Chapter 1: Wish

9.2K 153 5
                                    

Napapailing na lang si Genesis sa sinasabi ng mama niya habang nag-aagahan sila.

"Genesis, kailan ko ba makikilala ang kasintahan mo? Sa inyong magkakapatid ikaw na lang ang walang ipinakikilala sa amin ng papa mo. " Binalingan niya ang mama niya. Hindi siya kumibo sa sinabi ng mama niya ,mukhang napansin naman iyon ng ina niya kaya nagsalita ito muli. "Hindi ka na bumababata anak, baka mamaya ay tumanda ka ng mag-isa. "

Napangisi siya sa sinabi ng mama niya, kung alam lang nito ang ginagawa niya sa loob at labas ng opisina niya ay baka himatayin ang mama niya.

"Ma, I'm enjoying my life. Hayaan niyo malay niyo kapagbiglang may sumakay sa kotse ko, pakakasalan ko na. " Nakita niya kung pano nanlaki ang mga mata ng mama niya.

"Genesis! Gustavo, tignan mo ang anak mo. Hindi ko alam kung saan nagmana iyan ng kapilyuhan. " Nakita naman niya na lihim na napangiti ang papa niya saka bumaling sa mama niya at inabot nito ang kamay ng ina niya.

Oh, that looks again.

Gusto niyang hangaan ang mga magulang dahil kahit may idad na ang mga ito ay hindi maalis ang pagmamahalan ng dalawa sa isa't-isa, kahit na sa bawat kilos at pagtitinginan lang ng mga magulang niya ay nararamdaman ni Genesis iyon. Kaya nga nagtataka siya kung bakit kabaliktaran ata siya ng mga kapatid at magulang, kung ang mga ito ay seryoso sa relasyon, pwes siya ay hindi.

Genesis never get a serious relationship before and even now. He only got a fling , hindi naman niya pwedeng sisihin ang sarili sa pagiging 'Malandi' niya kuno, dahil single siya at madalas ang mga babae pa ang lumalapit sa kanya kaya nga hindi na siya makakatanggi pa.

"Mahal, hayaan mo na ang anak natin. Matanda na siya, he can do what ever he wanted lalong hindi natin pwedeng pamasukan ang buhay pag-ibig niya. " Malumay na paliwanag ng ama niya, nakita naman niya na huminahon ang mama niya saka binalingan siya.

"Sige, ngayon ay hahayaan na muna kita pero Genesis, mag-iingat ka sa mga salita mo, baka mamaya ay mangyari yan at ika'y mapasubo. Alam mo naman na may nasa Taas na nakakaring sa iyo. " Ngumiti lang siya at tumango.

As if its will gonna happen.

----

Maagang umalis si Genesis sa tahanan ng mga magulang. He was staying there because his mother doesn't want him to live alone in his own house. May bahay at condo unit kasi siya pero hindi niya madalas tinutulugan ang mga iyon dahil gusto nga ng mama niya na sa mga ito muna siya tumuloy kahit na trenta'y uno na siya.

Hindi rin naman niya gusto ang mag-isa sa bahay kaya pumayag na siya at wala naman siyang gagawin sa sariling bahay niya. Well, maliban sa condo niya na naging bahay langit niya sa tuwing may babaeng lumalapit sa kanya.

Napapailing na lang siya sa sariling kapilyuhan saka muling itinuon ang buong atensyon sa daanan. He was on his way to his company, nang mapabaling siya sa kalangitan.

Mukhang uulan pa.

Ilan sandali nga lang ay bumuhos na ang malakas na ulan kaya naman bumagal din ang pagpapatakbo niya. Nagred light ng saktong matapat siya sa isang malaking simbahan at pagkabaling niya ay napakunot noo siya ng makakita ng isang taong tumatakbo sa gitna ng ulan .

Run away bride?

Pinanood niya ang babaeng nakagown hanggang sa tumawid ito at sa hindi niya maintindihan na dahilan ay bigla na lang kumabog ang puso niya ng makita ang babae na huminto mismo sa harapan ng sasakyan niya.

"What the?! " Halos manlaki ang mga mata niya ng buksan nito ang passenger seat door at saka walang pasabing pumasok na bukod sa nakagown ay basang-basa pa.

"Let me out of here, please. " Natulala siya sandali dahil sa gulat. "Please.. "

Wala sa sarili na tumango siya saka pinaandar ang sasakyan niya matapos makitang green light na ang traffic light. Nang makalayo ay saka lang parang natauhan si Genesis at biglang kinabig patabi ang sariling sasakyan.

"Wait. This is wrong, sino ka ba? Why did you just came in here? "Sunud-sunod na tanong niya ng maharap sa babae. Nakita niya na para bang natigilan din ito at saka napatitig sa kanya, kahit siya ay natigilan lalo na at nang maramdaman muli ang pagbilis ng kabog ng puso niya ng makita niya ang mukha ng babae.

Pretty woman..

Iyon agad ang pumasok sa isip niya ng matitigan ito. Basa ito pero hindi maitatanggi ang kagandahan ng babaeng kaharap niya pero ang hindi maintindihan ni Genesis ay kung bakit pati puso niya ay naakit sa babaeng kaharap.

No, I'm not!

"I'm sorry, I'm Shannon. Alam ko wala ako sa lugar pero please, let me go with you. " Nagmamakaawang saad nito, mas lalo lang naguluhan si Genesis sa babae.

"But how could I do that? You're a stranger at isa pa you're a run away bride. Ayokong mapagbintangan na mang-aagaw." He honestly said, umiling ang babae at saka niyakap ang sarili na para bang nilamig kaya naman pinatay ni Genesis ang aircon ng sasakyan saka hinubad ang coat na suot at iniabot iyon sa babae. "Put this on. "

Kahit naman hindi niya kilala ang kaharap ay babae pa rin ito at hindi maalis ni Genesis ang pagiging gentleman .

"Thank you. " Inabot iyon ng babae at ipinalot ang sarili sa coat niya saka muling bumaling sa kanya. "Hindi ako tumakas sa kasal ko."

Nahiwagaan naman siya sa sagot nito kaya napakunot-noo siya. Paanong hindi ito ang umalis, samantalang ito ang nakita niyang tumatakbo palabas sa simbahan.

"How could that happen? Ikaw ang nakita kong tumatakbo palabas sa simbahan habang malakas ang ulan? Nagkamali ka ba ng nasakyan miss? " Umiling ito saka niyakap pa lalo ang sarili at hindi alam ni Genesis kung anong mararamdaman niya ng humarap ang babae sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.

"A-ako kasi ang unang iniwan. Hindi kasi sumipot ang groom ko, d-dahil may iba daw siyang mahal. " Saka ito humagulgol ng iyak sa harapan niya.

Damn man!

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon