Chapter 6

1.9K 119 3
                                    

Chapter 6

Naiintindihan ko naman na galit siya eh, pero kung ituring niya ako parang wala lang, hindi ko matatanggap.

Isa rin akong royalty!

Nagkamali ako nung pagtaguan ko siya pero ipinaliwanag ko na ang side ko, bakit pakiramdam ko sobrang laki pa rin ng kasalanan ko sa kanya?
Handa na nga akong tanggapin ang parusa so there's no need to treat me like a criminal.

" Tunay ba talaga siyang magaling na hari sa ugali niya? Hindi siya patas!"

"At bakit ganito ang binigay niyang damit sa'kin? Ano ba talaga ang trip niya? Pinaglalaruan niya ba ako?"

Kita ko na halos magsalubong na ang kilay ko habang nakatingin sa salamin.

I'm wearing a sleeveless black dress that is showing my cleavage. Umabot ang dress hanggang tuhod ko.

Pinasuot iyon sa akin ng tagasilbi bilang utos daw ng hari.

Itong kwartong kinatatayuan ko ang pansamantalang kwarto ko habang inaayos daw namin ang preparasyon sa pag-iisang dugo.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng hari-kung matatawag man iyong pag-uusap dahil ang ginawa niya lang naman mostly ay i-criticize ako, he then shut me off when he's done.

He's so cruel to me.

Tinuruan ba siya kung paano makipag-usap ng tama? I bet, hindi magaling ang social skills niya.

I sighed.

Darating daw ang mga magulang ng hari. There will be a dinner meeting. Meaning I have to act so cool about everything, that I am really happy with what's happening.
That it's okay for me to wear these kind of clothing when it's not.

Will my life be pressured with these kind of things?
Ngayon pa lang naiimagine ko na ang mga susunod na araw ko dito sa palasyo. Magiging aso ako ng hari.

Napatingin ako ulit sa salamin. I see my reflection but it's not me. Who is this person trying to look like a lady?

Parang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko sa naisip.
I brushed off the ugly feeling immediately.

Itinali ko ang buhok ko gaya ng lagi kong ginagawa.

Nanlaki ang mata ko nung may mapagtanto. "I'm showing too much skin!"

Tinanggal ko na lang ang tali ng buhok ko at winagwag iyon.

Buti na lang pala mahaba ang buhok ko. It helped me cover up some skin.
I looked at the mirror again, trying to process my appearance.

Matapos akong ilayo ni ina sa mga ganitong kasuotan..
I can't believe I am wearing this clothing now.

" But it definitely fits me."sabi ko sa reflection ko.

" It should."a voice answered.

Natigilan ako 'nung makita ko si Valentine sa salamin, nasa likuran ko na ito.

Hinarap ko siya na nanlalaki ang mata sa gulat. Yumuko ako agad bilang paggalang.

" Bakit ka nandito, mahal na hari?"tanong ko.

He frightened me! Hindi ko siya inaasahan dito.

Kanina pa ba siya?

Narinig niya ba ang mga sinabi ko?

" To fetch you."kaswal lang na sabi niya.

Mukhang hindi niya naman ata narinig.
Nakahinga ako ng maluwang.

Married to the King of all Vampires(Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon