Chapter 16: Sweety

2.7K 64 2
                                    

Kapwa tahimik lang si Shannon at Genesis habang sakay ng limousine na ipinahiram ng mga magulang ni Genesis kasama ang family driver ng mga ito.

Hindi alam ni Shannon kung ano ba ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon,  kanina habang kasama nila ang mga magulang ay masaya naman si Genesis pero matapos nilang umalis sa reception ay kapansin-pansin ang kakaibang katahimikan nito.  Hawak nito ang kamay niya habang nakatanaw ito sa labas ng bintana at para bang may iniisip na kung ano, kaya naman hindi na nakatiis si Shannon at tinawag ang pangalan ng asawa.

"Genesis? "

"Hmm? " Lumingon naman ito . "Why sweety?  Do you need something? "

Napatitig siya sa mga mata nito,  hindi niya alam kung bakit kahit nakangiti ito ay may kakaiba siyang lungkot na nakikita dun and she feels a small pinch in her heart because of that.

"May gusto akong sabihin. " Saas niya,  mas humarap naman sa kanya ang asawa.

"Sure,  makikinig ako.. "  Nakangiting saad ni Genesis kaya naman mas lalong kinain ng guilt si Shannon.

"I saw Zandro..  " Mahinang saad niya ,ni hindi niya nga alam kung narinig ba siya ni Genesis pero nang makita niya na nawala ang mga ngiti nito ay sigurado siyang narinig iyon ng asawa kaya naman nagpatuloy si Shannon.  " Hindi ko alam kung pano niya nalaman kung nasan ako, basta nakita ko na lang siya sa harapan ng pinto ng silid ko and he hugged me and he wanted me back. "

Tinitigan niya ang asawa pero walang reaksyon ang mukha ni Genesis na lalong nagpakaba kay Shannon,  ayaw niyang magalit sa kanya si Genesis.

"Why did you tell me this? "

"Because you are my husband.. " Deretsang saad niya,  naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Genesis sa mga kamay niya at kahit hindi ito ngumiti ay nakita niya ang kakaibang kinang sa mga mata nito. "I can't hide it,  dahil nangako ako sayo at sa harapan ng Diyos na I will always say the truth to you Genesis.. "

Nagulat na lang si Shannon ng isubsob ni Genesis ang mukha sa balikat niya.

"Genesis?  Ok ka lang ba? " Hindi niya napigilan ang mag-alala ng hindi ito nagkumento kaya balak niya sanang alisin ang balikat pero natigilan siya ng magsalita ito.

"You didn't know how happy am I, sweety.. " Pagkaangat nito ng mukha ay rinig na rinig ni Shannon ang malakas na kabog ng puso niya ng makita ang mga ngiti nito.

"Hindi ka galit? " Nagtatakang tanong niya, matama siyang tinitigan ni Genesis na hindi naalis ang ngiti.  He touched her face at saka umiling.

"What would I?  After hearing what you said, pakiramdam ko mahal mo na ko.  Hindi mo pa ko mahal niyan pano pa kaya kung iniibig mo na ko..  I can't wait to feel it sweety.. " Hindi alam ni Shannon kung ano ang dapat maramdaman pero isa lang ang sigurado niya,  she was more than willing to fall in love to this man.

"Genesis.. "

"And you made me also felt guilty sweety.. "  

"Ha? " Bumababa na ang kamay nito sa mga kamay nilang magkahawak saka nito nilaro ang palad niya na para bang may isinusulat doon na bilog.

"I saw you and Zandro.. " Saad nito at saka bumaling sa kanya.

"Nakita mo kami? But why didn't you showed up? " Nagtatakang saad niya, nakita niya na nawala ang ngiti nito at napalitan iyon ng lungkot.

"I can't..  Ayokong makitang nahihirapan,  not because of me, and sorry,  but I'm afraid to see what you really feels about him. Alam ko mali,  but that time gusto kong sapakin siya pero naiisip ko baka dahil doon baka lalong hindi mo ko mahalin. " She felt a small pinches when she saw the pain in his eyes pero aminado si Shannon na para bang matutunaw din iyon ng dahil sa sinabi ni Genesis. 

"Kahit siguro mangyari iyon,  hindi ko kaya.. " Ngumiti si Shannon kay Genesis na ngayon ay titig na titig sa kanya.  " Hindi ko kayang hindi mahulog sayo Genesis. "

Nakita niya kung pano kumawala ang ngiti ni Genesis sa mga labi nito kaya naman hindi na rin niya mapigilan ang mas lumawak ang ngiti niya.

"Darn,  sweet sweety." Nakangiting saad ni Genesis,  hindi na kumibo si Shannon saka isinadal ang ulo kay Genesis na umayos na ng upo pero hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya pero kung kanina ay bilog lang ang isinusulat nito,  ngayon ay iba na kaya naman hindi mapigilan ng puso ni Shannon ang kiligin dahil sa paulit-ulit na iginuguhit doon ni Genesis.

'I love you'

Kaya naman sa mga oras na iyon pakiramdam ni Shannon,  ay may kung anong espasyo sa puso niya ang napunan ni Genesis.

Maybe this time..  I can be safe.. Safe to love you Genesis..

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon