CHAPTER 20

123 10 0
                                    

***×***Continuation ***×***

Samantha's POV

Tawa kami ng tawa kanina sa hapag kainan. Ewan ko ba, ang saya ko ngayon na kompleto kami-mali pala may isa palang dumagdag.

"Salamat po tita sa pagkain,"nakangiting sabi ni Kian kay mama/mom.

"Bumisita ka ulit dito pag may oras ka,"sabi ni mama.

"Kung ok lang po kay Sam,"sabi nya sabay tingin sakin, napatingin naman si mom at dad sakin, hayy tututol sana ako kaso sina mom at dad na to eh.

"Bakit ako? Ako ba ang mayor dito?di naman ah,"sabi ko.

"Si ate talaga, pwede namang oo o hindi ang dami pang dada,"sabat ni Ken, aba nandito pala ang ugok na to di ko man lang nakita.

"Pumili ka, bugbog o batok,"sabi ko sakanya. Napahawak na lang sya sa batok nya.

"As if naman ate na may pagpipilian ako,"

"Binigyan na nga kita ng pilian diba,"mataray kong sabi.

"Eh puro pananakit ang nasa pilian eh, paghindi naman ako pumili babatukan mo pa rin ako,"matalino rin pala ito, akala ko laro lang alam nito.

"Tama na nga yan,Sam ihatid mo na sya at nang makapagpahinga na sa kanila,"sabi ni mama, tumango naman ako at sinamahan si Kian palabas.

"Mukhang mapapadali ata ako kapag nanligaw ako sayo,"nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, aba lokong to.

"Hoy!"babatukan ko sana kaso tumakbo ang loko kaya ayun, takbo ako ng takbo para mahabol sya. Hingal na hingal ako pagdating sa garage at ang loko nakangisi pa, ahhh!! papatayin kita pagnagkataon, pero good girl to kaya wag na lang.

"Pagod ka na ba mahal na prinssesa,"nakangising sabi niya.

"Tseh, tumigil ka kung ayaw mong suntukin kita,"hinihingal kong sabi.

"Sige na, lumayas ka na,"pagtataboy ko sakanya. Nakapasok na sya sa sasakyan nya. Humarap naman sya sakin.

"Wala ba akong goodbye kiss," gusto ata akong maging tarsier ng lalaking to sa panlalaki ng mata.

"Goodbye kiss?"nakangiting sabi ko. Tumango naman sya. Lumapit naman ako sakanya,nang makalapit na ako ay napapikit naman sya, at ako naman, tinampal ko naman sya sa gilid ng bintana, napa-aray naman sya.

"Aray!! Kiss ang hinihingi ko hindi pagkabagok ng ulo ko," hinihimas nya ang ulo nya,naguilty naman ako ng may dugong pumatak sa gilid ng ulo nya, nataranta naman ako, wahh kasalanan ko to eh, huhu.

"Sorry, ikaw kasi eh,"hayy nagpapanic na ako eh, hahawakan ko na sana yung sugat nya ng tapikin nya ang kamay ko.

"Ok lang ako, ipapagamot ko na lang sa bahay pag-uwi,"cold na sabi nya. Oh my god I didn't mean to-ahh ano ba huhu.

"Kian sorry talaga,"hindi nya ako pinansin at dali daling pinaandar ang kotse nya.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko, wala na akong ganang kumain. Napadive naman ako sa kama.

"Wahhh pano na to,kasalanan mo kasi eh, kiss lang ang hinihingi nung tao pinagkait mo pa ayun tuloy may sugat sya,"baliw na kung baliw pero stress na stress ako ngayon.

"Pero loko naman kasi sya eh bagay lang sakanya yun pero wahh!!kasalanan ko pa rin,"huhu anong gagaain ko, narinig ko naman na may kumatok sa kwarto ko. Tumayo naman ako.

"Ang ingay mo naman ate, nababaliw ka na ba?"si Ken lang pala, binatukan ko naman sya.

"Aray naman ate, amazona forever, bumaba ka na daw at kakain na,"tumango naman ako.

"Busog pa ako Ken,pakisabi kay mom thanks, matutulog na ako,"isasara ko na sana ang pinto ng harangin nya ito.

"Ang aga pa ah, at bakit parang-,"di ko na pinatapos ang dapat nyang sabihin ng sarhan ko na sya ng pinto, sorry little bro, wala ako sa mood eh.Huhu pano ko sya haharapin bukas.

********

A/N:

Hi guys, thanks sa mga votes and follow.Short update muna guys.. 람 사 함 니 다 칭 고

Vote

Comments

And follow

살 앙 해 요

(욘 옐 인)😘

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon