14. Camp
Zhey's P.O.V
"hoy! Hoy! Hoy!!! Mga unggoy. Manahimik muna kayo." sambit ko na nakakuha ng atensyon ng mga kaklase ko. Kaya naman nagsitahimik na sila.
"May mag aanounce ng ewan" sambit ko dahil nagtatanong ang mga mukha nila.
Kaya naman sinimulan ng magsalita ng mga mag aannounce ata ng event ng ewan? Malay ko ba?
"So yun po, maari po bang magsitahimik kayong lahat?" pakiusap ng babaeng announcer.
Napairap naman ang iba kong kaklase. Habang ang ilan ay parang interesadong malaman kung ano ang sasabihin nila.
"Meron nga po tayong nalalapit na Camp. SSG camp. May mga activities po tayo rito. Limang schools po ay magsasama sama sa isang camp. Sa mga interesadong sumali pumunta lang po kayo sa SSG club. Fourth floor po. Katabi po ng Mapeh Club. May mga babayaran po."
Nagbulong bulungan naman ang mga kaklase ko sa narinig.
Hmmmm.... Parang may naiisip ako ah.
"Bukod po sa masaya rito. Ay makakasama nyo pa po yung mga kaibigan nyo sa ibang school. Sa Saturday hanggang Wednesday po ito so 5 days and 4 nights. Registration fee po ay 60 pesos lang. Kung kukuha po kayong shirt ay 160 so 220 po ang total. Sana po maencorage ko po kayong sumali. May mga pasabog papong naghihintay sa inyo dun. Yun lang po, thank you!"
Mahabang litinya nito at umalis na.
What da ef? Parang gusto kong sumaliiiiii.
"uyuyuyuyuy. Tara sali tayo!" pagaaya ni Crys.
"Ayts sayang may pupuntahan kami sa saturday. Pass muna ako dyan guysue" nanghihinayang na sambit ni Quinny.
"Awssss, basta sa susunod sumali kana ha?" wika ni Crys. Napatango naman si Quinny. Napatingin naman sakin si Crys.
"Me pa?! Of course game na game ako" masiglang sambit ko.
"Yeah me either sasali rin ako." sambit rin naman ni ice.
"yieeee, yan ang gusto ko sainyo e. Basta quinny ha?! Sasali ka na sa sususnod?!" wika nanaman ng bunganga ni Crys.
"Oo nga aba, paulit ulit?!" iritadong sabi ni Quinny at tumawa.
"Hahahaha. Sorry naman"
**
"Oh ano na? Leggo na" pagaaya ko sakanila.
"Wait, hihinihintay pa natin si Quinny" sambit naman ni Crys habang nagtitipa sa kanyang cp.
"Idiot, hindi nga kasama si Quinny diba?" sambit naman ni Ice.
"Ayts, oo nga pala. Tara na. San ba yon?" wika ni Crystal habang nagtitipa parin ng kanyang cellphone.
"Ay, gagi. Kasasabi lang kanina na sa fourth floor daw tabi ng Ma-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si Ice.
"Mapeh club" sambit nya.
"Yieeeeee" chorused na sabi namin ni Crystal. Na kinakunot ng noo ni Janice.
"I smell something fishy." pang aasar ko pa.
"Gaga yung ano mo lang yun. Maghugas kase kahit minsan." sumama naman ang tingin ko sa sinabi ni Crystal.
Tangina lang?
" Hoy gago. Nahiya ako sayo. Daily ako naghuhugas baka ikaw yun." pag balik asar ko naman dito.
YOU ARE READING
Be mine
Teen FictionThe ambitious one, the mysterious girl, the nothing is impossible woman. The jolly person, the i love my teacher and no one can stop me, the even if im not smart i can graduate, the girl who has a lot of advice, the woman who never give up, the girl...