Chapter 4: Past

3.5K 91 1
                                    

Two years ago.

Kasalukuyan na nagbabasa si Shannon ng kanyang paboritong libro ng marinig ang galit na boses ng mama habang kausap ang ama niya.

Dali-dali na bumababa siya sa silid niya at natagpuan ang mga magulang na parang may pinagtatalunan. Hindi niya alam kung tama bang makialam siya sa pagtatalo ng mga ito lalo na at unang beses niyang marinig na ganon ang dalawa.

"Hindi ako makakapayag sa gusto mo Tomas! " Nasa sala lang ang mga ito at maaring hindi siya napansin ng mga magulang dahil nasa ikalawang palapag siya ng bahay nila.

"Pero Shannel,  nalulugi na ang negosyo natin at kailangan natin ng tulong dahil kahit anong gawin ko hindi ko maiahon-ahon ang negosyo natin. " Sa idad na dalawang put'dalawa hindi siya hinahayaan ng mga magulang na magtrabaho kahit na tapos naman ni Shannon ang kursong Business Administration, dahil inakala niya na ayos lang ang lahat kaya hinayaan niya ang mga magulang na magpundar para sa kanya pero  ngayon na narinig niya iyon ay parang halos gumuho ang pangarap niya.

"Kaya anong gusto mo ngayon?!  Ipakasal ang anak natin sa mga anak ng kasosyo mo?  Iyon ba ang tamang sulusyon Tomas? " Hindi niya inaasahan ang sinabi ng mama niya,kasabay noon ay ang paghagulgol nito.

"Patawarin mo ko Shannel,  ayoko lang maranasan niyo ang mahirap na buhay na kinalakihan ko, sinubukan ko naman ang lahat pero sa huli ito lang ang kaya kong gawin. " Parang pinipiga ang puso niya ng marinig na rin niya ang paggaralgal ng boses ng ama. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpakita pa sa mga magulang o hayaan na lang ang dalawa, at sa huli ay hinayaan na lang niya ang dalawa saka siya bumalik sa sariling silid .

Doon ay tahimik na umiyak na lamang si Shannon. Napakabait ng mga magulang niya lalo na ang papa niya kaya nga ng marining niya ang bigat sa kalooban nito at paggaralgal ng boses ay parang may kutsilyong tumarak sa puso niya.

"Kung iyon lang ang magiging sulusyon ni papa. Papayag ako, hindi ko hahayaan na mahirapan sila. Kaylangan ko silang tulungan. "

Inakala ni Shannon na hindi na natuloy ang balak ng ama dahil mahigit dalawang linggo na simula ng mangyari ang usapan na iyon ay hindi naman siya kinakausap ng mga magulang pero hindi sa araw na iyon.

"Shannon,  anak. " Napabaling siya sa ama na ngayon ay ibinababa ang hawak na kutsara saka siya matamang tinignan samantalang ang mama niya ay para bang natuod na nakayuko lang.

"Bakit po pa? " Bigla siyang tinambol ng kaba ng makitang seryosong-seryoso ang mukha ng ama niya.

"Alam kong hindi mo ko mapapatawad anak,  pero sana maintindihan mo.  Shannon,  ipapakasal kita sa isa sa mga anak ng isa sa mga posibleng makatulong sa atin ." Hindi siya nakakibo kahit na inaasahan niya iyon ay may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa puso ni Shannon.

"Pa.. " Pinigilan niya ang maluha sa harapan ng mga magulang lalo na ng makita niya ang paghihirap sa mukha ng ama.

"Anak, patawarin mo ako pero wala na kong sulusyon na maisip maliban sa ipakasal ka . Anak,  patawarin mo ako,  hindi ko alam kung pano makikiusap sa iyo p-pero sana pagbigyan mo ako. " Napasinghap siya ng makita ang pagpatak ng mga luha ng ama niya kasabay ng pag-iyak ng mama niya kaya naman hindi na niya napigilan ang mga luha at napaiyak na lang din saka siya lumapit sa ama at niyakap ito.

"I understand pa. Naiintindihan ko, wag na kayong mag-alala, gagawin ko ito para sainyo. " Niyakap din siya ng ama niya , matapos ang ilang sandaling iyon ay bumalik siya sa upuan niya. "Kung ipapakasal niyo po ako, sino po ba ang lalaki at alam na niya po ba ang tungkol dito? "

Nagkatinginan ang mga magulang niya saka bumaling sa kanya ang ama.

"May dalawang tao kaming gustong ipakilala saiyo,  ang anak ni  Mr. Davidson at ang anak ni Mr. Caddison. " Nagtaka naman siya ng marinig ang dalawang pangalan na iyon.

"Bakit po dalawa pa?  Wala pa po ba kayong napipili sa kanilang dalawa? " Umiling ang ama saka napabuga ng hangin.

"Nais kitang ipakasal sa anak ni Mr. Caddison pero nalaman ko ang hilatsa ng lalaking iyon, mapaglaro sa pag-ibig at ni walang sineseryosong babae kaya kahit gusto ko man siya ay ayokong maghirap naman ang kalooban mo anak. Kaya ikaw ang mas papapiliin ko,  mamili ka ng tama anak kahit sino sa dalawang lalaking iyon. Hindi man kita binigyan ng pagkakataon na mahanap ang totoong magmamahal sayo, sana makapili ka ng lalaking rerespeto sayo sa oras na kasal ka na anak. " Para namang natunaw ang puso niya sa sinabi ng ama. Marahil nga ay matindi lang ang problema nito kaya nagdesisyon ito ng ganon pero kahit papano ay nandoon pa rin ang pag-iingat sa kanya nito.

Kaya naman inihanda na ni Shannon ang sarili na makaharap ang dalawang lalaki sa dadaluhan nila ng buong pamilya na isang business party. Ayon kasi sa ama niya ay nandoon na ang dalawang binata kasakasama ang mga magulang ng mga ito.

Una nga niyang nakilala si Zandro at kagaya ng sinasabi dito ng ibang tao ay napabait nito at hindi mahirap pakisamahan kaya naman naging palagay agad siya dito na halos makalimutan niya na kaylangan niya pangharapin ang anak ni Mr. Caddison. Kaya naman ng sandaling magpaalam si Zandro na matapos tumunog ang cellphone nito ay nagpunta naman si Shannon sa restroom ng may maulinigan siyang ingay sa bandang dulo ng isang cubicle.

Hindi na sana niya papansinin iyon kundi lang may nagsalita at sa pag-aakala na humihingi ng tulong ang tao roon ay dahan-dahan siyang lumapit doon pero natuod siya ng marinig ang isang tinig doon.

"Oh,  you're so good Mr. Caddison. " Malandi pa ang pagtawa nito na para bang nakikiliti at sukat sa pagkakarinig niya ng apelidong Caddison ay mas lalo siyang napalapit sa nakasarang pinto ng cubicle.

"Shh,  Stop calling me 'Mr. Caddison'  missy,  baka akalain ng makakarinig sa iyo na ang papa ko pa ang kasama mo. " Hindi niya alam pero bigla ay parang nangilabot siya ng marinig ang boses ng lalaki.  May kasamang lalaki ang babaeng kung magsalita ay daig pa ang kinikiliti at ayaw ng mag-isip pa ni Shannon ng kung anu-ano. 

"Hmm.  So what should I called you Mr.? " Hindi alam ni Shannon kung bakit hindi niya maihakbang ang mga paa paalis sa lugar na iyon.

"I'm Genesis,  Genesis Caddison. Missy,  so stop asking and lets do it quickly. " Halos magtayuan ang balahibo ni Shannon dahil sa pagkaiskandalo ng marinig ang ungol ng babae at saka mabilis na lumabas sa restroom.

Nasalubong niya si Zandro kaya naman bahagya siyang huminahon.

"Hey,  are you ok? " Napatitig siya kay Zandro,  she was so thankful na ito ang una niyang nakilala dahil ngayon napatunayan niya ang sinabi ng ama.

That Genesis was no good at all,  he was a womanizer at kaylangan ngayon pa lang ay layuan na niya ito.

'I hope we should not meet each other Mr. Caddison. Never! '

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon