, alam na niya ang kailangan mo.
"I know you needed that, I saw janine and some guy earlier. It looks like theyre having fun." sabi niya. Di ko mapigilan na isiksik ang mukha ko sa leeg niya at yumakap pa sa kanya ng mahigpit, "Im always here for you race. Always." narinig ko pang sabi niya. Npatango na lang ako at bumitaw na ng yakap sa kanya. Nginitian ko siya at tinapik sa pisngi, "Thank you," I bid goodbye to her and wave my hands as she go.
Papasok na ako sa gate ng makita ko si janine na masamang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at nauna nang pumasok. Naramdaman ko naman na sumunod siya sakin.
"Wait race," narinig kong tawag niya sakin. Balak ko sanang iignore na lang siya kaso hays, di ko kaya. Kaya ang taksil na ako, lumingon pa rin sa kanya.
"Hey," nakangiti kong bati sa kanya. Kapag kaharap ko siya, diko talaga mapigilan mapangiti. Hindi ako nagiging plastik.
"Si glarzen ba kasama mo kanina?" mahinang tanong niya. Napakunot noo naman ako, pano naman niya nalaman? "Ahm, oo siya nga kasama ko." sabi ko.
Bahagya naman siyang napasimnagot pero nakakunot noo na naman. Nagsusungit na naman siya pero ang ganda pa rin niya. Hays. "Napapa araw araw na yata pagsasama ninyo?" masungit na tanong niya.
"Hindi naman, sinabay niya lang ako papasok." sabi ko. Naglakad na ako papasok pa sa school, sumabay naman siya sakin.
"Hinintay kita sa bahay kanina, bakit dika dumaan?" sabi niya. Napahinto ako. Ano daw?
"Ano?" sabi ko. "Hays, sabi ko hinintay kita sa bahay kanina. Bakit di ka dumaan?" pag uulit niya. Hinihintay niya ako pero sumabay siya kay lucas? Ts.
"Nakita ko kasi na may kasabay ka na." sabi ko naman. Naglakad na rin ako daretso at kasabay ko pa rin siya. "Ah si lucas? Dumaan lang siya talaga kanina para nga ihatid ako, kaso tumanggi ako kasi alam kong dadaan ka sa bahay. Kaso nakita ko na lumagpas ka na sa bahay, sinundan kita at nakita ko na sumakay ka sa kotse nung glarzen na yun kaya no choice nagpahatid na lang ako kay lucas." mahaba niyang sabi. Napatingin ako sa kanya, nakayuko siya at parang nahihiya sa sinabi niya. Diko na talaga mapigilan mapangiti.
Inakbayan ko siya at nagulat naman siya. "Sorry, akala ko kasi di mo na ako kailangan kasi andun na si lucas eh." sabi ko naman, and now its my turn na mahiya. Narinig ko naman siyang natawa, "Selosa," narinig kong sabi niya at umiwas na siya sa pagkakaakbay ko. Nauuna na siyang maglakad ngayon.
"Sa susunod dumaan ka na uli sa bahay ha? Hindi ako sasabay iba, sayo lang." sabi niya at ngumiti. Yung totoong ngiti na talagang gusto ko sa kanya. Yung ngiti na ikina-inlove ko lalo sa kanya.
Ang bakla man pero talagang kinilig ako sa sinabi niya. Feeling ko inaangkin niya ako. Chos. Hahaha.
---
Janine's POV
Nakangiti na nauna na ako kay race na pumasok sa classroom. Pagpasok ko umupo agad ako sa pwesto ko, na katabi ng pwesto ni race. Napatingin ako kay cyanel na ngumiti naman sakin at si chase. Masasabi kong nagkakasundo na rin kaming tatlo. Maya maya lang dumating na rin si race, yumakap siya sa mga kaibigan niya at naupo na rin.
"Aba aba, magkasabay yata kayo? At mukhang pareho kayong nasa good mood ah? May nangyari ba na di namin alam?" tanong ni cyanel. Halata sa boses niya ang pagtutukso. Napailing na lang ako.
"Wala naman, masama na ba maging masaya?" sabi naman ni race.
"Wala lang, para kasing kakaiba kayo ngayon eh." sabi naman ni chase na may mapang asar na tingin samin na dalawa.
Wala naman talagang nangyari samin, except dun sa k-kiss. Hays. Di talaga mawala sa isip ko yun. Di ako nakatulog ng halos 4 na araw, at talagang naging ilag ako sa kanya kahit napunta siya sa bahay nun. Kasi naman, jusko first time ko mahalikan. Mahalikan ng isang babae, nang kapwa ko babae!
Pero kahit ganon, di naman ako nagsisisi. Ewan ko pero parang .. parang nagustuhan ko rin. Yata? Hay ewan! Nagtataka na talaga ako sa sarili ko, naiinis ako kapag di ako kinukulit ni race. Naiinis ako kapag di ko siya nakikita sa isang araw. Naiinis ako kapag di niya ako kinakauap, mapa text man, chat o call. Nababaliw na yata ako.
Nababaliw na yata ako sa kanya.
--
A/N: Sorry guys, late update. But I will try magka update kahit once o twice a week. Thank you!
![](https://img.wattpad.com/cover/137254849-288-k540081.jpg)
BINABASA MO ANG
I just wanna be with you
Genel KurguIm Glisten Race Kent. The only daughter of Summer Rain Canda and Snow Grace Kent. I have a twin brother named John Lelouch Kent. Im a happy go lucky girl. I have everything I want. Because of course, our parents is rich. But there's one thing I can...