Chapter 18: True Hopes

3.1K 71 3
                                    

Napangiting nagmulat ng mga mata si Shannon saka inikot ang mga mata sa buong silid nila ni Genesis, pero wala na doon ang asawa kaya naman mabilis na siyang bumangon at nagtungo sa banyo para gawin ang mga dapat niyang gawin.

Isang buwan na ang lumipas simula ng maikasal sila at sa loob ng isang buwan na iyon pakiramdam ni Shannon ay iyon ang mga panahon na sobrang saya niya. Well,  araw-araw naman ay naging masaya sila ni Genesis and Shannon won't trade there moments for anything.

Matapos makapagpalit ay bumababa na siya para hanapin si Genesis. Una niyang nakita ang isa sa mga kasambahay nila na si Nanang Ising, kinuha ito ni Genesis at ang isa nitong dalagitang anak ng irekumenda ito ng mga magulang ng asawa.

"Good morning Nang,  si Genesis po? " Napabaling sa kanya ang matandang pinupunasan ang mga picture nila ng asawa at ilang mga vase sa sala.

"Magandang umaga hija,  nasa kusina si Genesis." Nakangiting saad nito.

"Salamat po. " Saka nakangiting tinungo ang kusina ng bahay nila.

Unang nabungaran niya ay ang nakatalikod na asawa kaya naman nagdahan-dahan siyang papalapit dito at napangiti ng malawak dahil sa naiisip na kapilyuhan.

Ilang hakbang na lang siya dito ng bigla itong humarap at kesa ito ang magulat ay si Shannon ang nagulat ng haltakin siya sa braso ng asawa saka ikinawit sa bewang niya ang isang braso nito at saka siya kiniliti nito sa tagiliran.

"G-genesis! S-stop. " Napuno ng tili at tawa niya ang buong kusina kasabay ng pagtawa ng asawa.

"You won't win over me sweety. " Nakangising saad nito saka siya tinigilan.  Hingal pero natatawa na umikot siya paharap dito saka ikinawit ang mga braso sa leeg nito.

"Good morning Genesis. " Malambing na saad niya.  Napalitan naman ng ngiti ang ngisi nito saka ipinatong ang mga kamay sa bewang niya.

"Mas maganda ka pa sa umaga sweety.. " Hindi naman napigilan ni Shannon ang makaramdam ng kakaibang kiliti sa puso niya .

"Bolero as always. " Nakangiting saad niya,  nalukot naman ang ilong ni Genesis dahil sa sinabi niya at mas hinapit siya.

"Sweety, kelan mo kaya paniniwalaan ang mga sinasabi ko .." Parang nagtatampong saad nito,  natawa naman si Shannon sa itsura nito kaya naman gamit ang mga kamay ay inipit niya ang ilong ng asawa.

"Ang cute mo talaga Gen. " Natatawang saad niya lalo naman nalukot ang mga ilong nito at inalis ang kamay niya.

"Come on sweety.  I'm serious. " Alam naman niya iyon pero hindi alam ni Shannon kung kelan pa ba siya natuwa sa tuwing nakikita ang ganong ekspresyon.

"Alam ko,  halika na kumain na tayo baka malate ka pa sa trabaho mo. " Lumayo siya dito saka kinuha anv kamay ng asawa pero nagulat na naman siya ng hatakin siya nito at ipalupot ang mga braso sa bewang niya.

Saka walang pasabi na bigla na lang sinakop nito ang mga labi niya. Halos magwala ang puso ni Shannon dahil sa ginawa ni Genesis at pakiramdam niya ay huminto sandali ang oras dahil sa halik na iyon.

"Genesis.. " Tulala pa rin siya ng maghiwalay ang mga labi nila at napakislot ang puso niya ng malawak na ngumiti ito sa kanya.

"And that was the second thing that good in the morning sweety..  Your lips.. " Kaya naman hindi na magtataka si Shannon kung ang puso niya ay tuluyan na ngang tumalon papunta kay Genesis.

Oh my sweet husband. .

---

Napabuga na lang ng hangin si Genesis saka binitawan ang mga katalog ng mga iba't-ibang alahas.

"Wala ka bang mapili? " Kinuha iyon ng kuya Exodus niya saka tinignan nito iyon.  Tinignan niya ang magiging reaksyon ng kapatid at mukhang kagaya niya ay sumakit lang ang ulo nito sa mga iyon dahil agad iyong binitawan ng kapatid. " My wife won't like it. "

Napabuga siya ng hangin, alam niya iyon kahit nga siya ay alam na hindi rin magugustuhan ng kanyang asawa na si Shannon.

"What should I give to her? " Napasandal siya sa kanyang upuan habang ang kapatid ay bumalik sa couch na nakalagay sa gilid ng office niya.

"Ano bang meron at binabalak mong regaluhan ang asawa mo? " Binalingan niya ang kuya niya saka umayos ng upo.

"Wala, but its bothering me. Isang buwan na kaming mag-asawa pero kahit minsan,  she didn't ask for anything and I didn't give something to her. " Para naman siyang lalong nanlumo matapos maisip iyon. 

True to his words,  wala pa siyang kahit anong naibigay sa asawa simula ng ikinasal sila and he was so frustrated about it.

"Then give her something that she really wants. " Saad ng kapatid niya na ngayon ay kinuha ang bag nito,  siya naman ay natigilan na napatitig sa kapatid.

Give her what she really wanted?

Bigla siyang napaisip ano nga ba ang gusto ng asawa niya? O mas tamang sabihing sino nga ba?

Si Zandro..

Sukat sa naiisip ay para lang lalong mas nanlumo si Genesis,  syempre kalokohan iyon kung ipapakita niya ang lalaki sa asawa.  Hindi pa siya nasisiraan ng bait para gawin iyon, lalo na ngayon na nakikita niya ang improvement sa relasyon nila ni Shannon.

Hindi niyang masasabing mahal na siya ng asawa pero masaya na si Genesis na palaging nakikitang masaya ang asawa habang kasama siya at napansin niya na hindi na ito kagaya ng dati naging masayahin ang asawa niya na para bang tuluyan na ngang nakalimutan ang tungkol sa lalaki.

Yes,  she doesn't need him,  because I'm already here. Kaya kong mas pasayahin si Shannon..

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon