CHAPTER 8

143 13 0
                                    

Samantha's POV

Hindi ko talaga lubos maisip na magkikita pa kami. Nandito na sya sa harap ko at alam kong hindi nya ako nakikilala, sa presensya nya palang bumabalik ang galit at inis ko sakanya. Kahit na sabihin mo pang isang taon ang nakalipas, para sa akin kahapon lang nangyari. Naiisip nyo nang ang babaw ko pero yun talaga ang nararamdaman ko.

"Are you sure that you're alright? " nag-aalalang tanong nya, sa isip ko halos pagsasampalin na kita hanggang sa maramdaman mo yung sakit pero unfair kasi mas masakit yung nangyari sakin.

"I'm fine, thank you for the concern" nakangiting sabi ko pero ang totoo peke lang naman. Gusto ko munang maging plastic sa harapan niya dahil ganun din naman siya sakin noon.

"Okay, I leave you now"sabi nya sabay talikod sakin.Pero humarap ulit. "Did we met before, you look so familiar" tanong nya.

"No"maikling sabi ko, umalis naman sya ng may tanong sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ang pagmamahal sayo Mika pero binalewala mo dahil sinira mo ang pagkakaibigan natin ng dahil sa isang lalake.

***

Naglakad akong tulala patungo sa room namin. Beauty care ang kinuha kong TLE dahil kumportable ako dito.

"Sorry I'm late "sabi ko, nadatnan ko kasi silang nakikinig at nagtuturo ang instructor namin.

" It's ok you may take your sit"tumango naman ako at pumunta sa upuan ko.

"Oh anyare sa'yo"tanong sakin ni Reanne, classmate ko.

"Wala pagod lang siguro ito, kailan daw yung practicum natin?" tanong ko, hindi kasi ako nakapasok nung nakaraan kaya hindi ako update sa lesson.

"Hmm next week pa kaya don't worry " sabi nya, nakinig na lang ako sa lesson para makabawi ako.

Kakatapos palang nang klase namin at lumabas na ako. Nakakailang hakbang palang ako may pumatid sakin. Bakit ang malas ko ngayon araw?

" Hahahahaha "
" Hahaha look at her haha"
"Bagay lang sakanya yan Lily "
" You're right"

Ilan lang yan sa mga narinig ko mula sa mga malalandi kong schoolmate, tss ano ba pa ang bago. Pinilit kong tumayo pero nanghihina ang mga tuhod ko, masama ata yung bagsak ko kaya nagkaganito. Naramdaman ko naman ang paghapdi ng tuhod ko, wahh takot pa naman ako sa dugo huhu😭😭.

"Anong nangyayari dito" natuod ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang dumating.

"Tatanga kasi kaya ayan ang resulta" napatingin naman ako sa nagsalita. Kailan ba ako titigilan ng babaeng 'to? Kanina lang nangbuhos ng juice ngayon naman nampatid pa. Huhu ba't ang malas ko today, pinaparusahan na ba ako o naniningil lang...... Hayy at eto pa.. Ibaon nyo na ako sa lupa ng buhay😭😭

"Irene pwede ba "sabi ni Pryxx, sa dinami-dami ng pwedeng makakita sakin bakit sya pa.

"Pryxx, totoo naman ahh at tatanga - tanga kaya ayan ang napala" sabi ni Irene, kahit kailan talaga.

"Sige nga sabihin mo nga sakin na mali yung nakita ko. Irene pinatid mo sya anong tatanga-tanga?"nagulat naman si Irene sa narinig. Ngayon anong napala mo. Ano bang meron sakin at ang kamalasan namamagnet ko.

"So kinakampihan mo ang panget na yan"inis nyang sabi, asus mga palusot mo laos na. Hey I'm here huhu ang sakit na ng tuhod ko.

"Anong nangyayari dito"sabi ng bagong dating. Pamilyar sya kaya tiningnan ko kung sino.... Tss sana pala hindi na ako tumingin kasi may demonyo akong nakita.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon