CHAPTER 21

111 9 0
                                    


Samantha's POV

6:30 na ako nagising kasi hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Ewan ko ba kung bakit ang tamlay ko pagkagising kanina. Bumaba naman ako syempre, as always di mawawala ang nerdy glass ko with make up (color brown foundation not the light one). Nasa kusina na sina mom, dad at Ken nang bumaba ako.

"Is there something wrong princess?"tanong ni dad,"I'm fine dad, kulang lang ata sa tulog. Morning mom,"wala na akong makuhang palusot

"Eh ang aga mo ngang natulog kagabi puyat ka pa rin,"sabat ni Ken, binatukan ko naman sya, tss putulin ko dila mo eh.

"Pinapainit mo na naman ang ulo ng ate mo kaya ka nagkakabukol eh,"sabi ni mom, ewan ko ba kung biro yun, basta! Ang aga aga pinapainit naman ang ulo ko ng bubwit na to...

"Hayaan na nga mom, nababaliw na nga yan kagabi baka mabaliw ng tuluyan yan ngayon," sinamaan ko naman sya ng tingin yung mamatay talaga sya sa talim ng titig ko, pero nginitian lang ako ng loko, inirapan ko na lang sya,ayaw kong pumatol sa isang bakla

"Hoy ate hindi ako bakla noh, sa kapogian kong to bakla,"proud na sabi nito,napairap na lang ako.. Ang yabng talaga.

"Hoy ka rin! Alam mo ba sa panahon ngayon ang mga gwapo ay mga binabae na naiintindihan mo ba..... Bakla ka period," natatawang sabi ko, halata naman na naiinis na sya sa sinabi ko kaya nagpaalam na ako kay mom at dad..

Habang nasa kotse ako, iniisip ko parin yung nangyari kagabi.
Pagpasok ko, wala nang mga estudyanteng gumagala sa campus 'malamang nasa classroom na sila at nakikinig sa lecture ng teacher' baliw na nga ata ako.

"Oh hija, bakit ata ang tamlay mo ngayon, may masakit ba syo?"napatingin naman ako kay kuya Edward, remember?yung guard na tumulong sakin na hanapin yung room ko nung first day. Dumating naman ako sa room wala na si Mrs Cruz, tumakbo naman sina Daniella pakakita sakin.

"Akala ko di ka na papasok," bungad sakin ni Faye.

"Oo nga,"sang-ayon naman ni Kiara.

"Kayo talagang dalawa kahit kailan ang dadaldal nyo, halika na nga Sam iinterviehin ka na naman ng dalawang yan,daig pa ang mga reporter kung magtanong,alive na alive,"sabi ni Daniella, napangiti naman ako.

"Tara punta tayong canteen," aya sakin ni Daniella, tumango naman ako, kaunti lang kasi ang nakain ko kaninang breakfast kaya no choice kundi kumain saka nagugutom na ako. Pagdating namain sa canteen, napanganga na lang ako, bakit ang daming mga estudyante dito?

"Bakit ang daming estudyante dito?diba class hour pa nila?"tanong ko.

"Late ka na kasi dumating kaya di mo narinig yung announcement kanina sa ceremony," huh?announcement?hayy yan kasi. Late is life nga naman.

"Ano ba yung announcement kanina?"tanong ko ulit.

"Na mayroong meeting lahat ng teacher sa campus pero bawal pang umuwi kaya tambay at gala lang dito sa campus ang pwede," paliwanag ni Daniella sakin, napatango naman ako.

"Grabe iniwan ba naman tayo sa room at di man lang tayo sinama Kiara, hmmpt ang sama nila diba?"napatingin naman kami sa likuran at nakita naming nakabusangot ang dalawa, haha ang cute.

"Alam naming cute at maganda kami kaya back off,"mataray na sabi ni Kiara, nagkatinginan naman kami ni Daniella at ngumiti.

"Haha ganun,ang drama niyo talagang dalawa,"nakangiting sabi ni Daniella.

"Hmmpt!wag mo kaming kausapin,"nagkatinginan ulit kami ni Daniella, haha ang cute talaga.

"Edi wag!bahala kayo, halika na Sam at maghahanap tayo ng mga boys,"sabi ni Daniella,kumindat naman sya sakin ng palihim at alam ko naman ang gusto nyang ipahatid.

******************************

Nasa field kaming apat nanag may tumamang bola sa ulo ko,teka?!bakit parang nangyari na ito,lumapit naman sina Daniella sakin nang may pag-alala sa mga mata nila.

"Oh my god! Sam are you okay?"tumango naman ako kahit hilong-hilo na ako,tumingin naman ng masama si Daniella sa likuran ko at tumingin ng masama, at tumingin din ako sa likuran. Nakita ko naman si Rocky na nakangisi, si Kyle, Luke,
at si Eithaniel.

"Oh andito pala kayo at mas lalong ikaw, kaya pala gustong tumama ng bola dito kasi may na detect na panget na katulad mo," nakangising sabi ni Rocky,ano bang problema ng lalaking to at ako ang palaging pinagtitripan.

"Pwede ba Rocky, tigilan mo ang pagbubully sa kaibigan namin," sigaw ni Faye, oh my! galit na sya.

"Faye ok lang ako, di naman niya sinasadya eh," sabi ko, kahit sa loob ko gusto ko nang manapak ng demonyo,pero kailangan kong magpigil.

"Hindi eh! Sa tingin mo hindi na yun sinasadya, Sam naman,"sa loob loob ko ay gusto ko ng manapak, pero pinipigilan ko lang..pinigilan naman sya nina Kiara at Daniella sa magkabilang braso..

"Rocky ano ba, wala namang ginagawa yung tao sayo eh,"sabat ni Kyle, nakikita ko sa mga mata nya ang awa...

"Hey! What happened here?"sabi ni Michaela na kararating pa lang,tiningnan ko sya ulo hanggang paa, napagtanto ko na ang layo na niya sa. Mika na nakilala ko dalawang taon nang nakalilipas.

Matagal ko na syang iniiwasan at nagtagumpay naman ako pero sa araw na ito ata ang malas ko at nakita ko sya....

"Wag ka nang makialam Mikk umalis ka na muna, pumunta ka muna sa canteen at kumain,"sabi ni Kyle kay Michaela.

"Busog pa ako at bakit ba?!kararating ko lang pinapalayas mo na agad ako, may galit ka ba sakin,"tanong nya kay Kyle.

"Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita,"pagbabanta ni Kyle. Umirap naman sya at umalis.

"Hey ugly nerd, sa susunod na magkita tayo di lang bola ang tatama sa mukha mo,tandaan mo yan,"sabi ni Rocky sakin.

Di ko na masyadong naintindihan ang sinabi ni Rocky habang sa makaalis sila, bigla na lang ako kinain ng kadiliman..

************
To be continued.....

Vote

Comments

And follow

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon