Chapter 30

100 8 0
                                    


SAMANTHA POV

"Ki kapag ba matanda na tayo papakasalan mo ba ako?"

"Oo naman Rin, ikaw lang ang babaeng ihaharap ko kay God"

"Sure ka? Baka ipagpalit mo ko sa mga babaeng naghahabol sayo sa school"

"Hahaha nagseselos ang Rin ko"

----------------

"Ma saan tayo pupunta?"

"Sa malayo anak"

"Saan nga mama"

"Sshh kalang anak"

----------------

"Dito na tayo titira Sam at dito ko na din ipapanganak ang kapatid mo" sabi ni mama sakin.

"mas ok na ako dito ma kasi maliit lang dito, dun sa bahay natin ang laki" reklamo ko.

----------------

"Sam wag kang lalabas ng bahay ahh dito ka lang bibili lang si mama ng pagkain natin at gatas ni Ken"

"Opo mama ingat po"

Naglalaro lang ako ng bola ng gumulong ito sa labas. Hinabol ko naman ito. Hindi ko napansin na nasa kalsada na pala ako. Narinig ko naman ang sigaw ni mama sa malayo

"SAAAAAM!!"

May bumangga naman sakin at nagpagulong-gulong ako sa kalsada. Namanhid ang katawan ko at nawalan ng malay.
----------------

"Are you ok, namumutla ka" nag-aalalang sabi ni Kian. Tumingin naman ako sa stage kung nasaan si mama at may kausap syang lalake at si principal. Tumakbo naman ako papuntang stage. Hindi ko pinansin ang tawag ni Kian sakin at dire-diretso lang ako.

"Ma" napatingin naman sila sa akin.

"Sam anong ginagawa mo dito?"

"Ma tell me the whole truth, paano ako nawalan ng alaala" tanong ko, kita ko naman sa mga mata nya na unti-unti nang lumuluha ito. Same reaction nung tanungin ko sya noon.

"Anak baka-"

"Tell it to me now ma, I want to know the answer" sabi ko.

"Naaksidente sya Martha?" tanonh nung lalake na kamukha ni Ken. Sakanya naman ako napatingin ngayon.

"Please Drake, wag ka munang makialam" umiiyak na sabi ni mama, tumayo naman sya at pumunta sa pwesto ko. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Anak, gusto ko man sabihin sayo ang nangyare 10 years ago pero hindi ko maggawa" niyakap naman nya ako. I know everybody's watching us.

"Dahil ba nasagasaan ako ng truck? Nabagok ang ulo ko? Am I right mom?" garalgal kong sabi.

"Anak naalala mo na?" tumango naman ako.

"Everything mom" sabi ko.

"Anak" napatingin naman ako dun sa Drake. Anak?

"Anak? You're not my father" sabi ko, tiningnan ko naman si mama at tumango sya.

"Ma?si papa Alex ang daddy ko di'ba?" napaatras naman ako.

"Anak he's your father" sabi ni mama.

"Bakit ang dali naman? Bakit ngayon nyo lang sinabi? Ma? Bakit ngayon lang! Niloko nyo ko!" sigaw ko at tumakbo pababa. Binangga naman ako ni Irene kaya natumba ako at napasubsob sa sahig.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon