CHAPTER 11

136 13 0
                                    


Samantha's POV

Maaga akong umalis ng bahay kasi magre-research ako about sa lesson ni Miss Alvarez, ang hihirap pa naman ng mga test nun, hayst sana makakuha ako ng passing score sa subject nya. Ang subject namin kay miss ay kasaysayan, wala pa naman akong alam dyan sa kasaysayan thingy.

"Good morning miss librarian"bati ko kay miss librarian, wala pa syang asawa at ang ganda nya kaya minsan maraming tumatambay at nagbabasa ng libro dito dahil sakanya. Good influence si ate librarian, ate librarian ang tawag ko sakanya kasi hindi ko pa alam ang pangalan nya kaya ayun tawag ko.

"Good morning Sam"bati nya pabalik.

"Ahm ate, alam nyo na po ang pangalan ko pero pangalan nyo po ang hindi ko alam"nahihiyang sabi ko.

"Ahm I'm Lowilyn Sanchez, ate Lyn na lang ang itawag mo sakin ok"tumango naman anko ng may ngiti sa labi.

"Sige po ate lyn magre-research lang po ako"sabi ko

"Sige"sabi nya at nagarange na ng mga libro sa shelf.

Dumiretso naman ako sa computer section at naghanap ng bakanteng upuan, marami naman ang upuan dito pero kaso nga lang mapili ako sa upuan kaya kailangan ko pang maghanap ng magandang view.

Tingin dito

Hanap doon

Tingin ulit

Ang upo, kasi nahanap ko na yung perfect spot ko.

**FAST FORWARD **

"Aray"bigla na lang akong nadapa. Kakalabas ko pa lang ng library nadapa na agad ako pero parang may mali eh, may naramdaman akong paa na sa may bandang kaliwang paa ko kaya mabilis ko itong tiningnan at hindi nga ako nagkamali, paa nga at ang mas malala pa,paa pa ng kumag na ayaw kong makita ang nasa harapan ko ngayon.

Tumayo ako at hinarap sya.

"Ano bang problema mo ang aga-aga nambwibwiset ka eh"inis kong sabi.

"Tss"ngumisi lang ang loko, ahh nakakainis talaga ang lalakeng to.

"Tinatanong kita kung anong problema mo "tanong ko ulit.

" Gusto mo talagang malaman kung ano ang problema ko"nagtanong pa ang loko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko"sabi ko.

"Makinig ka sa sasabihin ko"lumapit sya ng kaunti sakin at saka bumulong. "None of your business" sabi nya sabay talikod.

"Ahhh!, humanda ka talaga pagnakita kita"inis na sigaw ko.

Kian's POV

Maaga akong nagising at dahil good mood ako, maaga akong papasok ngayon. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

"Oh ijo ang aga mo atang nagising ngayon"tanong ni manang, dahil sa good mood ako sinagot ko ang tanong nya.

"Wala lang manang maaga lang po talaga ako natulog kagabi"tama naman hah maaga lang akong natulog kagabi pero syempre may isa pa kaya akong dahilan kaya good mood ako today pero secret lang, akin na lang yun.

Malapit na ako sa gate ng makita ko si nerd na papasok, napaisip bigla ako 😏hmm alam ko na.

Sinundan ko sya at papunta sya ng library, ano kaya ang gagawin nya sa library? malamang may ire-research o kaya magbabasa ng libro wag tanga Kian. Hayst ano ba yan pati sarili ko nakakausap ko na sa isip ko.

"Good morning miss librarian" tss bakit yan ang tawag nya kay Ms Lowilyn, siguro hindi nya pa alam ang pangalan ni ate Lowilyn.

"Good morning Sam"bati nya kay nerd, Sam kapangalan nya si.. Erase erase magkaiba sila Kian tandaan mo.

"Ahm ate, alam nyo na po ang pangalan ko pero pangalan nyo po ang hindi ko alam"sabi nya tss nahiya pa.

"Ahm I'm Lowilyn Sanchez, ate Lyn na lang ang itawag mo sakin ok"pagpapakilala nya

"Sige po ate lyn magre-research lang po ako"so magre-research nga sya.

"Sige"sabi ni ate Lowilyn, pumunta naman sya sa computer section.

Pffft mukha syang tanga,eh paano ba naman kasi hindi sya makahanap ng upuan eh sya lang naman ang nandito ay ako pa pala pero hindi nya pa na papansin ang presence ko kaya ang alam nya sya lang ang tao dito.

Tingin dito,Hanap doon,Tingin ulit hanggang sa makahanap sya ng mauupuan nya, tss mukhang baliw to pare-pareho lang namang upuan eh.

Tiningnan ko pang sya habang nagre-research sya. Hanggang sa matapos sya ay nakasunod parin ako sakanya, mabuti na lang at kaunti pa ang tao kaya hindi pa nila ako nakikita kasi konti lang ang pumupunta dito para mag research.

"Aray" daing nya, sinadya ko syang banggain sa pangalawang pagkakataon.

"Ano bang problema mo ang aga-aga nambwibwiset ka eh"sabi nya

"Tss" ang problema ko ay ikaw wala ng iba pero syempre hindi ko yun sasabihin.

"Tinatanong kita kung anong problema mo "inis nyang sabi

" Gusto mo talagang malaman kung ano ang problema ko" ngumisi ako, hmmm 😏

"Sagutin mo muna ang tanong ko" sabi nya.

"Makinig ka sa sasabihin ko"lumapit ako ng kaunti at sinabing. "None of your business" tumalikod na ako at umalis na, hahaha nakakatawa ang itsura nya kanina, well umpisa palang yan ng pang-aasar ko sayo.

"Ahhh!, humanda ka talaga pagnakita kita"narinig kong sigaw nya hahaha I like her kapag naaasar sya, wait did I say I like her? NO! Erase, erase wala kayong nabasang I like her reader hah?

Nakangiti lang ako habang papunta sa room ko, hayst Kasaysayan ang subject namin ngayon pero 'di bale good mood ako ngayon.

***

Samantha's POV

Bwiset na lalakeng yun, arrgghh humanda talaga sya.

"Oh anyare sayo at para kang mangangain ng tao"sabi ni Kiara.

"Si Kian kasi " honest kong sabi.

" Oh ano naman kay Kian"

"Arrggh basta sakin na lang yun"sabi ko. Bwiset talaga😠.

"Oh what happened to you bestfriend "sabi ni Faye na kararating lang.

" Wag mo nang alamin dahil baka mas malala pa sa ngayon kapag hinukay mo pa"sabi ni Kiara.

"Kiara pwede ba hindi naman ikaw ang kinakausap ko eh"inis na sabi ni Faye.

"Wag ka na lang kayang makialam pwede, nakita mo nang wala sa mood magtatanong ka pa, sakin nga di sinabi sayo pa kaya"inis ding sabi ni Kiara, hayy ano bang gagawin ko ngayon.

"Kayong dalawa, pwede ba Tumahimik naman kayo kahit ngayon lang. Naririndi ako sainyo eh"sabi ni Daniella, nakalimutan ko nasa tabi ko lang pala sya.

"Eto na nga tatahimik na"sabi ni Kiara.

"Me too "pagsasang-ayon ni Faye.

"Good "sabi ni Daniella.

Kahit nagiging cold ako at mataray nandyan parin sila para sakin, huhu ayoko ng masaktan ulit pero hindi ko naman mapigilan. They still understand me kahit na wala ako sa mood nitong mga nakaraang araw.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon