Crush
Ice P.O.V
Mamayang hapon na gaganapin ang camp. May mga ibang estudyante na kaming nakikita na pumupunta na sa school.
Sa tigin ko naman magiging masaya ang camping.
Kasalukuyang nagpapasulat ang teacher namin sa agriculture at si Zhey ang pinagsulat.
Maya maya nakarinig ako ng boses sa likuran.
"Zhey, ano yun? A o O?" tanong nito na ikinairita ni Zhey.
"A yun." pagtitimpi ni Zhey, pawis na pawis na sya dahil kanina pa sya nagsusulat.
Parusa kase sakanya yan, kase sobrang dami nyang lista sa noisy.
Maya maya pa ang dami ng nagreklamo na hindi daw maintindihan ang sulat nya.
"Pota! Nakikitingin na nga lang kayo sa sulat ko, reklamo pa kayo ng reklamo!" pagdadabog nito at hinagis ang chalk.
Naku patay na, nagaalburoto na sya.
Maya maya nakita kong lumapit sakanya si Crystal na nagpipigil ng tawa, kaya naman napatawa nalang rin ako.
Hindi kase maipinta ang mukha ni Zhey, parang anytime makakapatay na sya.
Yes, impatient yang si Zhey. Pero mabait naman, kapag tulog nga lang.
"Hahahaha, easy boi. Upo kana. Nakakaawa ka naman. Ako na magsusulat." sambit ni Crystal ngunit marami ang umangal.
"walaaa! Punishment yan ni ma'am sakanya!" tutol ng karamihan.
Nakita ko namang nagiinit narin si Crystal.
Juskopo.
"Manahimik nga kayo, putangina nyo ah!" sigaw nito, yung iba naming kaklase ay tumatawa na samatalang yung iba parang galit dahil nagmura si Crystal sakanila.
Oh-uh.
Tumingin sakanila si Zhey ng masama, na ikinatahimik nila.
Nakakapangilabot at the same time nakakatawa.
Maya maya ipinagpatuloy na ni Zhey ang pagsusulat.
Lunch...
Nandito na kami sa canteen, para bumili ng pagkain.
Si Crystal ang pinapila namin, para bumili nang pagkain naming tatlo.
Kami naman ni Zhey ay umupo na sa bakanteng upuan.
Maya maya tinawag ako ni Zhey kaya naman nagangat ako ng paningin.
Kumunot ang noo ko ng makita syang nakangisi.
Nginuso naman nya yung nasa likod nya.
Kaya naman tumingin ako.
Tsk, it's Sir Jaiven and as always the higad. Mina.
I don't know, pero nawalan ako ng gana kumain.
Kaya naman si Zhey nalang kumain.
Nakikinig lang ako sa paguusap nila Zhey at Crystal habang nagcecellphone ako.
Ngunit maya maya nagtaka ako ng tumahimik sila.
Kaya naman tumingala ako at tumingin sa dalawa.
"Tss, crazy." wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Eh pano ba naman. Nakatitig sila sa isa't isa at nakangisi na parang nga demonyo.
"HAHAHAHAHA!" mas lalong napakunot ang noo ko ng tumawa sila.
YOU ARE READING
Be mine
Teen FictionThe ambitious one, the mysterious girl, the nothing is impossible woman. The jolly person, the i love my teacher and no one can stop me, the even if im not smart i can graduate, the girl who has a lot of advice, the woman who never give up, the girl...