CHAPTER 1

630 17 4
                                    

Samantha's POV

Hi!!I'm Samantha Nichole Laurel, 15 years old at dito na magsisimula ang takbo ng aking mundo.

********

5:30 ako nagising dahil maaga ang schedule ng klase namin ngayon. Simula pagkabata ganito na ako gumigising kapag may klase, hindi ko na kailangan ang alarm clock para lang magising ng labag sa katawan ko. Sinanay ko na kasi ang katawan ko na gumising ng maaga para hindi ako malate sa unang araw ng klase.

Bago ako bumaba ginawa ko muna ang morning routine ko, at syempre paglabas ko pri-nepare ko muna yung susuotin ko mamaya. Wala kaming uniform kaya pwede kahit anong suotin namin, pwede ka mag dress kung gusto mo. Iba din ang trip ng school na iyon, sana pala noon ko pa naisipang mag enroll para naman wala akong problema sa mga requirements.

Pagkababa ko nakita ko agad si mama at Ken—Ken is my younger brother. Si Ken ang nag aayos ng mesa at si mama naman ay nagluluto nang breakfast naming dalawa. Minsan lang umuwi si mama dito sa bahay at pati na rin si papa kaya kami lang ni Ken ang naiiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay. Busy sa mga kanya-kanyang business ang mga magulang ko at naiintindihan naman namin iyon dahil pinaintindi naman samin ni mama.

Magkaiba ang University na pinapasukan namin ni Ken. Sa NEO University sya nag - aaral, 1st year high school na sya at ako naman ay nasa DK University. Malayo ang DK sa NEO University ilang kilometro ang layo nila sa isa't isa. Dati akong nag-a aral sa NEO pero mas gusto ko na sa DK para naman bagong society! Society in my ass. Nakakasawa na kasi sa school na 'yun dahil maraming toxic people at syempre hindi nawawala ang mga mapaglinlang at mapagpanggap.

-.-

Nagpaalam na ako kay mama dahil 1 hour na lang ay malelate na ako,nagpahatid na lang ako kay manong para mabilis na makapunta sa DK. Gusto ko kasi na maaga akong makapasok para naman hindi ako mahirapan. First day of school at hindi ko pa masyadong kabisado ang University na iyon.

Malayo-layo ang DK sa subdivision namin kaya kung hindi ka gigising nang maaga siguradong malelate ka. Baguhan pa lang ako kaya mahihirapan akong hanapin ang room ko. Ito ang problema ko eh at pinagsisihan ko na hindi muna ako naglibot para naman alam ko 'yung daan papunta sa room na papasukan ko. Ang laki ba naman kasi ng school na ito. Baka pati kinder ay meron na dito.

Nang makapasok na ako sa loob,
hindi ko mapigilang mamangha dahil napakaganda talaga ng University na ito. Malawak na field at nag-gagandahang buildings, hanggang 4th floor lang ang mga buildings dito, kung ikukumpara ko ito sa NEO mas malaki ang DK. Hindi naman ako mangmang lalo na at mas malaki ang mga building sa Italy kung saan kami nag-aral nung elementary. Nakita ko na may mga nakakapasok na kotse para hindi hassle sa paglalakad.  Sana pala pinapasok ko nalang si manong sa loob para naman hindi ako mahirapan sa paglilibot.

Tiningnan ko naman yung pangalan ko sa bulletin board at saka yung room ko. Hayy sa estado ko nayon parang first time ko palang makakita ng ganitong building. Nakakamangha din pala dito, ang layo sa NEO dahil public school.

Hindi naman ako nahirapan sa
paghahanap ng room ko kasi nagpatulong ako kay manong guard.. eh kasi kanina pa ako palibot-libot dito naawa ata sa akin si manong guard kaya tinulungan nya akong hanapin yung room ko.

Mahina talaga ako sa direction kaya minsan lagi akong naliligaw sa school namin dati.

Nasa tapat na ako ng pinto ng room. Room 403-E,ito yung room ko,hindi pa ako pumasok dahil kinakabahan ako. Huminga muna ako ng malalim at kumatok, nakasara kasi ng kaunti yung pinto, napatingin naman yung teacher na nakaupo sa table nya. Tumayo ito at pumunta sa kinaroroonan ko.

"Are you the transferred student," tanong nya, tumango naman ako bilang sagot.

"Class quite,"sabi nya sa mga classmate ko.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon