CHAPTER 28

112 8 0
                                    

SAMANTHA POV

"Sam may isusuot ka na ba mamaya?" tanong ni Faye sa akin, tumango naman ako.

"Woah sure ka Sam! This party is so gonna be exciting" nakangiting sabi ni Kiara. Ngayon ko lang nakitang masaya to o kaya excited, laging galit o kaya seryoso.

"Nasan si Kiara? Bakit nawawala" tanong ni Faye. Huh? Andito kaya si Kiara.

"Ahhhh Faye and-"

"Sam wala si Kiara dito, baka multo lan-Aray naman! Ba't nambabatok ka? Ang sama neto" -Faye.

"Wala pala eh andito ako sa harapan mo gaga! Bulag ka ba o pinagloloko mo na naman ako?" inis na sabi ni Kiara.

"Nag-aaway na naman ang aso at aso" sabat ni Bryan,napatingin naman kami sakanya at nag taas naman ako ng kilay.

"Aso at aso? Di'ba aso at pusa dapat? Anong pauso mo Bryan? Ohhh hi Ken." tanong ni Faye. May sanib din ata to. Iisipin ko talaga na may gusto to sa kapatid ko. Nangilabot naman ako sa naisip.

"Hello" walang ganang sagot ni Ken, aba first time! Anong problema nun? Napagalitan na naman ata ni mama.

"Wala! Saka para maiba naman diba ate yen?" tinarayan ko naman sya.

Andito sila sa bahay namin, bored daw sila sakanila kaya pumunta dito. Friday at wala kaming pasok dahil ngayon ang Junior's Ball. Dito na din sila magbibihis at magpapamake up, nalaman kasi nila na may sarili akong make up artist at may mga damit dahil kay tita Amy. Maaga pa naman para mag ayos kaya nasa sala muna kami ngakukwentuhan.

"Ang cute naman ni Ken, kinikilig ako" kinikilig na sabi ni Faye, Hala! Seryoso ba sya?

"Child abuse ka gaga kaya tumigil ka" singit ni Kiara.

"Eh ano bang pake mo? Age doesn't ma-hmmm" nilagyan naman sya ni Daniella ng tinapay sa bibig. Natawa naman kami, napahinto lang ng tingnan nya kami ng masama.

"Ang ingay mo" sabi ni Daniella.

"Eh di kayo na ang tahimik" inis na sabi ni Faye at tumayo.

"Uyyy san ka pupunta?" taka kong tanong. Hindi nya ako pinansin at dire-diretso palabas ng bahay namin. Hindi naman sya uuwi di'ba?

"Hayaan mo na yun,walk-out queen talaga yun" natatawang sabi ni Kiara.

Alas tres na ng dumating si tita Ali, ang make-up artist ko kasama ang katrabaho nya, sinabi ko kasi na may magpapamake-up din kaya nagsama sya ng tatlo.

"Wahhh gusto ko din na magpamake-up artist" sabi ni Faye.

"Mga kaibigan mo ba sila bakla?
Ang gaganda like you" gigil nyang sabi, tumango naman ako bilang sagot.

"Ate andito si kuya Kian!" sigaw ni Bryan. Napatingin naman ako sa tatlo na ngayon ay sinlaki ng kamatis ang mata. Napa face palm na lang ako! Bakit ko ba nakalimutan na hindi nila alam na pumupunt si Kian sa bahay.
Patay ka ngayon Samantha!

"Si Kian? May pinsan kang Kian ang pangalan? O si Kian na schoolmate natin?" sunod-sunod na tanong ni Faye, seryoso naman akong tiningnan ng dalawa. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Ahh si Kian na schoolmate natin." Kinakabahan kong sagot.

"Bakit?" sabay ng tatlo.

"Wow sabay talaga mga bakla? Opsss sorry sige gora kayo" natatawang sabi ni ate Ali.

"Ahh ganto kasi yun, wag kayong seryoso natatakot ako sainyo eh. Kilala ni mama at papa si Kian kasi kaibigan ni mama at papa si tita Emma na mommy ni Kian, ok na?" pinagpawisan ako dun ahh.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon