Music 5 ♫

573 12 0
                                    

Music 5

"Ok guys, lunch break muna tayo."

Buti na lang nagbaon ako ng kanin! Hehe. Ano kayang ulam? Si mama kasi ang naghanda nito eh. Pagbukas ko ng takip, tumambad  sa'kin ang isang fried chicken. Yehey! Favorite ko to. Galing talaga ni mudra!

"Ummm... mukhang may naaamoy akong may masarap na ulam dito ah!" Tumabi bigla sa akin si Kenneth sa may sahig.

"Pwede pa-share Ms. Happiness?" At talagang sineryoso niya ang pagtawag sa'kin ng 'Ms. Happiness' ah! Well, kung diyan siya masaya, hindi ko na ipagdadamot ang kasiyahang iyon.

"Of course I can share. Basta pahingi rin ng ulam mo!" Hawak-hawak din kasi niya ang lunchbox niya. Akala ko nga ako lang ang nagbaon dito, yung dalawang kumag kasi nagsilayas, bibili daw muna sila ng food. Kaming 3 lang nila Kenneth, ako at Harrymylabs ang naiwan. Si Harry nakaupo sa may sulok at tinitingnan ang songhits niya.

"Uy, hindi ba kakain yun?" Tinuro ko si Harry.

"Ewan ko. Tanong mo sa kanya."

"Ang ganda ng sagot mo."

"Hey, I don't think magugustuhan mo to."

"Why not?" Binuksan naman ni Kenneth ang baunan niya.

"Pahingi ako dali!"

"Eh?"

"Sabi ko pahingi ako!" Inaabot ko ang baunan niya pero pilit niyang nilalayo sa'kin.

"Sigurado ka ba diyan?"

"Ano bang sabi ko? Bingi lang Kenneth? Bingi lang?"

"Pero mamaya niyan allergic ka pala rito."

"Hindi ah! Ano bang masama sa pagkain ko ng tuyo?" Nangangawit na ko kakaabot ng lunchbox niya. Tumataas na ang kilay ko ah! Ayaw mo ibigay ha!

"Please... pahingi na..." Nilabas ko na ang magic powers ko at yung ay ang pagpo-pout (*.*)

"O-oo na! Gu-gusto mo sayo nang lahat yan!" 

"Yehey! Uy adik hindi ko sinabing sa akin na to noh!" Nakaalis na si Kenneth nun sa harapan ko. Anong problema nun at nagtatatakbo?

-Kenneth's POV-

Bago kayo mag-violent reaction. Itanong niyo na lang sa author kung bakit mas nauna akong magka-POV kaysa kay Harry.

"Please... pahingi na..." 

dug.dug.dug

Hindi ko inaasahan ang pag-pout ni Ms. Happiness sakin para lang makakuha ng tuyo. Akala ko talaga hindi siya kumakain nun kasi ang pagkakaalam ko eh may kaya ang family niya. Ni-hindi nga ata siya pinapadapuan ng lamok ng nanay niya eh. Grabe kakaiba talaga siya.

"O-oo na! Gu-gusto mo sayo nang lahat yan!" What's happening to you? Nag-pout lang sayo si Ms. Happiness it can cause you na maging utal-utal?

"Yehey! Uy adik hindi ko sinabing sa akin na to noh!" Napatakbo akong bigla palabas ng music room bago pa makita ni Ms. Happiness ang pamumula ko. I can't help myself to be like this infront of her. Inlababo na talaga ako sa kanya.

Yeah right! I'm inlove with her. It's not infatuation, it's not crush but it's a thing called love. It started when Harry introduced her as the new girl vocalist. Dati, hindi ako naniniwala sa 'love at first sight' thingy na yan pero ngayon, nangyari 'to sa'kin.

Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon ko lang nakita si Ms. Happiness. Eto na: I'm a transferee student in Sunshine Academy. Bagong lipat lang kami sa lugar na ito. It's very far for us kung dun pa rin kami ng 5 kapatid ko mag-aaral so my mom decided na dito na kami mag-continue ng studies namin. Eversince I was a kid, I enjoy playing the piano. Kaya nung nalaman kong naghahanag ang 'Flying Colors' ng pianist/organist, I grabbed the opportunity at dun ko nakilala ang mga new bestfriends ko.

As I was saying, the girl who won my heart is now eating my lunch. 

"Uy Kenneth! Tara na dito sige ka uubusin ko talaga to!"

"Sinong may sabi sayong ubusin mo yan?" Nawala na ang pamumula ko kanina at pinuntahan ko na si Ms. Happiness.

"Anlabo mo pre! Sabi mo kanina kahit ubusin ko na tong lahat eh!"

dug.dug.dug

"Nananaginip ka ata eh. Wala akong sinabing ganun noh!"

I can feel the sudden change of my heartbeat. Unti-unting bumibilis ito habang papalapit ako sa kanya. But from the very start, I should limit myself na mapalapit sa kanya. I know I could'nt reach her because her heart already belongs to somebody. Alam ko namang may gusto siya kay Harry. Sa tingin pa lang niya rito, mahahalata mo na talaga. That's why it hurts the most.

♫ Music Lovers ♫ (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon