11. Practice

21 4 0
                                    

11. Practice

Crystal's P.O.V

Saturday

Nandito ako sa tapat ng bahay ni Zhey, mahigit isang oras na akong naghihintay sakanya dito.

"Zheeey! antagal mo!" sigaw ko

maya maya ay naka rinig ako ng padyak na paa at binuksan yung pinto

"aba, Zhey andito na kaklase mo. Bilisan mo!" sigaw ng mama ni Zhey na nasa pintuan ng bahay nila

"oo na eto na!" rinig kong sigaw din na Zhey at lumabas na rin ng bahay

"pwede nyong iwanan yang batang yan, kababagal. Alis na" wika ng mama ni Zhey

"Heh" tugon ni Zhey at umirap pa

sinarado na rin ng mama ni Zhey yung pinto, narinig ko namang tumatawa si Zhey

ang ganda naman ng samahan nila parang magbabarkada lang. at ngayon alam ko na kung saan nag mana si Zhey

nagsimula na kaming maglakad patungo sa sakayan

"Zhey Tagal mo aba" sambit ko at tiningnan ang mga naglalakad kong paa

"aba eh walang nag gising sakin ng umaga, tas naligo pa ako" paliwanag ni Zhey

"dun ka pala sa Mama mo nag mana HAHAHHA" sabi ko

"ewan, ang kulit nga ni Mama eh parang bata haha" saad ni Zhey at inayos ang dala nyang shoulder bag na maliit

"ganon din kame ni Mama pero ang ayaw ko lang laging nag aaway yung mama at papa ko" saad ko at tumingin sa malayo

"bat nag aaway?" tanong ni Zhey at tiningnan ako kita ko sa mga mata nya na nag aalala sya

"may iba kasi Papa ko" 

bigla na lang ako nakaramdam ng sakit dahil sa mga binitawan kong salita at may naalala ako...

*Flashback*

may narinig akong sigawan sa labas ng kwarto ko. nakita ko naman ang oras 11:27

napaupo ako sa kama at tiningnan ang mga kapatid kong tulog parin

"gabi kananaman umuwi!"

"bakit ba hinintay mo pa ako!"

"bakit naman hindi kita hihintayin. Minsan di ka na nauwi!."

may narinig ako ng isang palo .

bigla bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at lumabas ng kwarto.

nakita kong mulang mula si mama at naka subsob sya. sinampal sya ni papa.

"ikaw bata ka matulog ka na!" sigaw na papa at dinuduro pa ako

"Bakit mo sinampal si mama!" sigaw ko naman kay papa

nanlaki yung mga mata ko ng makita ko syang papalapit saakin. tumakbo ako sa may lamesa namin at nakita kong may nag message cellphone ng papa ko na nakapatong sa lamesa

kinuha ko yung cellphone ni Papa at pinakita sakanya yung message

"eto ba ang dahilan kung bakit ka nauwi ng gabi, Papa?!" sigaw ko at may namumuo na luha sa mga mata ko

"ibalik mo yan kung saan mo nakuha" sabi ni Papa na tumigil papunta saakin 

"Baby Balik ka dito ayaw kitang umuwi sa pamilya mong madumi. Kapal ng mukha papa. Sinabihan pa kaming madumi!" sigaw ko kay papa

Be mineWhere stories live. Discover now