Chapter 26: Hela Shinji

3.8K 90 0
                                    

A/N: Mesyo mahaba to pero basahin niyo. Hindi niyo maiintindihan ang mga susunod na chapter kapag di niyo binasa ng hanggang dulo. Happy reading!

---

Janine's POV


Tinanghali ako ng gising ngayong sabado dahil anong oras na kami nakauwi galing UH kahapon. Sobra kaming nagenjoy at talagang sinulit namin dahil tapos na ang exam namin at wala pang pasok dahil weekends. Hahaha.

Napagpasyahan din namin magpahinga ngayong sabado dahil pagod kami this week. Sinabi ko na rin kay race na magbawi siya ng tulog and she said yes pero pupunta pa rin daw siya sa bahay mamayang hapon.

Natatawa nga ako eh, hindi talaga siya mapakali ng hindi ako nakakasama o nakikita. She's so sweet. I messaged her kanina when I woke up to greet her good morning and she did too. Kanina pa kami magka chat, and its 2pm na. Mamaya daw mga 5pm siya pupunta pag alis ng bisita nila.

And yeah, they have visitors kaya di niya ako machachat o macocontact. Its their future business partner, and they having a late lunch sa mga Kent.

Hm, ano kayang pwedeng gawin? I searched all over my room para makapag isip ng gagawin but then I feel like my room is empty. I can't think of anything I want to do. Tumayo na lang ako at napagpasyahan kong bumaba.

Wala sila mom dito, dumalaw sila kila lola. Dapat sasama ako kaso nga tulog pa ako nun kaya sila sila na lang nakapunta, next time na lang ako dadalaw kila lola. Namimiss ko na rin naman sila. Umupo na lang ako sa sala and nanood ng tv.

That's when I saw a commercial about noodles. Argh, I love some ramen now. Wait, yeah! I can have ramen! Napangiti ako at dali daling naligo. After ko maligo nagbihis lang ako ng jeans and sando, then grab my purse and check my wallet. Yes, I still have money! Di pa ako binibigyan nila mom ng allowance eh.

I messaged race and my moms that im going out to grab some ramen sa favorite restaurant ko. Lumabas na ako ng bahay and siniguro na nilock ang gate at pintuan ng bahay namin. Mahirap na, baka manakawan kami naku.

Nag grab na lang ako papuntang resto. After a few minutes, nakarating na rin ako. Wala masyadong tao sa tanghali kaya nakakuha agad ako ng mauupuan, and as usual sa favorite spot ako naupo. Sa may malapit sa window na natatanaw ang tanawin.

Umorder na rin ako ng fave kong ramen, and naghihintay na lang ako na dumating yon. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, maganda naman ang view. Puro building sa bandang malayo at puro highway at bahay ang makikita mo pero magagandang bahay naman.


Malapit lang bahay namin dito actually, mga 15 minutes to 25 minutes drive lang. Nakikita ko pa nga ang subdivision namin mula dito eh. Hmm, now that I think about it. Naalala ko yung sinabi ni rohui one time. Wag daw ako pumunta dito, lalo na kapag walang kasama. Sobrang weird talaga ng babaeng yon.

But to be honest, simula nung sinabi niya yon, mga mag two weeks na simula nung sinabi niya yon and hindi ako pumunta rito for over the past two weeks. Pero ngayon, nag crave talaga ako ng sobra sa fave ko kaya diko mapigilan.

Bakit naman kasi kailangan kong sundin sinabi niya? Hay nako. Nababaliw na ako.

Maya maya lang dumating na rin ang order ko. Excited akong kumain. Hmm, grabe namiss ko yung lasa! Geez. I love this!

After ilang minutes, natapos na rin akong kumain. Nabusog naman ako agad and im hundred percent full and satisfied na! Yey! Bago ako tumayo sa kinauupuan ko, chineck ko muna ang phone ko baka may message si race sakin. I smiled ng meron nga siyang message.

I just wanna be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon