Chapter 14: Butterflies

2.7K 81 2
                                    

Nakangiting lumapit si Genesis at Shannon sa malaking cake para sa kanilang first slice.  Matapos nilang hatiin iyon ay nagpalakpakan ang mga bisita at nagkatinginan sila ng sumigaw na naman ang mga ito.

"Kiss! Kiss! Kiss! " Napapailing na lang si Genesis habang pinipigil ang ngiti,  mula kasi kanina ay palaging ganon ang mga sigaw ng mga ito at pasimuno talaga ang mga nakakatandang kapatid niya.

Those crazy..

Napabaling siya muli kay Shannon,  na halata na nahihiya na naman dahil sa mga sigaw ng mga bisita.

"Ok lang ba? " Tanong niya,  tumango naman ito kaya naman walang sinayang na sandali si Genesis na mabilis na hinalikan ang asawa.  Ramdam na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso kahit na mabilis lang iyon, kaya naman matapos iyon ay hindi na pinigilan ang mga ngiti saka bumaling sa namumulang si Shannon.

Nagpalakpakan naman ang mga bisita, umiwas naman ng tingin si Shannon sa kanya kaya hawak niya ang kamay nito habang nakatayo sila sa harapan ng malaking wedding cake nila.

"Gusto mo? " Iniumang nito ang kutsarang may laman na maliit na slice ng cake.  Napangiti naman siya ng malawak saka kinuha ang kamay nitong may hawak na cake saka isinubo iyon. "Masarap? "

Tanong nito matapos niyang hindi magkumento,  nakatitig lang siya dito saka ngumiti.

"Yes,  but your lips is more tasteful. " Pilyong saad niya,  nakita na naman niya kung pano namula ang mukha ng asawa kaya naman napahawak siya ng mahigpit sa kamay nilang magkahulagpo.

Lovely..

"Puro ka talaga bola. " Saad nito pero nakangiti naman,  kaya naman kinuha ni Genesis ang isa pangkutsara at kumuha ng maliit na slice ng cake sa plato nila.

" Ikaw naman.. " Nakita niya na natigilan si Shannon pero nakangiting isinubo rin ang cake .

"Katamis naman!  Teka,  nilalanggam na kami. " Sabay silang napabaling ni Shannon sa mga bisita partikular sa kuya Leviticus niya na ang lawak ng ngiti.

"Kiss na yan!  Kiss! Kiss! Kiss! " Ngayon na naman ang kuya Exodus niya, hindi niya alam kung pasasalamatan niya ba ang dalawa dahil sa pagpunta ng mga ito o mahihiya kay Shannon dahil sa mga kalokohan ng mga ito mula kanina.

"Crazy two.. " Bulong niya pero hindi naalis ang mga ngiti ni Genesis,  sumabay naman ulit ang mga bisita sa kuya Exodus niya.

"Kiss daw.. " Mabilis na napabaling siya kay Shannon ng marinig niyang magsalita ito,  hindi niya alam kung nabingi na siya dahil sa sinabi nito.

"Wow,  mukhang nahawa ka na sa dalawang yon. " Nakangising saad niya,  mukhang narealize naman nito ang sinabi at napayuko kaya naman natawa na siya at gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang baba ni Shannon para magtama ang mga mata nila.  "Kiss daw request nila. "

Pambawi niya para hindi na mahiya ang asawa sa sinabi nito,  nagkatitigan na naman sila at higit ang hininga na dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha ni Shannon.

Pagkalapat na pagkalapat ng labi nila ay naramdaman na naman ni Genesis ang bultabultaheng kuryente na dumaloy mula roon patungo sa puso niya,  hindi alam ni Genesis kung gano katagal nakalapat ang mga labi nila kundi pa nagpalakpakan ang mga bisita ay baka mas tumagal pa iyon.

Naghiwalay ang mga labi nila pero hindi binitawan ni Genesis ang mga kamay ng asawa. Pagkatapos noon ay nakaisip ng kapilyuhan si Genesis ,he tips his pointing finger on the cake saka niya pinahid iyon sa tungki ng ilong ng asawa.

"Genesi! " Halatang nagulat ito siya naman ay natawa lang ." Ganun , eto sayo. "

"Hey. " Bago pa siya makailag ay napahiran na siya nito ng icing ng cake sa pisngi, ito naman ang natawa. "You."

Halos makalimutan na nila ang mga bisita na masaya silang pinapanuod dahil sa kulitan nilang dalawa at wala namang kahit isa ang gusto ang bumasag sa saya ng dalawa.

Because they saw how the two newly wed love each other..
----
Hindi maipaliwanag ni Shannon ang saya, habang patuloy ang kulitan nila ni Genesis.

"Tama na Genesis,  puno na ng icing yung mukha mo. " Natatawang saad niya sa asawa.

She felt a warm hand touches her heart,  matapos niyang maiisip ang salitang asawa.

"Nope,  hindi pa ko nakakaganti. " Nakangiting saad nito,  natatawang uurong sana siya pero aksidente na natapakan niya ang gown dahilan para mapatilid siya at ramdam na rin niya ang pagbagsak kaya naman napapikit na lang siya.  " Shannon! "

Buti na lang ay maagap si Genesis at nahawakan siya nito sa bewang.

"Ok ka lang ba? " Narinig niyang tanong ni Genesis kaya naman napadilat siya at nang magtama ang mga mata nila ay bigla na naman bumilis ang kabog ng puso ni Shannon ,and she feels a butterflies erupted in her stomach.

"Y-yes,  salamat Genesis. " Tinulungan siya nitong umayos ng tayo .

"Be careful,ok?" Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito ,and she can't deny that she was move by his gesture and care.

"Oo, pasensiya na. " Tumango ito pero maya-maya ay ngumiti rin kaya naman ngumiti na rin siya. Saka muling kinuha nito ang mga kamay nila at pinagsaklob ang mga kamay nila.

"Maupo na tayo. " Iginaya na siya nito sa upuan nila. Hindi pa rin maalis ang kabog ng puso ni Shannon dahil sa kanina .

"Akala ko talaga kanina matutumba ako. " Hindi niya tuloy mapigilan ang maibulalas,  napabaling naman siya kay Genesis ng maramdaman ang bahagyang pagpisil nito sa kamay niya.

Pagkapaling niya ay nakangiti ito at may kakaibang kislap sa mga mata.

"Don't worry sweety. I will be here, I'll catch you when you fall sweety.. " Sabay kindat nito at ang kaba kanina ay napalitan ng kakaibang kiliti.

Oh sweet Genesis!

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon