Chapter 10: Decision

3K 93 5
                                    

Nagising si Genesis dahil sa sunud-sunod na pagdodorbell sa labas ng gate. Kaya naman sandaling sumilib siya sa beranda at napakunot-noo pa siya ng makita ang isang kotse ng pulis saka siya napabaling sa mga unipormadong pulis.  Nakita naman siya agad ng mga ito,  kaya sumenyas siya na baba sandali.

Tumango naman ang mga ito,  kaya mabilis na nagtungo siya sa banyo para magsipilyo at maghilamos, matapos yun ay nagbihis siya ng isang gray T-shirt at isang khaki short. Pagkalabas naman niya ay sakto na lumabas na rin ang halatang kagigising rin na si Shannon,  bigla tuloy nawala sa isip niya ang mga tao sa labas at napangiti ng makita ang babae.

"Good morning Shannon. Nakatulog ka ba ng maayos? " Gumanti ito ng ngiti at naramdaman naman ni Genesis ang pagkislot ng puso niya.

"Good morning Genesis. Oo nakatulog naman ako ng maayos, salamat. Ikaw ba?  " Mas lumawak ang ngiti niya dahil sa tanong ng babae.

"Makita ka lang ngayon nagiging maayos na ko kahit hindi mo ko pinatulog kakaisip sayo. " He smile mischievously, nakita na naman niya kung pano namula ang buong mukha nito kaya nahigit na naman niya ang hininga.

Darn.. She was so cute and adorable.

"Mukhang may tao sa labas. " Hindi niya alam kung tactic ba iyon ng babae para ilisya ng usapan pero nagtagumpay ito dahil bigla niyang naalala ang mga pulis na nasa baba kaya naman sandaling nawala ang ngiti niya.

"Yes,  there is a cops, outside. " Pagkasabi niya iyon ay nakita niya ang gulat sa mukha ni Shannon at maya-maya ay nag-alalang napatitig ito sa kanya.

"Its everything ok? "

"Don't worry,  baka may itatanong lang sila. Sige mauna na ko sa labas,  you go in the kitchen.  Wait for me,  I'll prepare the breakfast." Nakangiti na niyang muling saad dito at kahit halatang nag-aalala ito ay tumango na lang ito.

"Sige.. " Mauuna na sana siyang baba pero natigilan siya ng tawagin siya ni Shannon. " Genesis.. "

"Yes? "

"Ingat.. " Napakislot na naman ang puso ni Genesis dahil sa sinabi ni Shannon kaya naman tumango siya saka tuluyan na ngang bumababa para harapin ang mga pulis.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng gate ay bumungad agad ang dalawang pulis.

"Good morning sir,  may maitutulong po ba ko sa inyo? " Magalang na tanong niya sa mga ito.

"Magandang umaga din po sir. Ako po si PO3 Gonzales,  kayo po ba si Mr. Genesis Caddison? " Magalang din na tanong ng mga ito,  doon na pakunot ang noo ni Genesis dahil mukhang siya talaga ang pakay ng mga pulis.

"Yes sir." Nakita niya na nagkatinginan ang dalawang pulis saka may inilabas na papel si PO3 Gonzales,  kinuha naman niya iyon at nagulat si Genesis ng pagbukas niya ay isang warrant of arrest iyon.

"May kaso po kayo Mr. Caddison,  inaaresto po namin kayo sa kasong pangingidnap sa dalagang si Ms. Shannon Keen Quintana. " Nagulat pa siya ng bigla siyang posasan ng mga ito.

"Wait,  this is just a misunderstanding.  Hindi ko kinidnap si Shannon. Yes,  she was here but I didn't kidnapped her. " Depensa niya,bumaling naman si PO3 Gonzales sa kasama nito.

"Santos,  check inside. Nasa loob daw si Ms. Quintana. "

"Ok sir. " Saka siya binalingan ni PO3 Gonzales.

"Mr. Caddison,  sumama na lang po kayo ng tahimik. May karapatan kang manahimik at kumuha ng sarili mong abugado. " Saad ni PO3 Gonzales, matapos iyon ay nakita niya na kasama na ni Shannon ang isa pang pulis papalabas ng bahay niya.

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon