Chapter 1: Lauren

166 2 0
                                    

(Play: Red by Taylor Swift)

"Losing him was blue like I'd never known,

Missing him was dark grey all alone,

Forgetting him was like trying to know somebody you've never met...~"

Pagkatapos ng kanta ko, nagpalakpakan na ang mga nanunuod. Napangiti naman ako dahil naramdaman kong nagustuhan nila ang huling kanta ko ngayong gabi kahit na mapapansin na medyo di naman ganun ka bagets ang karamihan sa loob ng resto bar.

Ako nga pala si Lauren Jaynne De Silva. Pero mas kilala ako bilang LJ. 2nd year college na ko itong pasukan sa University of West High, isa sa mga kilalang school dito sa bansa. Well, hindi naman ako ganun kayaman para mag-aral sa isang prestigious university. Pero dahil mahal ko ang pag-aaral, scholar ako kaya pasalamat na rin sa Diyos, magandang school ang napasukan ko. Nagpa-part time ako dito sa isang resto bar malapit sa University na pinapasukan ko. Mag-iisang taon na rin akong kumakanta dito. May pinag-iipunan din kasi ako.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 8:30pm na rin pala. Binaba ko ang gitara ko at nagpaalam na sa mga nanunuod at bumaba na ng stage. Dumeretso ako sa isang table kung saan malapit sa stage at nginitian ko ang best friend ko. Si Celine.

"Salamat pinagbigyan mo ang request ko." Sabi niya.

"Syempre naman 'no. Ikaw pa ba? Eh madalas nga lahat ng last songs ko request mo 'e." Sabi ko ng nakangiti sakanya.

"Oh, ano. Tara na?' Yaya niya sakin para umuwe.

"Oo sige." -Ako

Nagpaalam na ko sa boss ko at umuwe na kami. Di naman kalayuan ang bahay namin sa resto bar dahil within Makati lang din naman kami. Isang sakay lang papunta sa subdivision namin. Malapit lang kasi ang bahay namin. Few blocks away lang. Mga 5mins na lakad lang mula sa bahay namin ay bahay na rin nila.

Nang makababa na kami sa jeep, naglakad na kami papasok ng subd. Medyo tahimik kami dahil siguro sa pagod. Galing din kasi siya sa family reunion nila pero dahil nga best friend ko siya, never pang umabsent sa panunuod sakin 'yan sa resto. Kaya mahal na mahal ko 'yang best friend ko eh. Para ko ng kambal to eh. Hihi.

"Napag-isipan mo na ba?" Panimula niya sa usapan.

"Ah. Yung tungkol ba sa scholarship para sa exchange students?" Tanong ko.

"Oo. Malaki naman ang chance mo dun makapasa eh. Aba. Ikaw na yata ang pinakamatalinong nakilala ko." Sabi niya sabay tawa.

"Maniniwala na sana ako kaso tumawa ka pa eh." Tumawa na rin ako. Tapos sumagot ako ng seryoso. "Gusto ko naman talaga eh. Nakausap ko na rin sina Mama at Nicole. Pumayag na din naman sila. Kaso Bes, pano kung isa satin hindi makuha?"

Huminto siya at humarap sakin. Bigla niya kong hinawakan sa magkabilang braso at ngumiti.

"Don't mind me, Bes. If ever hindi ako makuha, isang taon ka lang naman dun eh. Para san pa yung cellphone, fb, skype, twitter, etc dba? Isa pa, ako na ang pinakaproud na best friend kapag nakuha ka. Sosyal ka mag-aaral ka sa L.A ng isang taon dba?" Ngumiti sya sabay tapik sa braso ko. Niyakap ko siya.

"Thank you, Bes. Goodluck na lang pagdating ng exam. Magreview tayo maige ha?"

"Oh sure. Tara na?" Pagyaya niya.

"Sige."

Ilang minuto lang nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Mauuna kasi kami dahil Block B kami sila nasa Block E kung saan malalaki ang bahay. May kalakihan din nman ang bahay namin pero mas malaki sakanila. Mayaman kasi tong best friend ko. Hehe. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at pumasok na ko sa bahay.

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon