CHAPTER 19

119 9 0
                                    


Samantha's POV

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig, imbes na tumigil,tumakbo ako pababa at hinayaan syang mag-isa sa rooftop.

"I like you Sam and I'm willing to wait you to like me too,"

Paulit-ulit na naririnig ko ang mga salitang yun sa utak ko, ahhh!!baliw na talaga sya.

Nakarating ako sa room ng pawisan, lumapit naman sina Daniella sakin.

"Sam saan ka ba galing, kanina ka pa namin hinahanap eh,"tanong ni Daniella.

"Dyan lang sa tabi-tabi, bakit ba? "tanong ko.

" Bigla ka kasing umalis kanina, teka ba't pawisan ka?may umaway ba sayo?sabihin mo, sina Kian ba?"sunod - sunod na tanong ni Faye.

"Faye hinay-hinay lang, kung makapagtanong ka naman akala mo kung ilang araw nawawala,"sabat ni Kiara.

"Umayos nga kayong dalawa, hayaan mo na, magpahinga ka namuna, pawis na pawis ka oh,"sabi ni Daniella, tumango naman ako at umupo.

Dumating naman ang teacher namin, sa tinuro ng teacher namin ni isa wala akong natandaan. Ang hirap talaga kapag may umuukyupa ng utak mo. Loko lokong Kian na yun.

***

Uwian na at eto ako nagliligpit ng gamit.

"Sasabay ka samin Sam? " tanong ni Faye.

" Siguro hindi na, may sundo naman ako eh, salamat na lang, ingat sa pag-uwi,"sabi ko. Nagpaalam naman sila at lumabas na ng room. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas, nagulat naman ako ng may makasabay ako sa paglakad.

"Destiny nga naman,"hindi ko na kailangang tingnan kung sino dahil sa line pa lang na 'destiny nga naman' makikilala mo na kung sino. Hindi ko pa rin makalimutan ang scenario sa rooftop.

"Tigil-tigilan mo ako sa destiny line mo, kung sasabay ka lang sumabay ka, wag yung marami kang satsat,"mataray na kung mataray, ano pa bang itatago ko, nakita na nya akong walang make-up remember?nung birthday ni tita Issa.

"Ang taray mo naman, mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo, kilala akong bully at bad boy pero di halata di'ba, magpapakagood boy ako para sayo, ayaw mo ba nun,"napa role eyes na lang ako.

Hinayaan ko na lang siyang dada ng dada, parang babae ang puta.
Nakarating ako ng parking lot ng mainit ang ulo, sino bang di iinit ang ulo kung ang kasama mo destiny ng destiny di ka maiinis? Gwapo sya, oo pero ang daldal.

"Wala ata ang sundo mo?"oo nga, tatawagan ko na sana si manong ng may message akong nakita sa notification ko. Galing kay mang Raul binasa ko naman ito.

'Sorry hija, di ako makakasundo. Alam na ito ng daddy mo, kasi may sakit ang anak ko at kailangan ako sa probinsya, pasensya na hija'

Nauunawaan ko naman si mang Raul, matagal na syang family driver namin, kailangan nya munang makasama ang pamilya nya lalo na ngayong may sakit si Trisha, si Trisha lang ang nag-iisang anak nila mang Raul at manang Rose, si manang Rose ang yaya ko nung bata pa ako kaya close kami ni Trisha, matanda lang ako ng dalawang taon, kaedad ni Ken. Napabalik naman ako sa katinuan ng yugyugin ako ni Kian. Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Kanina ka pa kasi tulala, may nangyari ba?"umiling naman ako.

"Hindi ako masusundo ni mang Raul may emergency sa kanila,"sabi ko at tiningnan ang phone ko, 5:30 pa naman.

"Sabay ka na lang sakin,pareho naman tayo ng subdivision eh,"sabi ni Kian, wala naman akong choice kaya sumakay ako sa backseat hindi ako marunong mag-commute, sinita naman nya ako.

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon