CHAPTER 13

129 15 0
                                    

Martha's POV (Samantha's mother)

"Good morning ma'am eto na po yung mga paper works na inutos nyo sakin"sabi ng secretary ko.

"Thank you Liza, you may go now"sabi ko at sumunod naman sya. Lalabas na sana sya ng tawagin ko ang pangalan nya.

"Liza"tawag ko. Napalingon naman sya sa gawi ko.

"Yes ma'am "

" May appointment ba ako ngayong araw"tanong ko. Tiningnan nya naman ang schedule ko.

"Ahhm yes ma'am and it's 3:30 pm with Mr. Brown and 6:00 pm with Mrs. Robert"sabi nya.

"Ok you may go and tell the other employees that they can leave the building around 4"sabi ko.

"Ok ma'am "sabi nya at tuluyan ng lumabas.

Nasa kalagitnaan ako ng pagcheck sa power point ng may tumawag sa phone ko.

Unknown number....
Calling.......

" Hello " I started.

(" How are you Martha ")

" Who's this"tanong ko.

("Nakalimutan mo na ba kung sino ako")

"Magtatanong ba ako kung kilala kita"

("Easy my love")

"Who are you ang don't call me "my love" because I don't know you "irita kong sabi, sino ba to at namimirwisyo.

(" OK nakalimutan mo na ba ang nag-iisang Drake Laurence sa buhay mo") nagulat ako sa sinabi nya. Nanlaki ang mga mata ko.

Paano niya nalaman ang personal number ko?

"Anong kailangan mo at napatawag ka"

("Iibibigay mo ba kapag sinabi ko") kinabahan naman ako sa sinabi nya.

"Hindi"

("Martha kahit makilala ko lang ang mga anak ko")

"Drake tapos na tayo kaya wala ka ng karapatan na makita sila"

("Alam mo ba ang sinasabi mo Martha,kung hindi dahil sa akin wala kang anak ngayon at may karapatan din ako dahil anak ko sila")

"Hindi mo sila makukuha sakin Drake"at binaba ko na ang linya. Hindi maaari. Hindi, hindi ko kayang mawala ang mga anak ko.

Hindi pa ako handa na makilala nina Sam at Ken ang biological father nila.

" Are you ok ma'am "tanong ni Liza.

" Cancel all my appointments today"

"Ok ma'am "

At kinuha ko na ang mga gamit ko para umuwi.

*************

Samantha's POV

" Titingnan mo lang ba ako "
nakahiga sya ngayon sa damuhan at eto ako nakatayo.

" Hoy! Ano na akala ko ba masakit ang paa mo oh bat nakatayo ka lang dyan"may pangalan po ako😒. Wala naman akong magagawa at masakit naman talaga ang paa ko,kaya no choice kaya umupo ako pero may distansya naman.

"Tss uupo rin pala,"bulong niya habang nakapikit. Tahimik lang ako at dinaramdam ang sariwang hangin. Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Kian.

"YAHH!BAKIT ANG LAYO MO SAKIN WALA NAMAN AKONG SAKIT NA NAKAKAHAWA AH"sigaw niya.

"Hoy! Una hindi po ako bingi kaya wag kang sumigaw, Pangalawa wala kang pakealam kung malayo ako sayo, alangan naman dumikit ako sayo ng parang linta ang sabihin mo lang gusto mo lang ako makatabi ng malapit eh yung ang rami pang satsat."sabi ko, hayy makasigaw wagas.

"Tss, bahala ka na nga"aba sya itong nangaladkad tapos iiwan ako dito, pano ba naman naiinis at ayun iniwan ako dito. Tumayo ako at hinabol sya, masakit pa ang paa ko kaya tinanggal ko muna yung sapatos kong may takon kaya nagmumukhang heels, kaya ang resulta naka paa ako.

"KIAN "sigaw ko para marinig niya ako. Hindi ako narinig ng loko kaya ayun dire-diretso. Nakarinig naman ako ng bulungan kaya napatingin naman ako sa paligid at. As in wow,lahat ba naman nakatingin sakin at ang iba parang mangangain na ng tao.

" KIANNN"buong lakas na sigaw ko at napahinto naman sya at tumingin sa akin ng may ngisi sa mukha, aba kung punitin ko kaya yang labi nya dyan. Tumakbo ako papalapit sakanya.

"Ikaw lalaki ka ikaw itong nagdala sakin sa garden tapos iiwan mo ko, loko ka rin eh no"bulong ko sakanya para sigurado.

"Pffftt bakit ka bumubulong haha 😂 "tss baliw na ito, syempre umiiwas ako sa gulo, pero iwas ba to hayy Yer--Sam pala ano ba yan pati pangalan ko naapektuhan.

" Tseh aalis na nga lang"Tatalikod na sana ako ng hilahin na naman ako ng ugok na to.

"Hoy saan mo na naman ako dadalhin"sabi ko.

"Kung saan walang tao"bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Saan??"tanong ko sakanya, gusto ko lang ulit marinig kung tama ba yung narinig ko.

"Ang sabi ko tumahimik ka na lang, putak ka ng putak dyan para kang manok. "sabi nya.

" Mabuti ng manok kaysa sayong ugok..... Aray ano ba"tumigil ba naman. Huhu 😭 ang sakit ng noo ko.

"Anong sabi mo"sabi niya.

"Ang sabi ko mabuti ng manok kaysa sa katulad mong ug---hmmmp"

0_0

Parang gumunaw ang mundo ko dahil dun.

"Sa susunod maging maingat ka sa sasabihin mo kung ayaw mong makatanggap ng halik, oh baka naman gusto mo pa magsabi ka lang at pagbibigyan kita"akmang lalapit sya ng suntukin ko sya, oo sinuntok ko sya yung parang si Manny Pacquiao.

"Subukan mo lang at papatayin kita"galit na sabi ko.

"Masakit yun hah"sabi niya.

"Malamang masakit yun... Hoy! S-sabing w-wag kang l-lalapit" susuntukin ko sana sya kaso nahawakan na niya ang dalawa kong kamay, nagpupumiglas naman ako pero hindi parin ako nakatakas.

"Masakit yun kaya bibigyan kita ng punishment "nakangiting sabi nya, wahh huhu wag po.

" ANO BA TU-hmmp"naramdaman ko na naman ang labi niya huhu may second kiss.Tinulak ko siya ng buong lakas at nagtagumpay naman ako kasi nakatakas naman ako. Ano ba yan ang malas malas ko ngayong araw. Huhu wala naman akong nagawa para parusahan ng ganito.

************************************

A/N:

Pabitin muna guys..
Sa mga nag vote salamat sainyo at sa nag follow sakin salamat. And I'm very thankful sa mga nagbabasa ng story ko thank you guys. Wag kalilimutan mag vote o mag comment.. 😘😘

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon