Chapter 29

96 8 0
                                    

SAMANTHA POV

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan, todo dada naman si Kian sa loob. Hindi ko sya pinansin hanggang nasa gym na kami. Madilim na ng dumating kami dahil sa traffic, kasunod lang namin ang anim at ang tatlo kong kaibigan. Kita ko naman ang pagtitig ni Pryxx sakin, napatingin ako kay Kian ng hawakan nya ang bewang ko at tumango sa mga kaibigan nya pati sa kaibigan ko. Nauna na kaming pumasok at ang tingin ng iba kita ko kung pano lumaglag ang panga nila ng makita ako. Kapag may make up ako o naayusan ay makikita talaga nila ako.

"Paano? Si Yerin yan di'ba?"
"Partner sila ni oppa Kian?"
"Wahhhh😍bagay na bagay talaga sila"

"Shit! Nakita ko na naman sya dude"
"Ang ganda nya sobra!"
"Balak ko sanang ligawan kaso pag-aari na pala ni pareng Kian kaya wag na lang"

Napatingin naman ako sa katabi ko na tumawa ng mahina.

"Nababaliw ka na ba? Tumatawa ka ng walang dahilan dyan"inis kong sabi.

"Nababaliw sayo Rin" nakangiting sabi nya. May dumaang sakit sa ulo ko pero nawala din kaagad. Hindi napansin ni Kian na nawalan ako ng balanse dahil may kausap syang kaklase.

"Nababaliw sayo Rin"
"......... Rin"

Bakit parang napaka pamilyar ng pangalan nayun sakin?

" Rin dito ka lang"

"Bakit ba Ki? Gusto ko pumunta dito ehh"

"Dito ka na kasi sa tabi ko Rin! Ang layo mo eh para namang may nakakahawa akong sakit sa ginagawa mo!"

"Hindi ako bingi Ki kaya wag kang sumigaw"

"Hey! Are you ok? You look..... Bothered " nagulat naman ako ng yakapin ako ni Kian mula sa likuran at pinatong ang baba nya sa balikat ko.

" Ahh oo ok lang ako, may sumagi lang sa utak ko" sagot ko, iniwan naman nya ako sa mga kaibigan ko.

"Ano yun ahh? Ang sweet nyo, kayo na ba?" tanong ni Faye, tinampal naman sya ni Kiara,sasapakin na nya sana ito ng napatingin sya kay Daniella na handa nang tumawag kaya humalik ito kay Kiara.

"Yuckk! Pano kung bumakat yang makasalanan mong labi sa pisngi ko" maarteng sabi ni Kiara.

"Love you too" sabi nya sabat role eyes.

"Asan na date nyo?" tanong ko.

"Ayun sa mga babae nila, saka iniwan ka din ng partner mo kaya wag ka ng magtanong" sabi ni Faye, natawa nalang ako ng mahina.

"Well! Yerin MONTES? Woah! Ang galing naman! Sa lahat ng University dito ka pa talaga sumipot at sinulot mo pa ang boyfriend ko" sabi ni Irene,napatingin naman sya kina Faye, Kiara at Daniella.

"Pwede ba Irene lumayas ka dito kung ayaw mo ng gulo" cold na sabi ni Kiara.

"Wala ata ang panget nyong kaibigan? Sabagay! Panget ehh alergy sa party. At ikaw? Hindi ka invited dito ka-"

"Stop it Irene! She's my partner tonight so stop pestering her" cold na sabi ni Kian.

"But"

"No but, leave"napilitan naman syang umalis sa table namin. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Yerin Montes? Eh sa pagkakatanda ko Samantha Laurel ang name mo?" takang tanong ni Faye, namilog naman ang mata nya sa sinabi.

"Bakit Faye?" tanong ni Kiara ng mapahawak sa bibig si Faye.

"So I'm right! Ikaw nga yung girl na nakita ko 1 year ago. NEO pa ang logo ng uniform mo noon hindi ba? Saka nakita ko na din yung pangalan mo sa mga teens magazines kaya pala familiar ang mukha mo sakin" sabi ni Faye, nalaglag naman ang panga ko sa sinabi ni Faye.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon