Chapter 3: Close

4K 113 2
                                    

Hinayaan na lang ni Genesis si Shannon ng sinabi nitong,  ok na ito at gusto lang daw nitong magpahinga kaya naman nang tanghaling iyon ay pinainit na lang ni Genesis ang pagkaing dala ng sekretaryang si Carl.

Nasa kalagitnaan ng pag-aayos ng hapagkainan si Genesis ng matigilan siya at napakunot-noo.

"What am I doing? " Kanina niya pa tanong iyon sa sarili,  dahil kanina pa siya parang timang na gumagawa ng kung ano-ano sa loob ng bahay niya habang hinihintay ang paglabas ni Shannon sa guest room. "I'm out of my mind. "

Kaya naman iniwan na niya iyon saka kinuha sa key houlder ang susi ng sasakyan niya pero nasa sala pa lang siya ng marinig ang pagtawag ni Shannon.

"Genesis,  aalis ka? " Napabaling siya dito at balak niya sanang sabihin na oo pero nahinto siya matapos makita ang babae. She was standing in front of him,  wearing a simple dress that his secretary bought.

Simple pero napakaganda ng kulay dilaw na dress nito na umabot sa ibabaw ng mga hita ng babae mas lalong nagpatingkad sa ganda nito ay ang pagkakabraid ng buhok nito.

Damn pretty.. 

Hindi santo si Genesis kaya nga alam niya sa mga oras na iyon ay kaylangan niyang magtimpi dahil hindi kagaya ng ibang babae niya si Shannon, she was look like innocent and broke inside kaya naman pinilit niyang huminahon at nginitian ang dalaga.

"Pupunta lang ako sa office,  your lunch was already in the dining table. I need to go. " Tatalikuran na sana niya si Shannon ng mapapitlag siya ng awatin siya nito.

He feels something that flows on her arms through his heart.

Damn!  What is that?

Hindi niya pinahalata iyon sa dalaga kaya naman tinignan niya ito deretso sa mga mata at lalo lang nagulo ang sistema niya ng magtama ang mga mata nila. Her eyes was brown like a chocolate at para bang nang-aakit iyon dahil sa pagpungay noon.

"Don't go Genesis,  alam kong sobra na pero please. Ayokong maiwan mag-isa, kahit sa pagkain lang sabayan mo ko. " His hearts move because of her voice,  at talagang nalilito na si Genesis sa sarili dahil pakiramdam niya ay nasa loob siya ng mahika ng dalaga.

Oh!  What a beautiful witch.

He takes a deep breath saka binalingan ang babae,  she was waiting for his answer at alam ni Genesis na hindi siya makakatanggi sa babae kaya naman sumusuko na sumagot na lang siya.

"Ok,  sasabayan kita pero mamaya ay kaylangan ko talagang umalis. " Nakita niya kung pano sa isang iglap ay ngumiti ang dalaga at sa hindi malaman dahilan ni Genesis ay nakaramdam siya na para bang pinana siya asintado mismong sa puso.

Damn!  Arrow, what with that smile?

----
Kahit papano ay nadidivert ni Shannon ang atensyon niya sa iba ng dahil kay Genesis. Alam niyang mali na kulitin niya pa ang lalaki dahil bukod sa kakikilala niya pa lang dito ay nadamay pa ito sa problema niya pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nakakomportable niya dito .

"Shannon." Napabaling siya sa lalaki, nauna siyang natapos sa pagkain kaya naman hindi na niya napansin na masyado na palang malalim ang iniisip. 

"Bakit? " Napansin niya na matama siyang tinitigan ng lalaki at gustong mamula ni Shannon dahil doon, hindi kasi siya sanay sa ganoong mga tingin at kahit nga si Zandro ay hindi siya ganon tignan.

"Hindi mo ba ipapaalam sa mga magulang or relatives mo kung nasan ka? " Natigilan siya sa sinabi nito pero nang maisip ang mga magulang niya ay nag-alala siya na baka nga hinahanap siya ng mga ito.

"Oh my,  baka mamaya hinahanap na nga ako nila mama.  Genesis,  may telepono ka ba?  I need to call them para masabing ayos lang ako. "

"Meron sa second floor at meron sa sala, makikita mo agad pareho. " Matapos sabihin nito iyon ay tumayo na siya agad at iniligpit ang pinagkainan, lalabas na sana siya ng sandaling may maisip.  " Genesis. "

Ito naman ang nag-angat ng paningin at sa pagtatama pa lang ng mga mata nila ay para bang malulusaw ang mga tuhod ni Shannon. How could this man was so handsome? Kahit na sa anong anggulo niya tignan ay napakaguwapo ng lalaki.

Hindi niya nga alam kung pano niya nagawang mapapayag ang ganong kagwapong lalaki sa problema niya at talagang tinulungan pa siya.

Handsome and a gentleman. 

Siguro kung wala sa ganoong sitwasyon si Shannon ay baka hinayaan na lang niya ang sarili na palagi itong titigan at namnamin ang makalaglag pusong ngiti .

"Yes? " Natauhan lang siya ng magsalita ang lalaki at mabilis niyang hinamig ang sarili saka nahihiyang ngumiti sa lalaki.

"Pwede ko bang sabihin ang pangalan mo sa kanila? But don't worry I won't tell kung nasan ako. " Sandaling parang nag-isip ito at saka tumango.

"Tell them your safe in me." Tumango siya, alam naman niya iyon pero ang hindi niya alam ay ang buong pangalan ng lalaki.

"What is your name again Genesis? "

"Genesis Caddison, that my name. "

Halos huminto ang daigdig ni Shannon matapos marinig iyon.

No,  it can't be...

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon