Chapter 19: Love to Live

2.6K 74 4
                                    

Napatayo si Shannon ng marinig ang isang pamilyar na tunog ng sasakyan ng asawa.  Bago siya bumababa para salubingin si Genesis ay iniligpit niya muna ang lahat ng gamit niya saka mabilis na itinago iyon sa isa sa mga kabinet doon.

Mabilis na bumababa siya at saktong nasa huling baitang na siya ng makita ang asawa,  mukhang pagod na ito kaya naman nakaramdam ng awa si Shannon para sa asawa.

"Genesis.. " Bumaling ito sa kanya at para bang ang pagod na kaninang nakabalatay sa mukha nito ay nawala kaya naman napangiti na lang si Shannon ng nakangiting nilapitan siya ni Genesis at walang pasabi na mabilis na hinalikan siya nito sa mga labi.

Mabilis lang iyon pero sapat na para magwala ang puso ni Shannon kaya naman hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha.

"I miss you sweety.." Bulong nito matapos siyang halikan saka siya niyakap.

Napangiti na lang ng malawak si Shannon, dahil sa kasweetan ng asawa . Kahit isang buwan na silang mag-asawa ni minsan hindi niya kinakitaan ng panlalamig o panlalamlay si Genesis sa kanya kaya nga sa bawat araw na iyon alam ni Shannon na gusto na niya si Genesis o baka nga nahuhulog na talaga siya dito ng hindi niya nalalaman.

"I miss you too.  " Ni hindi na nga rin siya nahihiya na lambingin din ang asawa. Nakaakbay ito ng sabay silang pumasok sa loob,  wala na doon sila mang Ising at si Isay dahil umuuwi ang mga ito na hindi naman malayo sa lugar nila.

"Kumain ka na ba? " Tanong ni Genesis sa kanya,  tumingala siya saka ngumiti ito.

"Oo,  nauna na kami nila nanag Ising kanina, pero ipaghahain kita at sasamahan na rin kita. " Bigla naman ay napahikab siya,  alas nueve na rin kasi ng gabi kaya naman hindi niya mapigilan ang antok.

"No need to do that. Matulog ka na sweety. " Nakita naman niya ang pag-alala sa mukha ni Genesis, umiling siya saka humiwalay dito at inihanda ang hapunan nito.

"Ok lang ako,  saka ayoko naman na iwan kang mag-isa. " Nakangiting saad niya habang inaayos ang hapag, matapos iyon ay binalingan niya ang asawa. "Halika kumain ka na."

Iniurong pa niya ang upuan para paupuin ito,  naglakad naman papalapit sa kanya si Genesis akala naman niya ay uupo na ito pero sa gulat niya ay mabilis na kinuha nito ang mga kamay niya para alisin sa sandalan ng upuan at napakurap-kurap na lang siya ng yakapin siya ni Genesis.

"G-genesis.. " Hindi niya maiwasan ang mautal dahil sa sobrang bilis ng kabog ng puso niya. Naramdaman naman niya na mas humigpit ang yakap nito sa kanya.

"I'm so lucky to have you Shannon,  hindi mo alam kung gano ako kasayang kasama ka, and you even make me happier person because of all the thing you do. Thank you Shannon,  I love you sweety.. " Para naman natutunaw ang puso ni Shannon sa narinig mula sa asawa. Gumanti siya ng yakap sa asawa,  saka isinubsob ang pisngi niya sa dibdib nito, she heard it again,  his heart that beats so fast.

"I-I think,  I'm fallin to you Genesis.. " Mahinang saad niya ,bahagyang lumayo ito at kitang kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Y-you fallin in me? " Mas lumawak ang ngiting tanong nito,  tumango siya at para mapigilan ang hiyang nararamdaman ay ibinaon niya ang mukha sa malapad na dibdib nito

"I think,  I love you Genesis..  I love you.. " Mas isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito ng maramdaman na para bang natuod ito pero napatili siya ng hawakan siya nito sa mga bewang at sa gulat niya ay binuhat siya nito saka iniupo siya nito sa ibabaw ng lamesa,  bahagya niya pang nabunggo ang mga pagkain doon.

Hindi ito nagsalita pero kitang-kita ni Shannon kung gano kasaya ang asawa at napapikit na lang siya ng sugurin siya ng halik ni Genesis.

He kiss her with so much passion and love.

Naikawit na lang ni Shannon ang braso sa mga leeg ng asawa at sinabayan ang paghalik nito, tinugunan niya iyon ng buong puso at para kay Shannon sapat na ang mga halik na iyon ni Genesis para masabi nito kung gano ito kasaya sa narinig mula sa kanya.

They both have the smile in there lips while they keep on kissing each other like its no tomorrow.

As her heart beats irrationally, Shannon believed her heart no longer belong to her because she already gave it up..

She gives it to the one... To her husband..  Genesis..
--

A/N: dedicated to MayAnnAlingod salamat po sa pagvotes and comment  ..

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon