CHAPTER 10

139 14 0
                                    


Someone's POV

"May nakuha na ba kayong balita tungkol sa kanila"bungad ko agad sa kanila.

"Actually boss nakita na namin ang unica hija nyo"napatayo ako dahil sa balita nya.

"Where is she?"tanong ko, masaya ako kasi makikita ko ulit sya—sila.

May binigay siya saking envelope at isang address ng bahay.

"Ano ang gagawin ko dito? " takang tanong ko sa kanya.

"Nasa loob po nyan ay ang mga litrato ng anak niyong babae at yan naman ay ang address nila, siya pa lang ang nahahagip ng mga mata ko kaya nauna na sya sa pinapahanap ninyo boss"sabi nya tumango tango naman ako at saka binuksan ang envelope. Bumungad sakin ang itsura ng aking anak pero pagdating sa ibang litrato iba na ang porma niya, naka nerdy glasses na sya.

"Siguro boss nagtataka kayo kung bakit naging nerd ang sunod kasi simula nung nakita ko siyang inalis ang nerdy glass nya ay dun ko lang napagtanto na sya ang hinahanap ko kaya dali-dali kong kinuha ang camera ko para kunan sya ng litrato "sabi nya.

Napaawang ang bibig ko sa nakita ko,sa tagal ng panahon tanging litrato lang ang hawak ko kapag namimiss ko sila hanggang ngayon na dalaga na ang anak ko litrato nya parin ang hawak ko, pinunasan ko naman ang luha ko.

"Bantayan mong maigi ang anak ko Alex" sabi ko.

"Masusunod po master"saka lumabas ng office ko, maghihintay muna ako ng tamang oras at sapat na panahon para makasama ko kayo.

Ang liit talaga ng mundo. Napansin ko naman ang logo ng isa sa mga nakuhang picture. Napangisi ako ng mapagtanto na sa paaralang pag-aari ko siya nag-aaral.

Samantha's POV

Dali-dali akong tumakbo patungong field dahil late na ako, bakit kasi nanood pa ako ng The Conjuring ayan tuloy hindi ako nakatulog dahil sa takot.Hayst nakakaloka talaga alam mo nang nakakatakot yun tapos nanood ka pa.

Takbo dito, liko doon, takbo ulit. Tumigil muna ako at saka hinabol ang aking hininga, ba't ba kasi ang laki ng University na ito ang lalayo ng mga building. Nasa tapat na ako ng building A ng may marinig akong nag-uusap.

"Pryx please wag mo akong iwan"pagmamakaawa ni Monique.

"Sorry Monique pero hindi na kita mahal"sabi ni Pryx.

"Dahil ba kay Sam "nagulat ako kasi narinig ko ang pangalan ko.Bakit ako nadamay dyan eh labas naman ako sa relasyon niyong dalawa, tss.

" Wag mong idamay si Sam sa usapan, wala syang kinalaman dito "Nasa likod parin ako ng building A nagtatago.

" Sagutin mo!"sigaw ni Monique. ".... Dahil ba kay Sam kung bakit hindi mo na ako mahal, Pryx sumagot ka" halos sigaw nya ng sabi habang ang mga luha nya ay parang nagkakarera sa pagbaba sa kanyang mga mata.

"Kung sabihin ko sayong oo maniniwala ka, wala ka ng magagawa kung mahal ko pa sya dahil sya naman talaga ang mahal ko at hindi ikaw"hindi ko na kinaya pa kaya naisipan kong tumakbo patungong field at ng makalayo sa kanilang dalawa.

"Aray"nabunggo ako at napaupo sa damuhan.

"Sorry, ayos ka lang "boses lalake, tumingala naman ako para makita ko kung sino yung nakabunggo sakin.

" Ayos lang"sabi ko habang pinapagpagan ang pantalon ko.

"Sorry talaga pero matanong nga kita bakit ka ba nagmamadaling tumakbo dito sa field "tanong nya, hindi naman ako nakasagot pero puros luha lang ang lumabas sa aking mga mata. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Dapat masaya ako dahil sinabi niya na ako naman talaga ang mahal niya.

" Miss may masakit ba sayo, dalhin na kaya kita sa clinic "nag aalalang sabi nya.

" Wag na, okey lang ako "sabi ko, ok lang ako walang masakit sa katawan pero yung puso ko hindi ok, sobra na syang nasasaktan.

" Sure ka"tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi parin maawat ang luha ko, ang tanga mo kasi ba't mo pa pinakinggan, kung kailan try to move on na ako saka mo pa lang napagtanto na ako pa pala ang mahal mo, may kaunti pa pero hindi na tulad ng dati na paglumapit sya kinikilig ako, pagtumitingin sya sa mga mata ko parang matutunaw ako at pag nahawakan nya ako parang may kuryenteng dumadaloy sa sistema ko. Ngayon, wala na, wala na akong nararamdaman para sa kanya.

"Miss sandali"nagulat naman ako sa sumigaw kaya lumingon ako sa likuran at nakita kong tumatakbo yung lalakeng nakabangga ko kanina. Tumigil sya sa harapan ko habang hinahabol ang kaniyang hininga. "Miss na-naiwan mo" sabay abot ng necklace ko, kinuha ko naman ito at saka binaling ang atensyon ko sa lalake,namukhaan ko naman sya. Sya yung lalakeng nakatama ng bola sa ulo ko nung first day!

"Salamat"sabi ko.

"Walang anuman,I'm Luke by the way"sabi nya, tiningnan ko naman ang nakalahad nyang kamay. Titingnan mo na lang ba ang kamay nya~sabi ng isip ko.

Tinggap ko naman iyon kaya nakipagshake ako.

"Sam, Samantha "nagulat naman sya pero bumalik rin sa dati ng ilang oras, may problema ba sa pangalan ko? tanong ko.

" Nice to meet you Sam"sabi nya.

"Nice to meet you too"sabi ko. "Sige alis na ako" paalam ko nakita ko naman tumango sya kaya tumalikod na ako at papunta na ng room.

***

"Hoy Sam ang aga aga lutang ka na naman"nagulat ako dahil sa sinabi ni Kiara.

"Hah" takang sabi ko.

"Anong hah, kanina pa kita tinatawag at kinakausap pero ang isip mo nasa kaharian ni Venus,"sabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo Kiara,"sabi ko.

"Nakita mo ba si cupid"sabi nya na napakunot ng noo ko.

"Haysst ewan ko sayo"may halong inis kong sabi.Ahh ba't ko ba sya iniisip kanina ayan tuloy wala akong maintindihan sa lesson ni Sir Alvarez.

"Hey Sam yuhooo"ano ba yan ang ingay talaga ni Kiara minsan.

"Ano"inis kong sabi.

"Dapat ako po ang mainis kasi kanina pa kita tinatawag, ano ba kasi ang iniisip mo?mukhang malalim eh,"sabi nya.

Hindi ko sya sinagot, naalala ko na naman ang nangyari kanina hayst sana wag nya na akong guluhin pa.

Mabuti nalang at tumigil na sya kakakulit sakin

A/N: Sa mga nagtatanong... Haha 😂 at nagtataka kung bakit may miss Alvarez at sir Alvarez kasi ganito po yun...... Magkambal po sila.

Miss Ivy Alvarez =>Kasaysayan o history ang subject nya.

Mr. Romeo Alvarez => Research naman ang subject niya.

Gets??

Yun lang thank you.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon