18. Im inlove with a monster.
Zhey's P.O.V
"Next Group, Group Magellan!" sambit ng emcee. Na hudyat na kami na ang rarampa.
Nararamdaman ko ang pangangatog ng binti ko.
Syempre! Gosh! Okay lang sana kung yung nga schoolmates lang namin ang nandito.
Kaso, hindi eh! Pati mga ibang estudyante sa iba't ibang school.
Si Crystal ang naunang naglakad.
Ramdam na ramdam ko ang kaba nya dahil para syang naiihi na ewan.
Si Ice naman ay panay ang pagmumura sa likod ko, like.... "Shit!" "Fvck!" "Ano ba kasi itong pinasok ko, damn!"
Yan!
Nang lumabas na si Crystal sa backstage para rumampa. May mga humiyaw.
Syempre laging nadadawit si Crystal kapag napapaaway ako, kaya marami na ring nakakakilala sakanya.
Nang medyo nakalayo na sya, ako na ang sumunod na humakbang palabas ng stage. Di ko pinakita ang pangangatog ng mga binti ko.
May confident na lumabas ako ng may ngiti sa aking mga labi.
Di ko inaasahang maghihiyawan sila.
Syempre! Kilala ako dito! Lagi ba namang naguguidance eh.
Nang lumabas na si Ice, mas dumami ang naghihiyawan.
Karamihan sa naghihiyawan ay yung relatives mga pinsanin namin ganurn. At syempre yung mga kaklase namin.
Abah! Dapat lang noh! Sila kaya ang namilit, tapos di nila kami isusupport?! Baka batuhin ko sila ng heels ko.
Pumwesto kami sa harap, at panay ang pose. Panay naman ang pagcliclick ng mga camera sa harap namin.
"Shiz! Nakakangawit na." mahinang bulong ni Crystal, habang nakangiti parin.
Tumagal kami nang ilang minuto dun sa pagpopose.
Humakbang si Crystal para lumipit sa mic.
"Crystal Perez! Ang pinakamabait sa grupong Magellan!" masiglang may pasigaw pang sabi ni Crystal.
Napasinghap kaming dalawa ni Ice.
"Nakakahiya." sabay naming sabi ni Ice.
"Booooo! Hindiii!!" rinig naming pagrereklamo nang madla sa sinabi ni Crystal.
"Angal kayo?! Pakelam ko!? Thank yah!" sigaw nya at naglakad na papuntang exit.
Shit! Ako na!
Dahan dahan akong lumakad papuntang mic.
Andami kong kilala na nakatingin sakin, shit! Nakakahiya.
Nang makalapit na ako sa mic, ay huminga ako ng malalim at.....
Ice P.O.V
Nang natapos na si Crystal, ay dahan dahang naglakad si Zhey papalapit sa mic.
Nakita ko syang huminga nang malalim at magsasalita.
Bago sya magsalita ay pinikit ko na ang mga mata ko.
I don't want to see this scene.
"SHALZEY AXEY BAILEY MONTES! INFRONT OF YOU EVERYONE! NANINIWALA AKO SA KASABIHANG, KAPAG TUMALON KA SA SAPA, IKA'Y MABABASA! NANGGALING SA GRUPO. KUNG SAN MGA MONGGOLOID! ALIEN! AT DI KAPANIPANIWALANG TAO ANG NAROROON. GROUP MAGELLAN!! ANG NAKAHANAP NANG BANSANG ATING TINATAPAKAN! SHARE KO LANG! PAALAM!!"
YOU ARE READING
Be mine
Novela JuvenilThe ambitious one, the mysterious girl, the nothing is impossible woman. The jolly person, the i love my teacher and no one can stop me, the even if im not smart i can graduate, the girl who has a lot of advice, the woman who never give up, the girl...