3. Meet Again.

85 6 0
                                    

3. Meet Again.

Ice P.O.V

Nagising ako dahil sa sigaw ni Lola.

Geez! Ano bang nakain ni Lola?

I feel sleepy pa eh!

Inis kong hinablot ang aking cellphone sa lamesa.

Para sana tignan kung anong oras na.

Wala akong wall clock dito sa kwarto dahil kahapon palang ay pinadala ko na ang mga gamit ko dun sa bahay nila Tatay.

Para mabilis nalang na maitransfer sa uupahang dorm.

Gulat naman akong napatingin sa cell phone ko.

Geez! 12 palang! Anong trip ni lola at ginising nya ako?

Ano yun? Hatinggabi tatawagin nya ko para buksan yung radio?

Ilang minuto pa akong tumulala sa kisame para mag isip nang mga dahilan kung bakit ako tinawag ni Lola ng ganitong oras.

Ngunit naputol ang pagiisip ko nang tawagin nya nanaman ako.

Kaya naman inis akong bumaba.

"Lola, bakit nyo ako tinatawag eh! 12 am palang oh!" takang tanong ko sabay turo sa wall clock sa kusina.

"Aba'y sabi mo'y magpapaenroll ka ngayon diba?" saad ni lola.

Unti unti namang nagsink in sakin iyon.

Omy! Magbyabyahe pa ako.

Gulat naman akong napatitig uli kay lola.

At agad na hinablot ang tuwalya na nakasabit sa hagdan at dali daling naligo.

Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Lola.

Hayst! Lola naman oh!

Habang naliligo naiisip ko ang eksena ng pagkikita namin ni Sir. Pero laging pumapasok sa isip ko na Pano pag hindi kami nagkita?

Ay hindi be positive Janice!

Pagchecheer ko sa sarili ko.

Wala sa sariling ngumiti ako at naglagay ng shampoo sa buhok.

Hayst! Eto nanaman ang number one enemy ko sa umaga.

MALAMIG NA TUBIG.

Buti pa pag bakasyon, pwede ka maligo anytime, anywhere.

Tsaka hindi naman pwedeng hindi ako maligo kapag papasok.

Mamamaho ako, tapos baka maamoy pa ako ni Sir!

Tsk! Bawas ganda points yun. Hay!

Sana makita kita mamaya Sir ng buhay ko!

Kahit malaki ang Harvard, sana magkita parin tayo.

Alam kong kasabwat ko si tadhana. Kaya tadhana, wag mo akong bibiguin ha?

Habang pataas ako, para magbihis.

Ay naiisip ko ang mga mangyayari this year!

Bawas happy times! Dahil di ko na kasama si Rhia.

Pero bawing bawi naman ang mga happy times ko dahil araw araw kong makikita si Sir Jaiven.

Geez! Kailangan makita ko ang schedule nya!

Di ko namalayan na ayos na pala ako. Kaya naman bumaba na ako para kumain ng almusal.

Sa hagdan palang kita ko na ang nakahandang pagkain at ang nanunuod ng T.V na si lola.

Nang tuluyan na kong bumaba ay umupo na ko.

Be mineWhere stories live. Discover now