Chapter 5: Worried

3.7K 85 1
                                    

Hindi talaga alam ni Shannon kung ano ang dapat na iakto matapos malaman na ang lalaki na halos isinumpa niya na hindi makatagpo ay siya pangtumulong sa kanya ngayon. Kaya naman talagang hindi siya nakaimik matapos sabihin ng lalaki ang pangalan nito sa kanya,  she doesn't know how could she tell to her parent that she was with the other man at ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang lalaking pinakaayaw niyang makilala si Genesis Caddison.

Kaya naman lumabas siya ng dining area na halos hindi makapaniwala,  mukhang hindi naman napansin iyon ng lalaki dahil nagpatuloy lang ito sa pagkain.

This can't be. Akala ko hindi kami magkikita pero bakit siya pa?

Ang ipinagtataka lang ni Shannon ay kung bakit parang walang alam ito, tungkol sa kanya o kahit sa arrangement na nangyari two years ago.

Nakita niya agad ang telepono na sinasabi ni Genesis sa sala at kinuha niya agad iyon,  walang kahirap-hirap na natawagan niya ang numero sa bahay nila dahil kabisa naman niya iyon.

"Hello?  Quintana's Residents  "

Nawala sandali niya ang tungkol kay Genesis ng marinig ang tinig ng ama niya. She wanted to cry pero pinigil niya ang sarili,   ngayon ay kaylangan niya munang iaasure sa mga magulang na ayos lang siya.

"Pa.. "

"Keen? Keen my princess?! Ikaw ba yan? Asan ka na anak?  Ok ka lang ba? " Gustong tumalon ng puso ni Shannon dahil sa narinig na pag-aalala sa boses ng papa niya kanya.

"P-pa,  I'm fine,  but I can't go home right now. " Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi para mapigilan ang pagpiyok.

"What?  Why?  Asan ka ba?  Alam kong iniisip mo lang kami ng mama mo but Its ok,  naayos ko na ang issue. Go home now princess."  Narinig niya ang paghihirap sa boses ng papa niya kaya naman parang gusto na ngang umuwi ni Shannon sa mga magulang pero hindi niya pa kaya dahil alam niyang mas lalo lang mag-aalala ang mga ito.

"Nasa bahay ako ng kaibigan ko,  safe ako dito pa kaya stop worrying. Kaya ko na po ng sarili ko basta ingatan niyo po ang sarili niyo,  kayo ni mama pa. " Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng ama niya, siguro ay narinig nito na determenado na siyang wag munang umuwi sa kanila.

"Kung ganon anong pangalan ng kaibigan mong iyan? " Napakagat-labi na naman siya,  hindi niya alam kung sasabihin ba dito na ang kasama niya ay ang isa sa mga lalaking napili nitong ipakasal sa kanya,  but she can't!

"Pa ano na pong nangyari sa company? " Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya at alam ni Shannon na nagtagumpay siyang iligaw ang usapan nila ng ama.

"Hindi ko alam anak,  Zandro's father back out to be our investor." Parang sinakal ang puso niya matapos marinig iyon mula sa ama.

"But I thought they signed the contacts? " Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng ama mula sa kabilang linya.

"The shared they give on us was for the back pay of our staff,  pero matutuloy lang ang pagmemerge ng company natin kung natuloy ang kasal . Tinulungan ako ng ama ni Zandro na bayaran ang utang natin sa bangko pero hindi sapat iyon , pero anak,  hindi mo na problema iyon.  Ang mahalaga sakin ay malamang ayos ka,  and I'm sorry for this princess. "  Tinatagan ni Shannon ang kalooban kung ganon sa dalawang taong inakala niyang magiging ayos ang lahat ay panandalian lang pala.  Talaga palang tuso ang mga negosyante lalo na ang ama ni Zandro, alam naman niyang hindi alam iyon ni Zandro dahil noong nasa relasyon silang dalawa ay madalas pa ito ang tumulung at magsuggest sa mga next plan nila para sa kompanya ng ama.

"Ayos lang po yun pa. Walang may gusto sa nangyari,  pero sa ngayon hayaan niyo muna po ako. I love you and mama "

" I love you princess, wag kang mag-alala magiging ayos din ang lahat anak. "

"I know pa.  I know.. "

Dahil sisiguraduhin ni Shannon na ang pinaghirapan ng kanyang ama ay hindi masasayang.

I'll do everything pa. I promise..
----
Matapos kumain ni Genesis ay nagpaalam na siya kay Shannon.

"Mag-iingat ka, ipaghahanda na lang kita mamaya para sa hapunan. " Natigilan si Genesis sa paglabas ng pinto at naramdaman na naman niya ang abnormal na pagtibok ng kanyang puso.  Kaya naman pinigil niya ang malingon kay Shannon, dahil alam ni Genesis na kanina pa siya may nilalabanan sa sarili.

"Don't force yourself to do anything. Lalo na sa bahay na to,  you can stay here at ako na ang bahala sa makakasama mo. So don't bothered about the house. " Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis na siyang lumabas ng hindi lumilingon at pagkasakay na pagkasakay niya sa sariling sasakyan ay saka lang niya nalaman na pinipigil niya pala ang hininga.

Kaya naman napabuga na lang siya ng hangin saka napabaling sa side mirror ng sasakyan at kagaya kanina ay naging malakas na naman ang kabog ng puso niya ng makita na nakatayo si Shannon sa labas ng pinto habang tinatanaw ang sasakyan niya na para ba ito ang asawa niya na naghahatid sa kanya.

Really?  What am I thinking ? Oh damn, what is wrong in my head?

Kaya naman naiiling na pinaandar na lang niya ang sasakyan papalabas ng gate ng bahay niya. He needs to divert his attention ,dahil kung hindi baka magawa na lang niya ang isang bagay na pwede niyang pagsisihan.

Pagkarating niya sa sariling kompanya ay isa-isa siyang binati ng mga ito. He go straight to his office saka niya ipinadala ang mga papeles na kaylangan niyang pirmahan pero ni wala pa ata siyang kalahating oras na nakaupo ay bigla na naman sumagi sa utak niya si Shannon.

What is she doing right now?  Ok lang naman siguro siyang mag-isa.

Muli ay itinuon niya ang atensyon sa mga papers niya pero nahinto na naman siya sa kalagitnaan ng pagpirma ng biglang maisip na naman si Shannon.

What if I leave her,  then she do something stupid?  Oh great!  She was broken hearted the I leave her?!

Sukat sa naalala ay napatayo na lang siya,  hindi niya alam kung bakit biglang tinambol ng kaba ang puso niya ng maisip na baka nga makaisip ng hindi maganda si Shannon at gumawa ito ng bagay na pwedeng magpahamak dito.

Damn!  Why did I leave her?!

"Carl,  cancelled all my meeting,kaylangan kong umuwi ngayon ng maaga. " Hindi niya nilingon ang secretary at basta nilagpasan ito.

"Sir?  Ok sir. " Napabaling naman siya sa orasan niya at napamura siya na mahigit dalawang oras din niya palang iniwan ang babae,kaya naman kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero sa bahay niya.

Nakakailang ring na siya ay hindi pa rin sumasagot ang nasa kabilang linya kaya naman mas lalo lang kinabahan si Genesis at ilang beses na napapamura na sa isip. Bigla naisip niya ang guts na wag ng umalis kanina pero dahil mas inalala niya ang sarili ay nakalimutan niya na nasa estado si Shannon kung saan pwedeng gumawa ito ng mga bagay na pwedeng makasakit sa sarili nito.

Don't do anything stupid Shannon!

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon