CHAPTER 22

111 8 0
                                    


Samantha's POV

Naalimpungatan ako sa ingay nina Kiara at Faye, paano ko nalaman? Ehhh sa matagal ko na bang naririnig ang mga boses nila, away dito,away doon, ohh diba? Maaalala mo ang mga boses nila.

"Sino ba kasi ang may gawa nyan sa kanya?"rinig kong sabi ng pamilyar na boses, napamulat naman ako at tama nga ang hula ko.

"Eh-" di ko na pinatapos ang dapat na matapos.....sumalungat na ako.

"Nahimatay lang ako dahil sa init," kita ko sa mata nila ang gulat.

"Talaga? Dahil nga ba sa init? Eh ano yang sa noo mo," sabi nya habang turo turo ang noo ko.

"Are you ok Sam?" nagaalalang sabi ni Faye, tumango naman ako bilang sagot.

"I'm fine," lumapit naman sakin si Kian, di ko inexpect na nandito sya, nakaramdam naman ako ng tuwa.

"Kumusta pakiramdam mo?" lolokohin ko lang ang sarili ko kung di ko sya nakikitaan ng pag aalala.

"Ayos naman ako, nahihilo nga lang ng konti ," sabi ko habang hawak ang ulo ko. Totoo naman eh, ikaw ba naman ang tamaan ng bola sa ulo kung di ka pa mahilo.Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi.

"Sorry pala kagabi," nahihiyang sabi ko sakanya.

"Ok lang, di naman ako galit eh,"nakangiting sabi nya na minsan ko lang makita.

"Ehheem, baka nakakalimutan nyo na andito pa-awww ba't ka ba nangungurot," napatingin naman kami kay Faye na himas-himas ang kanang braso.

"Ang ingay mo kasi, kanina kami ni Kian ang pinagagalitan mo talos ngayon ikaw naman ang maingay,"napanganga na lang ako, wow pati ba naman dito mag aaway sila, 'di ka pa nasanay Sam, ganyan na yan simula pa lang' sabi ng isip ko.

"Still there?" napakurap naman ako sa sinabi ni Kian.

"Ahh oo naman,"

"Hayy pati ba naman dito sa clinic magaaway kayo, tigil na nga," suway ni Daniella, hanga na talaga ako sakanya dahil natagalan niya ang mga bruhitang ito hahah 😂 wag nyong sasabihin ahh secret lang to.

"HUYY!!"

"Ay bruha!!" sigaw ko. " Ano ba! Ba't kayo nanggugulat?" sabi ko.

"Bruha pa ahh, fyi, maganda kami at hindi bruha hmmpt😒," sabi ni Faye sabay walk out.

"Babaeng yun talaga," natatawang sabi ni Kiara at sinundan si Faye.

"Sige maiwan ko na muna kayo, Sam, Kian, susundan ko lang ang mga bruhang yun," natatawang sabi nya, tumango naman ako.

"Alam ba ito ni tita?" tanong niya ng makalabas si Daniella.

"Hindi alam ni mama," sabi ko.

"Sino ba talaga ang may gawa nyan sayo? wag kang magsisinungaling sakin Sam," sabi niya nang may pagbabanta, no choice so ano pa nga ba.

"Kian promise me one thing,"

"I won't promise Sam, who did that to you?" turo nya sa noo ko.

"Please Kian just promise me you won't beat him,"pagmamakaawa ko sakanya,kahit kinaiinisan ko sya sa campus updated pa din ako sa mga binugbog nya at ang uwi sa hospital, paano ko sasabihin sakanya to, na kaibigan nya lang ang may gawa.

"Kian please, sakin na lang yun ok, ok naman na ako eh,"sabi ko at pilit na tumatayo.

"No! Hindi ko to papalagpasin Sam," may diing sabi niya.

"Please Ki don't," bigla na lang lumambot ang expression niya, that's weird pero nakahinga ako ng maluwag dahil dun.

"Ok just be careful next time," napangiti naman ako,napatingin naman sya sa relo nya.

"It's 4:30 in the afternoon kaya ihahatid na kita,wag ka nang umattend ng next class," nakahinga ako ng napakaluwag sa sinabi niya.

"Thank you Kian," nakangiting sabi ko.

*******PARKING LOT **********

"Why are they together?"

"Oh my god! Is she flirting to our prince,"

" Oh no,no way that ugly witch,"

"Oh my god sila na ba?"

"Hindi no, hindi naman siya papatulan ni Prince Kian eh,"

Kumulo naman ang dugo ko sa narinig, napasinghap ako ng hawakan nya ang kamay ko, pinagsiklop nya ang kamay nya sa kamay ko, kung tiingnan parang may relasyon kaming dalawa pero sa totoo wala naman. Gusto ata ako netong pasabunutan sa mga fangirl nya bukas, hayy buhay.......

"Oh no, hinawakan ni Prince Kian ang kamay nya,"

"Oh my! That evil witch is getting into my nerves,"

"Damn sila na ba talaga?"

"I envy her but I'm more prettier than her,"

"Dont listen to them, they're just obsessed with me," napa ngiwi na lang ako sa sinabi niya.

"Ang hangin naman dito, may bagyo bang paparating?"

"Tsk, stop doing that! Totoo naman ahh?sa gwapo kong to kaya sagutin mo na ako," tiningnan ko naman sya ng masama.

"Advance lang kung mag-isip, kanina lang ang hangin mo kulang na lang mag transform kang ipo-ipo sa lakas ng hangin," sabi ko.

"Kung ipo-ipo din ang pag-uusapan mas malakas ang appeal ko," tsk mayabang talaga as always.

" Mandrive ka na nga lang dyan maaksidente pa tayo sa kayabangan mo," pagtataray ko.

Tahimik lang kami hanggang sa makapasok kami ng subdivision.

"Mahahalata nina tito at tita ang noo mo,"sabi nya, napahawak naman ako sa noo ko.

"May masakit ba?" nag-aalalang sabi nya.

"Ahh hindi naman,"nakangiting sabi ko at ang hindi ko inaasahan ay ang pagganti nya ng ngiti sakin. Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko, alam ko ang ibig sabihin nito. Handa na ba akong masaktan ulit?

******

Hi guyz... Sorry kung ngayon lang ako nakaupdate, busy kasi si author kaya ganun. Salamat ulit sa mga nagbabasa neto.

Salamat guys love you

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon