Chapter 19
Kung iisipin, ano nga ba kami ni Valentine? We can't be regarded as friends, dahil una pa lang hindi na kami magkasundo. Others think of us as acquiantances, so I guess that's what we are, but it's more like we are forced to stay at each other's side.
He cares?
May mga iba't ibang klase ng pag-aalala. At alam kung kabilang doon ang pag-aalala ni Valentine na gagawa ako ng bagay na ikakasira ng reputasyon niya.
Alam kong hindi pa niya ako napapatawad sa pagtatago ko sa kanya noon at ngayon kung ano-ano na ang nangyayaring aksidente dito sa academy, where I am involved, unfortunately.
It's not like I wanted this but I am the only one who brought an uproar in this peaceful place since I came here.
" Mukhang malalim ang tama mo." The rogue smirked, looking at me from behind the bars.
He is still in his rogue form. Mukhang hindi pa ito nagpapalit ng anyo simula ng dalhin siya rito. He must be hiding his true identity as a vampire.
Hindi ko alam kung bakit pumunta ako dito sa selda niya. I just have a feeling that he knew something.
Hindi ko mapigilang isipin na may kinalaman din siya sa pagsaksak sa'kin.
Malinaw na sinabi niyang hindi lang siya nag-iisa. Siguradong marami na ang katulad niya ang nandito sa AltaFrancia at nagkukubli sa anyo ng bampira.Hindi man niya makita ang sugat ko alam kong naaamoy niya iyon o baka naman ay inaasahan na niyang mangyayari sa'kin 'to.
" Akala ko ay kailangan mo ako ng buhay? Tama lang talaga na hindi ako naniwala sa isang halimaw na tulad mo."
" Wala akong kinalaman sa nangyari sayo, prinsesa."
Nananayo ang balahibo ko kapag tinatawag niya akong ganun habang may demonyong ngiti sa labi niya.
" Bakit alam mong may nangyari sa'kin?"
" Naaamoy ko ang dugo na tumatagos sa telang nakabenda sayo. At kung balak kong patayin ka, noon ko pa ginawa. 'Nung nag-aaral ka pa lang pumatay ng tulad ko."
Nagtagis ang ngipin ko at hindi makapaniwala sa narinig.
Shit.
Kilala na niya ako noon pa? Kahit noong bata pa ako?
Kung ganun katagal na niya akong sinusubaybayan, marami na siyang alam tungkol sa'kin.
" Natural lang na may gustong pumatay sayo sa oras na malaman nilang isang kang halimaw. Tingin mo ba tatanggapin ka ng lipunang 'to? Kami lang ang kayang tumanggap sayo."
Naikuyom ko ang mga kamay ko.
" Mukhang nagugustuhan mo na dito. "tukoy ko sa kulungan niya.Tumalim ang mga mata niya. " Hindi mo alam kung ilang klase ng pagpapahirap ang kailangan kong tiisin. Malapit ng mapuno ang pasensya ko. Sa oras na makawala ako rito, uubusin ko ang mga Howards. Uunahin ko ang Gabriel na 'yun."puno ng galit na sabi niya.
Si Gabriel ang naatasang subaybayan siya. He is also incharge of interrogating him. He must be suffering from Gabriel's hands.
" 'Yun ay kung makakaalis ka ng buhay sa kulungang ito."sabi ko.
" Ang tanging bumubuhay sa'kin ay ang katotohanang isa ka sa amin. At hindi magtatagal ikaw na ang susunod na magiging Ludicris."
Nung marinig ang pangalang 'yun ay naikuyom ko ang kamao ko.
" Kapag sinabi ko iyon sa hari, ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya?"
Mas lalo ko pang naikuyom ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Married to the King of all Vampires(Season 2)
Vampire"Run before it's too late. And never look back."