Chapter 12: Smooth

2.9K 90 1
                                    

Hindi maiwasan ni Shannon ang mag-alala kay Genesis matapos iannounce ng ama nito ang tungkol sa kasal nila. Nagkaroon kasi ng engagement party para sa kanila ni Genesis at mula kanina ay tahimik lang ito sa tabi niya habang ang ibang imbitado ay binabati sila. Ngiti at tango lang ang sagot ng lalaki samantalang siya ay nagpapasalamat sa nga ito.

Siguro hindi niya talaga ako gusto.

Sukat sa naiisip ay nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa dibdib. Kaya naman nanahimik na lamang siya at balak sanang tumayo sa kinauupuan nila ni Genesis ng magsalita ito.

"Are you ok? " Napabaling siya kay Genesis,  hindi siya sigurado kung siya ba ang tinatanong nito dahil nakatingin lang ito sa ilang mga bisita nilang nandoon.

"Ha? " Doon lang ito tumingin sa kanya at naramdaman niya ang pagkislot ng puso niya ng makita ang pag-aalala sa mga mata ni Genesis.

"Ok ka lang ba?  Do you want to go home? " Napatitig siya kay Genesis at hindi niya alam kung bakit parang bigla bumilis ang tibok ng kanyang puso pero may kung ano ring bigat ang nararamdaman niya.

"O-ok lang ako,  sandali lalabas lang ako. I'll just get a fresh air. " Mabilis siyang tumayo,  pero napapitlag siya ng hawakan siya nito sa kamay.

"Wait,  I'll go with you. " Tatayo na sana ito pero malumay na inagaw niya ang kamay mula kay Genesis at kitang-kita niya ang pagkunot noo nito.

"Wag na, kaya kong mag-isa. Hindi mo kaylangang pilitin ang sarili mong gawin ang bagay na hindi mo gusto. " Bago pa ito makapagreact  ay mabilis siyang umalis. Hindi rin alam ni Shannon kung bakit niya nasabi iyon, she just feel something pain inside her that wants to flow.

Dumiretso siya sa berada ng hotel na iyon at mahigpit siyang napahawak sa railing saka napabuga ng hangin.

"Ano bang nangyayari sakin? " Mahinang bulong niya sa sarili .

"Yes,  what happen in there Shannon? " Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Genesis, hindi niya inakala na sinundan pala siya nito. Pagkalingon niya ay nakita niya ang kaseryosohan sa mga mata nito at kagaya ng madalas na nangyayari ay naramdaman na naman niya ang pagkabog ng puso.

"Its nothing. " Mahinang saad niya,  hindi niya alam pero parang sinasakal ang puso niya sa  katotohanan na napipilitan lang si Genesis sa kasal na iyon.

"I don't believe you Shannon. Kaya sabihin mo, what is wrong? " Hindi na nakapag-isip si Shannon ng marinig ang tanong ni Genesis.

"Ikaw Genesis!  Anong problema mo?  Ano?! " Nakita niya kung pano kumunot ang noo nito at para bang nagulat sa pagbuburst out niya.

"I don't get it.  Ano ba talaga ang problema? " Kunot noo nitong tanong, alam niyang kaylangan na niyang ilabas iyon. 

"Ikaw!  Ikaw ang problema. Mula ng tumungtong tayo rito,ramdam ko kung pano ka napipilitan Genesis at alam mo kung anong nararamdaman ko? P-pakiramdam ko,  nauulit na naman.. Dadating na naman yung panahon k-kung saan iiwan mo rin ako,  kagaya ni Zandro, i-iiwan mo rin ako sa gitna ng altar.. " Pahina ng pahina ang boses niya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya at napatakip na lang ang mga kamay niya sa mukha niya.

True,  that was she really feel. Hindi alam ni Shannon kung bakit ganon ang takot niya na baka nga gawin iyon ni Genesis at alam ni Shannon sa oras na mangyari iyon ay hindi na niya alam ang magagawa niya sa sarili.

Napigil siya sa pag-iyak ng maramdaman alisin ni Genesis ang mga palad niya sa kanyang mukha,  naramdam niya ang pagkislot ng puso niya ng makita ang kakaibang pag-aalala sa mukha ni Genesis .

"I'm sorry Shannon. I'm just so overwhelmed,  but I'm so happy to be with you.  Totoo lahat ng sinabi ko sayo noon,  I really like you a lot, no I think I was falling to you. " Halos mapigil niya ang hininga dahil sa sinabi ni Genesis. " Sayo ko lang naramdaman lahat ng to,  ikaw lang ang nagpapataranta sakin ng ganto dahil sa pag-iyak mo at higit sa lahat ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng gantong kabilis ng puso ko. "

Napasinghap siya ng ilapat ni Genesis ang isang kamay niya sa dibdib nito at totoo nga napakabilis ng tibok ng puso nito.

"G-genesis.. "

"So don't be afraid, because I'm just here waiting for you to like me too, at kung pwede lang hayaan mo kong tulungan kang maghilom ang puso mo.  Let me help you to fix your heart Shannon,  kagaya ng pano mo napagbago ang tibok ng puso ko. " Pakiramdam ni Shannon ay tumalon palabas ang puso niya palabas ng kanyang dibdib at tumakbo iyon papunta kay Genesis.

She saw how he was so sincere about what he said,  kaya naman ng mga oras na iyon alam ni Shannon na naniniwala ang puso niya sa sinabi ni Genesis. Kaya naman hindi na napigilan ni Shannon ang sarili at niyakap niya si Genesis.

"Shannon. " Naramdaman niya natigilan ito dahil sa pagyakap niya.

"Please,  help me to fix  ." Naramdaman niyang ginantihan siya nito ng yakap.

"Don't worry sweety,  kahit hindi mo sabihin gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako. I love you Shannon.." Kaya naman ng mga oras na iyon pakiramdam ni Shannon ay   nagkaroon siya ng karamay at naging panatag siya sa mga bisig ni Genesis.

I promise,  matutunan din kitang mahalin Genesis..

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon