SPECIAL CHAPTER 1

88 5 0
                                    

KYLE POV

"Mabuti naman at naisipan nyo pang mag-enroll sa college mga tukmol." sabi ko sa anim

"Eh ano bang problema mo?" sabi ni Rocky.

"Masasapak ako lagi ni mama kapag hindi ako mag tapos ng pag-aaral." sabi naman ni Eithan habang busangot ang mukha.

"Ako naman? Gusto ko bakit ba?" -Mark.

"Wehh? Baka late ka lagi hahaha-Puta! Walang ganyanan dude! Ako nga napilitan lang eh." sabi ni Pryxx.

"Kilala nyo ko kaya manahimik kayo." -Luke.

Sumang-ayon naman ang iba at tumingin kay Kian.

"Anong tingin-tingin nyo? Wag nyong sabihin na nababakla na kayo." nakangising sabi niya. Nandiri naman ang mga tukmol.

"Kadiri ka drei."
"Pucha mamakla nalang ako kaysa pumatol sayo."
"Walang talo pre."
"Ako kaya pinaka-gwapo dito."

"Ang iingay nyo." reklamo ni Luke.

"Oh ayan na pala si preng Gil." sabi ni Rocky. "Long time no see pare? Saan ka galing?"

"Sapak gusto mo? Nakita mo ng lumipat ako di'ba? Saan ako lumipat?" ang init naman ng ulo ng pareng Gil ko ah.

"Sa NEO."sabi ni Luke.

"Kasi nandun lumipat si Joanne-ohh bakit? Tama naman ahh." -Eithan, loko talaga neto kahit kailan.

*****

"Sorry, hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh."

May nakabangga kasi ko ng papunta ako ng Dean's Office.

"Ok lang saka tulungan na kita." pinulot ko naman isa-isa ang mga libro na nahulog nya nung nabangga nya ako.

"Salamat talaga... You're Kyle Vergara right?... Sorry talaga hindi ko sinasadya." namangha naman ako sa ganda nya.
Nagpaalam na sya kasi naghihintay na ang sundo nya.

Tulala ako hanggang sa Dean's Office, ako na lang pala ang kulang.

"Anyare sayo Kyle? Tulala ka dyan." tanong ni Eithaniel sakin, tinapik nya naman si Rocky.

"Oh anong ganap?" tanong nya.

"What's the problem Kyle?" napatingin naman ako kay tita Andrea. Umiling na lang ako.

"Oh excuse me... Sorry tita Andrea, nakalimutan ko pong kunin yung gamit ko." napatingin naman ako sa nagsalita, she's here! The girl in the hallway.

"Tingnan mo na lang ulit dun sa kabinet Danaya." sabi ni tita.

"Sige po."

"She's Danaya Lhian Quintos, pinsan ni Samantha." bulong ni Kian, nagulat naman ako.

"Huh?"

"Tsk! I know you Kyle, minsan ka lang magseryoso sa babae." seryosong sabi niya.

"I got it na po tita thank you." nakangiting sabi niya at lumabas ng office.

*****

"Danaya Lhian Quintos." nasarado ko naman ang phone ko.

"Ano ba Mia! Para kang kabute sa kwarto ko." sabi ko, tumaas naman ang kanang kilay nya.

"Kabute? Saka sino yung Danaya?" tanong nya.

"None of your business."

"Aba! Sasabihin mo o sasabihin ko kay mom at dad ang nakita ko." banta nya, kaya ayaw same school kami eh.

"Pinsan sya ni Samantha ok." inis kong sabi.

"Samantha? You mean Yerin?" tumango naman ako, huminga naman sya ng malalim. "Sa tingin mo kaya, kung hindi ako nagbalak na iwan sya noon friends pa ba kami?"

"Ewan ko."

"Kasalanan ko din naman kaya ok na sakin na magalit sya.

*****

"Birthday ni Sam ngayon sabi ni Kian." sabi ni Luke,close sila ni Sam kaya alam nya ang birthday nito.

"Punta tayo." masayang sabi ni Eithaniel.

"Pagkain lang habol mo dun." singit ni Mark.

"Alam nyo ba kung saan?" tanong ko, tumango naman si Luke.

"Happy birthday Sam." bati naming lahat,wala si Pryxx dahil sinusuyo ang girlfriend nya.

"Thank you, kain na muna kayo. May party mamayang gabi saka may room naman na extra kaya kung gagabihin ay dito na lang kayo matulog." tumango naman kami.

"Sam." tawag ng pamilyar na boses.

"Bakit Danaya?"

"Si ate Saphirra kasi kailangang mag pacheck-up,babalik kami mamaya ahh bye." sabi niya.

Ang ganda nya talaga! Hayy puso bakit ang weak mo?

Danaya Lhian Quintos, soon you'll be mine!

True Beauty (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon