Chapter 29: Start from the Beginning

3.2K 77 2
                                    

Kinabukasan maagang nagising si Genesis para gawin ang isang bagay na ngayon lang nagsink in sa utak niya.

Kagabi, matapos ang naging usap nila ng asawa may isang bagay na narealize si Genesis sa relasyon nila at iyon ay ni minsan hindi niya nagawang ligawan ang asawa.  Kaya naman kesa damdamin ang naging desisyon ni Shannon ay ginawa iyong motive ni Genesis para sa plano niya.

He will court Shannon.

Oo,  liligawan niya ang asawa dahil iyon ang bagay na hindi niya nagawa para dito, ngayon ay babawi siya.

Maaga siyang nagtungo sa isang flower shop at bumili ng buffet of roses, dumaan din siya sa isang grocery store saka tinahak ang bahay kung nasaan ang asawa niyang si Shannon.

Ewan ni Genesis kung bakit para ba siyang kinakabahan kahit pa isipin na asawa niya na si Shannon,  iba pa rin pala ang pakiramdam ng manliligaw.

Bakit ba kasi ngayon ko lang to naiisip?

Pagkahintong-pagkahinto ni Genesis sa harapan ng bahay nila Shannon ay napabuga ng hangin si Genesis kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Kinuha niya ang mga rosas at ang pinamili saka napabaling sa tapat ng bahay nila Shannon.

"Darn! Why I feel nervous? " Hindi niya pa kasi nagawa ang manligaw sa kahit kanino kaya ngayon ay para bang dinadaga siya kahit pa asawa na niya si Shannon,  dahil ang maisip na hindi pa sila tuluyang nagkakaayos ang mas lalong nagpapakaba sa kanya.

Bumababa siya ng sariling sasakyan dala ang mga bulaklak saka nagdoorbell, tatlong doorbell pa lang ay nagbukas na iyon. 

"Magandang umaga po kuya." Si Isay ang nagbukas kaya naman nakapasok siya agad,  ngumiti siya sa dalaga hindi nga niya alam kung ngiti o ngiwi ang naisukli niya dito dahil sa kaba na nararamdaman.

"Si ate Shannon mo? " Hinintay niya munang maisara nito ang gate .

"Nasa kusina po,  naghahanap po ng avocado ice cream. Wala naman po kami nun kuya. " Napangiti siya matapos marinig iyon sa kasambahay saka sila pumasok sa loob.

Mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ni Genesis ng makita ang asawa na nakatayo sa tapat ng nakabukas na ref. Iniwan naman na sila ni Isay, hindi naman niya alam kung pano ia-approch ang asawa dahil sa nakasimangot nitong mukha habang may hinahanap na kung ano.

Napangiti na lang si Genesis saka tumikhim,  mabilis na napabaling si Shannon sa kanya.

"Genesis? Kanina ka pa ba dyan? " Isinara na nito ang ref at papalapit na sana ito sa kanya ng matigilan ito ng makita ang mga dala niya. "Ano yan? "

"Flowers for you sweety. " He tried to smile kahit na halos magwala na ang puso niya sa kaba.  Nagtataka naman na tinanggap iyon ni Shannon.

"Salamat,  para saan to? "

Napahawak naman siya sa batok,  ganon pala ang pakiramdam kapagnanliligaw.  Nakakahiya at nakakaba kapagtinatanong ka ng nililigawan mo, lalo na kung asawa mo pa ang nililigawan mo.

"Gusto ko sanang manligaw.. " Mahinang saad niya, hinintay niya ang magiging reaksyon ng asawa pero para bang natulala lang ito na napatitig sa kanya kaya lalo lang siyang kinabahan.  "Shannon? "

"Seryoso ka? "

Tumikhim muna siya saka tumayo ng tuwid at tinitigan ang asawa.

"Seryoso ako,  lalo na pagdating sayo. " Alam niyang nanaig na naman ang galawang Genesis niya pero kakaiba pa rin sa pakiramdam dahil unang beses niya ngang manligaw.

Nakita niya na namula ang buong mukha ng asawa kaya naman matinding pagpipigil ang ginawa niya para wag mahalikan ang asawa o kahit ang hawakan ito.

Paninindigan niya ang panliligaw dito kahit pa araw-araw niyang gawin iyon.

"Tungkol ba ito sa pag-uwi ko?  Uuwi na rin naman ako." Umiling siya saka matamang tinitigan ang asawa. 

"Nope. Hindi ito tungkol sa pag-uwi mo.  Alam kong babalik ka sakin,  pero ngayon narealize ko nagkulang pala ako sayo,  masyado akong naging komportable dahil mag-asawa na tayo at ni hindi mo naranasan ang maligawan. " He gets her one hand saka ngumiti siya sa asawa. " Hayaan mo kong ligawan ka. Kahit araw-araw kong gawin to,  ok lang para maipakita ko sayo kung gano kita kamahal Shannon.  "

"Genesis.. "

"Ayokong isipin mo na dito lang tayo natatapos,  ayokong masanay ka sa ganto dahil ang gusto ko maramdaman mo kung gano ka kaespesyal sakin sa bawat araw na kasama mo ko. You deserve more than this sweety, because you are my queen. " He sincerely said.

Tama,  hindi niya lang basta asawa si Shannon. She was his forever,  a lifetime partner at ito ang dapat niyang gawin ang ipakita kung gano niya kamahal ang asawa.

"Lets eat,  dinalan kita ng avocado ice cream. " Saad niya bago pa makapagsalita si Shannon,  nakita naman niya kung pano kuminang ang mga mata nito at halos mapunit ang mga labi sa tindi ng ngiti.

Oh!  Parang gusto tuloy magselos ni Genesis sa avocado ice cream na dala dahil matapos iyon makita ni Shannon ay kinuha agad nito ang plastic bag na dala niya at walang sabi sabi na iniwan siya.

Mukhang ang ice cream na iyon pa ang magiging kaagaw ko..

Napapailing na lang si Genesis pero nakangiti naman na sinundan na lang niya ng tingin ang asawa na sabik na sabik sa pagbubukas noon. Kumuha na siya ng kutsara at tasa para sa lalagyanan ng asawa,  saka tumabi dito.

"Here,  mukhang sabik na sabik ka dyan a. " Natatawang saad niya, mukhang nakalimutan na nga ni Shannon ang sinabi niya dahil sa ice cream na iyon.

Nagulat na lang si Genesis ng bigla siyang halikan ni Shannon sa labi na naging sanhi para bumilis ang kabog ng puso niya. 

"Thank you dadi Genesis!  Gustong-gusto ito ni baby." Halos magtatalon ang puso ni Genesis sa saya ng makita ang magiliw na asawa dahil lang sa dala niya at para bang matutunaw ang puso niya dahil sa pagtawag nito ng dadi.

I can't wait to do my next step ..

Love at its Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon