SPECIAL CHAPTER 5

82 5 0
                                    

MARK POV

"Ano bang problema mo Mark? Kumakain ako tapos nanghihila ka." inis na sabi ni Faye, kahit kailan ang ingay ng babaeng 'to.

Ano ba kasing nagustuhan mo dito Mark.

"We need to talk." seryoso kong sabi.

"Need to talk? Pwede naman sa loob ahh? Bakit dito pa sa pool area na walang tao?" lumapit naman ako sakanya ng kaunti.

"Pwede ba Faye, alam mo kung bakit gusto kong makipag-usap." kita ko naman na kinakabahan sya.

"Wala naman kasi tayong pag-usapan Mark." seryosong sabi niya, ngumisi naman ako.

"Wala? Sigurado ka Faye? Sa loob ng isang taon mahal parin kita kahit pinagtabuyan mo ko kasi akala mo kami ni Audrey." inis kong sabi.

"Oo kasi hindi naman kita pagtatabuyan kung wala akong nakita noon di'ba? Naghalikan kayo, nililigawan mo ko pero may kahalikan na naman na iba. Kung gawin ko din kaya yun sayo?" tanong niya.

"Subukan mo ng paglamayan na sya kinabukasan." galit kong sabi sakanya.

"Kung paglamayan ka din kaya para naman fair?" nakataas ang kilay niya.
"Nung birthday ka pa ni Sam eh, ano ba talagang problema mo Mark? Nananahimik ako oh." andaldal talaga.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko Faye! Ano? Alam mo na?" inis kong sabi.

"Nandito lang pala kayong dalawa, nag-aaway ba kayo?" tanong ni tita Antonette, mommy ni Faye.

"Hindi po tita, nag-uusap lang po kami about our future." tumigil ako at tiningnan si Faye. "As husband and wife." ngisi kong sabi, naparole eyes na lang sya.

"Ayy sige pumasok na lang kayo at ikaw Faye, naiwan mo yung pagkain mo ubusin mo yun mamaya." tumango naman sya sa mommy niya at tinignan ako ng masama nung umalis na ito.

"Husband and wife mo mukha mo, hindi ako papayag na maging asawa kita." mataray na sabi nito.

"Talaga? Sa natatandaan ko ikaw ang may gusto nito?" binato naman nya ako ng bato, kahit masakit ay tiniis ko.

Faye is 18 and now I'm 19,fiancee ko pa lang sya ngayon at kapag nakapagtapos na ay saka kami magpapakasal.

"Oh LQ?" singit ni Kiara.

"Shut up! Si Audrey ang pakasalan mo wag ako! Tseh." lumapit naman sya kay Kiara at hinila ito papasok.

Napa-upo na lang ako sa bench. Kailan ka ba titino Faye? Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.

*****

"Heyy kuya dude." bati ni Ken sakin, nasakanila kami at naisipang tumambay. Andito ang hari kaya andito din ang mga minions.

"Musta bro? Tumatangkad ka na ah? May nililigawan na ba?" natatawang sabi ko. Bumaba naman si Sam at ang ganda nya talaga kahit simple lang ang suot. Kasunod nitong bumaba si Kian.

" 'Wag mong turuan ang bata Mark at baka magpaiyak lang yan ng babae." sabi niya at tumingin sa kapatid. "Dun ka nga sa kwarto mo, samahan mo si ate Faye mo at inaapoy ng lagnat." sabi nito. Napatingin naman ako kay Sam at ganun din sya sakin.

"May lagnat si Faye? Pwede ko ba syang tingnan?" tanong ko, tumango naman siya at hindi na ako nag-atubiling magtagal sa kinatatayuan ko at tinakbo ko paakyat sa hagdan. Napatigil ako sa gitna ng maalala na hindi ko alam kung saan ang kwarto niya dito.

"Sa kwarto ko Mark." sigaw ni Sam na akala mo nabasa ang paghinto ko.

*****
Nakita ko naman si Faye na balot na balot ng kumot.

"Faye." tawag ko sakanya, iminulat naman niya ang mata niya.

"M-Mark? A-Anong ginagawa mo dito?" nahihirapan niyang sabi.

Hinawakan ko ang noo niya at ang init niya. Pumunta ako sa cr at kumuha  ng tubig. May bimpo sa mesa kaya iyon na lang ang pinampunas ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Salamat ahh, kahit pinagtatabuyan kita at tinatarayan ay andito ka parin."

Lumapit naman ako sakanya at hinalikan siya sa noo.

My Faye!

"Ok lang saka may kasalanan naman ako eh. Magpahinga ka na muna para gumaling ka kaagad."

Tumango naman siya. Pinagpatuloy ko ang pagpunas para naman mabawasan ang init niya sa katawan.

Hindi man ako mabuting tao pero kaya kong maging mabuting asawa para sayo Faye. Hindi kita minamadali at pumayag ako na pakasalan ka pagkatapos nating grumaduate ng college.

You'll be my wife soon Faye Marie Brecia. You're mine!

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon