SPECIAL CHAPTER 2

73 7 0
                                    

EITHANIEL POV

"Mommy! Si kuya Eithaniel ohh.".sumbong ni Leny.

"Aba! Sige! Isumbong mo ako, ganyan ka naman lagi tapos kapag ikaw ang may mali pinagbibigyan ka nina mom at dad." cold kong sabi, pumasok naman si mom.

"Ano na naman itong naririnig ko galing sa kapatid at pinsan mo Eithaniel! Hindi ka ba titinong bata ka! Hindi naman babaero ang daddy mo, saan ka ba nagmanang bata ka." galit na sabi ni mom, tiningnan ko naman si Leny na ngayon ay naging maamong tuta.

"Yan lang ang akala nyo." cold kong sabi, tumayo naman ako at lumabas ng kwarto. Tinawag pa ako ni mom pero hinayaan ko na lang.

I want to see my friends now. Hindi alam ng mga kaibigan ko na ganito lagi ang ratrat ng nanay ko.

Mabait si mom at maalaga kapag nandito silang anim.

*****

"Oyy pre andami mong kinain ahh gutom na gutom?" tanong ni Rocky, tumango naman ako.

Umalis ako sa bahay ng wala pang kain, wala naman silang pakealam kung mamatay ako sa gutom.

"Ahmm excuse me, and pwede bang pasuyo sa sandwich." sabi ng pinsan ni Samantha.

Kilala ko sya kasi same school naman kami kaso ibang building nga lang.

"Ahh sure." binigyan ko naman sya ng dalawang sandwich.

Akala ko aalis na sya pero hindi pala. Tumabi sya sakin at tumawa ng mahina.

"You're Eithaniel Lee right?" tumango naman ako. " Hindi ko aakalain na makikita kita rito at makakausap kita ng malapitan." sabi niya.

"Ako rin." sabi ko sakanya.

"I know you're a playboy." napatingin naman ako sakanya.

"Yeah, tatanggapin ko yun kasi yun naman talaga ang totoo pero sa maniwala ka o hindi tumigil na ako when we met Sam." sabi ko.

Naalala ko pa nun nung binalaan kami ni Kian, todo sapak at bugbog ang natamo ni Rocky nun dahil nalaman nya na sya ang bumato ng bola kay Sam kaya ito dinala sa clinic.

"You like my cousin?" tanong niya.

"Sino ba naman ang hindi, nung una crush ko sya. Ang bait nya kasi pero minsan ang taray, lahat naman at kami may gusto sakanya." sabi ko, yumuko naman sya at nagsimula ulit kumain.

"Oo nga naman, hindi ko pa sya gaanong kakilala kasi nung nakaraang taon ko palang sya nakita at si Ken." lumapit naman ang kuya nya.

"Hinahanap ka na ni dad." tumango naman sya at nagpaalam sakin.

*****

"May gusto ka sa kapatid ko." tanong ni kuya Kieffer,kapatid ni Kristine.

"Ahh I have a little crush on her when I see her in the singing contest." nahihiyang sabi ko, tumango naman ako kuya niya.

Kinakabahan ako at baka suntukin na lang ako neto kapag nainis sakin.

"Kaibigan ka ni Kian right?" tumango naman ako. "He's a good man for my cousin. Kristine likes you too." nagulat naman ako sa sinabi niya, gusto din ako ni Kristine? Impossible?

*****

"Sinabi na pala ng kuya ko nakakahiya." nagtakip naman sya ng panyo sa mukha.

"No! May gusto din naman ako sayo eh saka mas nakakahiya kasi sa kuya mo ako nagconfess. Kilala pa naman akong playboy pero ang magconfess hindi ko magawa." nakayukong sabi ko at nagkamot sa batok. Kakahiya ka Eithan!

"Haha cute mo nga eh saka I'm happy that I'm the first, boyfriend na kita ahh? Ayaw ko na manligaw ka pa basta ba walang babae bukod sakin." wow? Kakaibang babae.

Natawa naman ako at tumango. Akala ko manliligaw pa ako.

Kristine Laurel is now my girlfriend.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon