Chapter 27: Pains in Love

2.8K 67 2
                                    

Mabilis na tinungo ni Genesis ang parking lot para kunin ang sariling sasakyan. He will follow his wife, hindi pwedeng pabayaan niya ito dahil alam niyang hindi niya kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa mag-ina niya .

"Darn it! Bullshit! " Napamura saka niya nasipa ang sariling sasakyan sa tindi ng inis niya, lalo na at naalala niyang naiwan niya ang susi ng kotse niya sa office niya. Kaya mabilis niyang kinapa ang cell phone sa bulsa niya saka mabilis na tinawagan ang secretary niya. "Carl, get my car's key in my office nasa parking lot ako. "

Matapos sabihin iyon ay sinunod niyang tinawagan ay ang numero ng asawa pero matapos lang ang unang ring ay nireject iyon ng asawa.

"Come on Shannon.." Sinubukan niya ulit ang tawagan ang asawa pero nakapatay na iyon pero hindi siya sumuko na tinawagan ito pero sa huli ay naihagod na lang niya ang kamay sa buhok at naibaling na naman ang galit sa gulong ng kanyang sasakyan. " Darn it! Darn! " Nasipa na naman iyon at para bang napagod siya na naipatong ang dalawang kamay sa sasakyan.

This is all my fault!

Hindi niya tuloy maiwasan ang sisihin ang sarili dahil sa nangyari. Alam naman niya kasi na kung hindi niya inintertaine ang babaeng lumapit sa kanya ay hindi sana mangyayari iyon, he was waiting to his wife when someone called him. Ni hindi niya nga kilala ito at kahit na sinabi na nito ang pangalan ay hindi niya maalala ang babae, kaya para hindi ito mapahiya ay kinausap niya. Well, he felt it, she tried to seduces him ,but he rejected her by telling her about his wife. Binida niya ang asawa sa babae, kaya akala niya ay aalis na ito pero hindi niya inasahan na sa pagdating ni Shannon ay may gagawin pala itong kalokohan.

I want to punch myself!

Gigil na gigil siya, gusto niyang manakit kung pwede nga lang ay baka sinaktan na niya ang sarili. Lalo na sa tuwing naiisip niya ang matinding sakit sa mga mata ng asawa, para namang sinakal ang puso niya ng maalala ang asawa niya.

My poor wife.. Sorry Shannon..

Para bang nagreply ng paulit-ulit ang mukha ng asawa na puno ng galit at sakit sa mga mata kaya naman napapikit na lang si Genesis at naihampas ang kamay sa sasakyan.

"Darn me! "

"Sir." Naidilat na lang niya ang mga mata ng marinig ang tawag ng kanyang secretary.

"Where's my key? " Iniabot naman nito iyon, mabilis niyang kinuha ang car's key saka binalingan ito. "Cancell all my appointments this afternoon till evening, I have better thing to do. "

"Ok sir. "

Saka siya mabilis na sumakay ng sasakyan niya, he drove to the road where he last saw the taxi goes.

Hindi na rin niya alintana kung over speeding na siya ang gusto niya lang ay makausap, o makita ang asawa niya para masiguradong ligtas ito.

"Nasan ka na ba sweety? " Pero nakailang over take na siya ay hindi niya pa rin nakita ang taxi na sinakyan si Shannon kaya naman minabuti na niyang umuwi sa bahay nila baka sakaling nandoon na ito.

Pagkarating niya sa bahay nila ay agad niyang hinanap ang asawa kay Isay na siyang naroon.

"Isay, nandito na ba ang ate Shannon mo? " Naabutan niya itong nagwawalis sa sala ng kabahayan.

"Kayo pala sir. Wala pa po, akala ko po ba kasama niyo si ma'am? " Takang tanong nito, hindi siya nakakibo sa tanong nito at lalo lang nakaramdam ng pag-aalala sa asawa si Genesis.

"Tawagan mo ko kung umuwi na ang ate Shannon mo. May pupuntahan lang ako. " Saad niya saka mabilis na muling lumabas nga bahay niya at nagtungo sa sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman lalo at wala sa bahay ang asawa niya, he doesn't know where she was. Kaya naman tinawagan niya ulit ang number nito, pero nakapatay pa rin iyon.

Pakiramdam ni Genesis ay parang kandila ang puso niya sa bawat minuto, unti-unting natutunaw sa sobrang bigat ng kalooban niya. Ni hindi niya nga alam kung saan hahanapin ito, ayaw naman niyang kontakin ang magulang nito dahil siguradong mag-aalala ito kay Shannon at baka lalo lang magalit ang asawa sa kanya.

"Where are you sweety? Please, let me know. " Bulong niya habang pilit kinokontak ang asawa, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ni Genesis dahil sa nanguayari. Hindi niya alam pero nababalot ng matinding takot ang puso niya.

Napahigpit na lang ang hawak niya sa manibela ng hindi pa rin niya matawagan ang asawa, naramdaman niya ang matinding sakit sa dibdib dahil sa nangyayari kaya naman napayuko na lang siya sa manibela at para bang gusto na niyang maluha ,he misses his wife.

Gusto na niya itong makita,mayakap at mahalikan. He wanted to see her, at kung makikita niya ito ay manghihingi siya ng tawad dito kahit paulit-ulit basta bumalik lang ito.

Where are you sweety? I really miss you.. Please, come back to me.

Pakiramdam ni Genesis ay nawawalan ng kulay ang paligid niya dahil sa sakit na nararamdaman, kaya naman hindi na siya gumalaw at isinubsob na lang ang ulo niya sa manibela dahil alam niya kung patuloy siyang kikilos baka ang sakit na nararamdaman niya ay maging luha na ,halos mamuti na rin ang kamao niya dahil sa tindi ng paghawak niya sa manibela.

I'm so sorry sweety, please come back. I love you and I miss you..

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon