10.Their First day

9 1 0
                                    

C H A P T E R 10

*BLAKE(POV)

-MONDAY-

naka bihis na kaming lahat at ready to go na kami nang mapa daan sila icy at cathie sa harap namin.

"Sabay na kami sa inyo pumasok"---Nathan

"Huh? Eh!"--sabi ni cathie at nag tinginan sila ni icy na parang nag kaintindihan silang dalawa.

"Wag na,mauna na kayo may da-daanan pa kami hihi"--Cathie.

"Ang ganun ba, sayang naman excited pa naman kami na makasabay kayo sa firstday of school namin"--naka-ngusong sabi ni Thunder.

"Hihi sorry talaga guys next time na lang bye"---at hinila niya na si icy palabas kaya naiwan kami dito sa loob.

"Ano guys tara na?"--Xyril

"YES! LETS GO!"--yung kambal haha sabay talaga at always hyper.
Si nathan ang nagda-drive,iisa lang ang sinakyan namin at yung sports car ng kambal ang gamit namin para wala ng hasle ang magaganap papuntang Clifford. Mga ilang segundo nakarating na kaming ligtas sa university eh ang bilis kasi magdrive yang si nathan parang lilipad kana huhuhu at lumabas na kami ng sasakyan na hilong-hilo na.

"Grave ka nathan,wala kang pinag bago akala ko mamatay na tayo huhuh"--Storm

"Nahihilo ako kambal at parang nasusuka *cough"--Thunder

"Oy Lumayo ka nga baka masukahan mo ako eh"---Storm.
kaming dalawa ni Xyril,chill chill lang sanay na kami eh, si nathan naman ayun tawang -tawa sa reaction ng kambal kasi dipa sila nasanay kawawa naman.

"Hoy! Focus kayo,malapit na tayo sa gate,malayo palang marami ng magaganda YES!!"---nathan, kaya nag si ayos na yung dalawang kambal at kami rin.

"Wahhhhh Hala ang ga-gwafu nila kyahhh"

"Omg trasfere ba sila?"

"Huhuhu Heaven,ang Yummy mga bess"

"Ang gwapo nung naka red hair kaso mukhang suplado pero bet ko yan hihihi"

"Ang tanung bet karin ba niya haha"

"Haha ako crush ko yung kambal yata? Magkamukha eh, pero magkaiba sila ng hair color,black and gray, nice combination"

"Mas gwapo yung blue hair,para siyang si kuroku pero di siya pandak"

"Mas bet ko yung blond hair, Parang napaka friendly at masayahin siya,Oh tignan mo naka ngiti at kumakaway pa siya satin kyahhhh"

"Marry me! Naka blond hair, Why so gwapo?"

"Wahhhh be mine, kuroku new version"

"OMG ANG COOL MO NAKA RED HAIR, ANAKAN MUNA AKO NOW NA!"

"HAHAHAHA"---Tawa naming Apat ni nathan ,Thunder ,Storm at ako sa huling sigaw ng babae sa kanya hahaha desperada talaga non.

"Tssk in her dreams"--Xyril at madami pang mga babaeng nag titili samin pero wala kaming pinansin except kay nathan ang daming babaeng kina kawayan niya at hindi na ako katulad niya na playboy gaya ng dati pero ngayun nag bago na dahil iyon kay cathie.

"Bro!punta muna tayo sa principal's office"---sabi ko sa kanila at nagtuloy na kami sa office.
*Knock *knock
"Come in"---sabi ng pamilyar na boses at pumasok na kami sa loob.

"Cathie! Icy!?"---sabay naming sabi nang makita namin sina icy at cathie sa loob ng principal's office na prenteng naka upo sa sofa.Tinignan lang kami nilang dalawa at saka sila nagkatinginan at tumingin ulit samin.

"Cathie pati dito sa school nag di-disguise kapa rin sa nerdy look mo"---sabi ni nathan kay cathie na ang itsura ngayon ay katulad dati sa mall na manang yung damit at may malaking sunglasses.

"Clifford University"-(Quadruplets Story-UNDER EDITING)Where stories live. Discover now